"Dahan-dahan lang, huwag tatakbo!" saway ni Ada sa kanyang mga babies. Nandito sila ngayon sa resthouse nila Kevin. Inimbitahan daw siya ng pamilya nito na maki-join sa kanilang small party. Like early summer time. Babalik na kasi bukas ang mga ito sa manila. Tatanggi sana siya kaso mukhang mautak si Kevin dahil sinabi nito na isasama ang kanilang mga babies. Sino ba siya para ipagkait ang isa sa mga pangarap ng mga babies niya ang magtawpisaw sa dagat. "Let's go," pukaw sa kanya ni Kevin na nakatayo na sa kanyang harapan. Hinanap niya ang mga bata. "They are inside, tara na. Ano na naman kasi nasa isip mo? Huwag mong sabihin pinakaiisipan mo ang sinabi ko kah- Aray naman, Ada!" daing nito ng hampasin niya ito sa braso dahilan para maputol ang iba pang sasabihin. MALANDI! Alam na n

