Lukot ang mukha ni Ada habang tinatahak ang pasilyo patungo sa opisina ng General Manager na si Mr.Tuazon. Sobrang naiinis siya sa mga narinig at nakita kanina. May girlfriend si Kevin? Tapos hinalikan siya ng lalaking 'yun. Ang kapal ng mukha. Hanggang sa nakarating siya sa may pintuan ng opisina ni Mr.Tuazon ay nakasimangot siya. "Bakit nakasimangot ang pinakapilya sa kaharian niya?" Napatingin siya sa nagsalita. Ang secretary ni Mr.Tuazon. Tipid niyang nginitian ito at nagtanong, "Nandyan ba si Sir Tuazon, pinapatawag niya raw ako?" Tumango ito at isinenyas ang isang kamay na nagsasabing tumuloy na siya. Kaya naman tinanguan niya rin ito at nagtungo na sa may harap ng pintuan. Kumatok siya ng tatlo beses at ng marinig ang tugon mula sa loob ay pinihit na niya ang pinto pabukas. Ma

