Naramdaman ni Ada ang paghilig ni Kevin sa kanyang balikat at pagsalikop nito sa kanilang mga kamay. Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse na maghahatid sa kanila sa hospital kung saan dinala si Clara. "Thank you for coming with me," sambit ni Kevin. Pinisil niya ang kamay nito. "Clara is like a sister that I never had. Kaya natural lang na sumama ako." "Why don't you just say, your welcome. Sinasaktan mo ako," pagdradrama nito. Natawa na lang siya. Alam niya pinapagaan lang nito ang nararamdaman niya. Pero alam din niya na pati ito ay hindi na rin mapakali. Idinikit niya ang ulo sa ulo nitong nakasandal sa balikat niya. "I will always be here for you, Bente." Naramdaman niya natigilan ito. Pero saglit lang kapagkuwan ay iniyakap nito ang isang braso sa kanya. Nagpapalambing an

