Naglalakad si Ada patungo sana sa may receptionists nang mapansin niya ang dalawang matanda na nasa waiting lounge at nakaupo sa isa sa mahabang upuan na inihanda talaga para sa mga naghihintay na guests.
Dahil sa may pagka marites siya s***h tsismosa pero konti lang naman ay nilapitan niya ang mga ito.
"Tumigil ka na, Simon!" Rinig niyang sabi nung matandang babae.
"Sulitin naman natin ang honeymoon natin." Napangiwi siya ng marinig ang sinabi ng matandang lalaki.
Kung titignan naman ang mga ito ay hindi naman katandaan. Siguro nga nasa forties ang babae at fifties ang lalaki.
Pero seryoso honeymoon talaga nila ngayon?
Nang tuluyan siyang makalapit ay tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng dalawang matandang nagtatalo.
Sabay na lumingon ang mga ito sa kanya kaya inihanda niya na ang kanyang pinakamatamis na ngiti.
"Magandang umaga sa aming naggagandahan at naggagwapuhang panauhin, pagbati mula sa pinakamagandang Dyosa ng kahariang ito. Maligayang pagdating." Bahagya pa siyang yumuko sa mga ito.
"Hindi rin makapal ang mukha mo, iha 'no!" sabi ng matandang lalaki.
Aray ko po! Direct to the bones 'yun ah.
Umayos siya ng tayo at ngumuso. Mabuti na lang ay nandito sila sa may gilid malayo-layo sa ibang mga guest.
"Si Sir naman, minsan na nga lang ako mag-emote hindi n'yo pa pinagbigyan." Nakanguso niya pa ring sabi.
Narinig niyang sabay na natawa ang dalawang matanda.
"I like your vibes, iha. Very energetic, don't mind this old man here. Bitter kasi ito," pahayag naman ng matandang babae.
Dahil sa sinabi nito ay bumalik ang ngiti sa mga labi niya at naalala ang totoong pakay.
"Oo nga po pala. Kaya ko po pala kayo nilapitan dahil sa napansin ko po na mukhang may pinagtatalunan po kayo?Baka lang naman po makatulong ako lalo na kung tungkol po ito sa pag-stay n'yo rito?" magalang niyang saad.
"Hindi ka naman tsismosa, 'no, iha," sabi ulit ng matandang lalaki.
Aray! Panagalawa na 'yun, ah. Namumuro na si tatay malapit na magbingo.
Nakita niyang hinampas ito ng babaeng matanda.
"Hindi naman po, sir. Konti lang naman po," sabi niya at inaksyon pa ang mga daliri upang ipakita kung gaano kakonti.
"Huwag mong siyang pansinin, iha. Saka call me nanay ang call him tatay. Mas komportable diba?" nakangiting saad ni nanay.
Nagkainstant second nanay ako sana hindi ako itakwil ng nanay ko.
"Ano po ba pinagtatalunan n'yo?"
"Ito kasing si tatay mo napakahilig!"
Napakunot noo siya dahil hindi niya nakuha ang sinagot ni nanay.
Mukhang napansin nito ang reaksyon niya.
"Inosente? Ang ibig kong sabihin, iha. Mukhang gusto niya pang dagdagan ang pitong anak niya. Matanda na kami para dun pero grabe pa rin kung makahirit hindi ako tinigilan kagabi," mahinang saad ni nanay na ikinalaki ng mata niya ng mapagtanto ang ibig sabihin nito.
Lumipat ang tingin niya kay tatay na malapad ang pagkakangisi.
"Dapat lang naman naming sulitin ang regalong bakasyon ng mga anak namin diba, iha?" saad ni tatay na tila naghahanap ng kakampi sa katauhan niya.
Hindi niya naiwasan mapangiwi sa sinabi ni tatay.
Like seriously?
Sa edad nila nagbobonding in bed pa sila?
"Tumigil ka na Simon! Pati ang walang malay na bata idadamay mo pa sa kamanyakan mo. Nasan na ba 'yung sundo natin?"
"Parating na iyon, masyado mo naman pinapahalata na sabik na sabik ka sa akin, mahal." Iniakbay pa ni tatay ang isang kamay sa balikat ni nanay.
Habang si nanay naman ay pilit itong inaalis. Napangiti na lang siya sa tanawin sa kanyang harapan.
Parang ang sarap magmahal?
Kelan ka ba tatama sa akin Mr.kupido?
"Pwede po bang magtanong?" Pang-iistorbo niya sa dalawa.
"Sure," sabay ng mga itong sagot.
"Ano po ang nagpapatibay sa samahan n'yo?"
Ayan naging interviewer na siya.
Nakakacurious kasi ang mga ganitong lovelife.
Malay n'yo pagdating ng araw magamit natin.
Tumikhim pa si tatay na tila talaga nasa isang tv show sila. "Alam mo iha, wala naman talagang sikreto sa isang pagsasama. Darating ang mga panahon na maiisip mong ayaw mo na. Lalo na kapag sunod-sunod na problema ang kinakaharap n'yo. Makakaramdam ka ng pagod, 'yung puntong gusto mo ng bumitaw. Pero dahil mas natatakot kang mawala siya, kaya mas pipiliin mong kayanin at manatili," mahabang pahayag ni tatay na tumagos yata hanggang sa kaloob-looban ng puso niya.
"Accept all his imperfections, failures and even his bad sides. Kasi kapag nagmahal ka hindi lang naman 'yung good sides diba? Kasi kung 'yun lang ang mamahalin mo hindi ka makakarating kahit sa gitna ng kaligayahan. Higit sa lahat, be careful what you say. Hurtful words take seconds to say but last for years or end a relationship," mahaba ring pahayag ni nanay.
"And most of all." Singit ni tatay na ikinatingin nila dito. "Dapat 'yung magaling sa ka-aray! Aray naman mahal!" Naputol ang sasabihin ni tatay ng hampasin ito ni nanay.
"Ikaw, puro kalokohan na naman 'yang sasabihin mo! Inosente pa ang batang 'yan!" sita ni nanay rito pero di nagpaawat si tatay.
Hinawakan nito ang dalawang kamay ni nanay at tumingin sa kanya. "Hindi ako nagbibiro sa bagay na 'yun. Kasi isa 'yun sa magpapatibay sa samahan n'yo. Dapat kapwa kayo mapagbigay at magaling para wala sasalisi," lintaya ni tatay at kinindatan pa si nanay na ngayon ay nakasimangot na.
Naiiling na lang siya nakatingin sa mga ito habang pilit kinukuha ni nanay ang mga kamay nito kay tatay.
"Nandito na pala sundo natin, tara na para masolo mo na ako, mahal." Inalalayan ni tatay si nanay na makatayo at hinawakan ang kamay nito.
"Paano dyosa, una na kami, 'yung mga bilin ko sayo, ah," pagpapaalam ni tatay.
Malapad naman siyang ngumiti at nagsalita, "Huwag po kayong mag-alala Tay, tatandaan ko po lahat. Saka tungkol dun sa sinabi n'yo, sisiguraduhin ko pong magaling at hindi lang pang-isang round ang hahanapin ko."
Kapwa pa natawa ang dalawang matanda bago tuluyang nagpaalam. Nahatid niya na lamang ng tingin ang mag-asawa palabas ng hotel.
Pagkatalikod niya ay bumunggo siya sa isang matigas na bagay. Napahawak pa siya sa kanyang noo.
Handa na siyang maging tigre sa sakit ng pagkakauntog nang pag-angat niya ng ulo ay nanlaki ang mga mata niya.
Napaatras pa siya mula rito.
"Mr-Mr.Ceo," tanging nasambit niya habang hawak-hawak pa rin ang noo.
"Good morning Ms.Musa," bati nito sa kanya pero hindi niya alam kung sinsero ba ang pagbati nito para kasing gusto na siyang ilambitin patiwarik dahil sa talim ng tingin nito.
"So, you prepared someone who can make you scream so loud and make you c*m countless time?" bulong nito sa may tenga niya na hindi niya napansin na ang lapit-lapit na nito.
Bago pa siya makasagot ay iniwanan na siya nito pero nakita niya ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi nito na ikinalaglag yata ng panty niya.
"Ma'am Ada, Ma'am Ada!!" pukaw sa kanya ng isa sa mga housekeeper.
"Ye-yes?" nauutal niyang sagot rito.
"Ayos lang po ba kayo?"
"Yeah ofcourse. Ano ka ba, ayos ako. Sobrang ayos ako. Yeah, maayos ako," ulit-ulit niyang tugon na pati ang kausap ay tila nahilo na.
"Maayos na po lahat ng pinapagawa n'yo mam. Kayo na lang po hinihintay."
"Ah, yeah dun nga ako papunta naharang lang ako, tara na."Nauna na siyang naglakad dito dahil parang pakiramdam niya ay lutang pa rin siya dahil sa ngiting iyon.