BMS 5

2462 Words
"Sir, sir!" Sunod-sunod na pagtawag kay Kevin ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "What!" iritado niyang sagot. Napayuko naman ang lalaki sa harap niya dahil sa pagtaas ng boses niya. Huminga siya ng malalim saka umayos ng upo. Mukhang kanina pa siya wala sa sarili. Kasalanan ni Ms.Musa ito! "What are you saying?" tanong niya kay Mr.Tuazon. Nag-angat ito ng mukha. "Regarding the upcoming anniversary two months from now, I'm asking about your plan?" tugon nito.. "Mr.Tuazon, can we talk about it next time." "Sure, sir Kevin, I go ahead." Tumayo na ito at lumabas na. Napasandal na lang siya sa kanyang swivel chair. Nang muling maalala ang eksenang nasaksihan kanina. Papunta sana siya sa may receptionists upang magcheck nang makita niya si Ms.Musa kausap ang dalawang matanda na napag-alaman niyang mag-asawa. Mabuti nalang at may malaking halaman na nakaharang sa may gilid malapit sa pwesto ng mga ito. Doon siya nagstay. Rinig na rinig niya ang naging usapan ng mga ito lalo na sa part na sinabi ni Ms.Musa na hahanap ito ng lalaking hindi lang pang isang round. Aaminin niya na nawili siyang panoorin ito habang nakikipag-usap sa mag-asawa. Totoong-totoo ang ipinapakita nitong emosyon sa mag-asawa. Kaya hindi na siya nagtaka na mabilis ito napamahal sa mga ibang empleyado dahil sa taglay nitong ugali. Tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Gusto niya makita ito. Kanina ng bulungan niya ito at ay kumapit yata ang napakabangong amoy nito sa kanya. "Sir, saan po kayo pupunta?" Napatigil siya nang marinig ang boses ng kanyang sekretarya. Liningon niya ito. "Do I need to tell you?" pagsusungit niya rito. Napayuko naman ito kaya nagpatuloy na siya umalis. Nang makarating sa ground floor ay nilibot niya ang paningin. Nang di niya ito makita ay lumapit siya sa receptionist. Sabay na bumati ang dalawang naabutan niya roon. Tango lamang ang sagot niya sa mga ito. "Where is Ms.Musa?" pormal niyang tanong. Nakita niyang kapwa pa nanlaki ang mga mata ng mga ito. Binigyan niya ng seryosong mukha ang mga ito na ikinataranta ng dalawa. "Ah sir, di-di po na-namin alam," nauutal na sagot ni Camille ayon sa nameplate nito. "Guys, nakita ko magkasama si mam Ada at chef James, grabe bagay talaga silang dala-" Naputol ang sasabihin ng kakarating lang ng isang empleyado ng mapadako ang tingin nito sa kanya. "Good afternoon Sir Kevin." Hindi niya inalis ang tingin rito na para bang may hinihintay pa siya. "Saan mo sila nakita? Hinahanap kasi ni Sir Kevin si mam ada," singit nung Camille. "Nevermind, go back to your work!" seryoso niya sambit. Nangataranta naman ang tatlo. That's his effect to his employees. Dapat lang naman na katakutan siya. Ayaw na niya mangyari ang aksidente one year ago. Hindi niya alam basta nabadtrip siya pagkarinig na magkasama ang dalawa. Gusto niya pa sanang itanong kung may relasyon ang dalawa mabuti na lang at nakapagpigil siya. Nagpasya na lang siyang umuwi sa resthouse kung saan siya nagstay kapag nandito sa Batangas. Malapit lang naman ang resthouse sa hotel. Dalawa ang pagpipiliian mo. Ang maglakad sa buhanginan hanggang sa makarating sa may bahaging dulo na may bakod na nakaharang at maliit na gate. O, ang gumamit ng sasakyan, diretso na ito sa may gate mismo. Mas pinili niyang sumakay sa sasakyan. Alas singko na rin kaya sakto lang para umalis. Malaki naman tiwala niya kay Mr.Tuazon at hindi nga siya binigo nito. Villaflor Hotel in Batangas is still on top. Nang makarating si Kevin sa resthouse ay diretso na siya pumasok sa silid niya na nasa pangalawang palapag. Kasalukuyan siyang nasa banyo ng walang tigil ang pagtunog ng kanyang cellphone. Mabuti na lang at tapos na siya magshower. Mabilis niyang ibinalot nga puting tuwalya sa kanyang bewang at lumabas. Nang makita niya si Anthony ang tumatawag ay pinindot niya ang answer button at iniloud speaker para makapagbihis siya. "Ang tagal, huwag mong sabihin nakabaon ka?" reklamo ng nasa kabilang linya. "Masyado kang mapanghusga Anthony!Ikinasal ka lang!" singhal niya rito. Malakas ng tawa ang narinig niya mula rito. Habang tumatawa ang nasa kabilang linya ay nagbibihis naman siya. Boxer at sandong itim ang isinuot niya. "By the way," sabi nito ng magsawa ng tumawa. "Pinapatanong ni mommy kung didiretso ka ba sa Bicol o sasabay ka sa amin?" "Sasabay ako sa inyo, uuwi ako sa sunod na araw," tugon niya rito. Apat na araw na lang kasi ay ikakasal na si Andrew. "How about you? When your planning to settle down?" Pansin niya ang pagseryoso sa boses ng kapatid. "Settle down agad? Diba pwedeng magpakita muna siya," sabi niya na sinamahan pa ng pagtawa. Mas matanda siya rito ng isang taon pero naunang nag-asawa. Ano magagawa niya, nauna nitong natagpuan ang babaeng magpapatino rito. "Is she still disturbing you?" Kinuha niya ang cellphone at inalis ang pagkakaloud speaker nito. Itinapat niya sa tenga at nagtungo sa balcony ng kwarto niya. Napapikit siya ng dumampi ang malamig na hangin sa mukha niya. "Hindi naman siya nawala sa isip ko." Maging sa puso ko yata. "That's really bad bro, we already did everything to find her but it's like she's not real. Are you really sure about it?" Alam naman niyang marami ang nagdududa sa sinabi niya tungkol sa babaeng nagligtas sa kanya. "I met a girl bro and for the first time....I heard the same voice." Pagbubukas niya sa bagay na gumugulo sa kanya simula ng makilala niya si Ms.Musa. Nakarinig siya ng pagsinghap mula sa kabilang linya. "Are you okey, bro?" nag-aalala niyang tanong. "Ye-yea. Wait, are you saying that you already found her?" "No-no bro, it just that.. I don't know but it's like they have the same voice," naguguluhan niyan ring tugon. "Ohhh! Are you two good? I mean, you are friends or how you met her?" sunod-sunod nitong tanong. "She is the new executive housekeeper. Friend? I don't think so, more on employee and boss relationship. She is nice bro, so funny and a naughty girl," pagkwekwento niya rito. "Hmm, it's like you are interested to her?" Natigilan siya sa tanong ng kapatid. Interested? Siya? "I am right, bro? Natahimik ka?" "No, I'm not. I already told you my heart already owned by someone." Totoo 'yun at hindi niya rin alam kung paano nangyari. Basta ang alam niya lang may nagmamay-ari na ng puso niya at hinihintay niya lang ito. "Oh' cmon bro! Stop that crap! Wala naman masama kung makipagkaibigan ka, malay mo siya na pala 'yung hinahanap mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa isang taong hindi ka nga siguradong kung may buhay nga ba!" mahabang lintaya ni Anthony. Napadako ang tingin niya sa tahimik na karagatan. "Just try bro, wala naman mawawala. Gusto ko rin namang makita kang bubuo ng pamilya mo," pagdradrama nito. "Pasalamat ka wala ka sa harapan ko kungdi nabugbog na kita sa pagdradrama mo! 'Yan ba ang napapala ng nag-f*ck!" Malakas niyang mura ng mahagip ng mga mata niya ang isang bulto na patungo sa dagat. "What's wrong?" "I call you back!" Pinatay na niya ang tawag at hinagis lang ang cellphone sa may kama. Mabilis siyang tumakbo palabas ng silid at palabas ng bahay. Narinig niya pa ang pagtawag ni nanay Elsa. Pero hindi niya pinansin ito. Pagkalabas niya sa bahay ay takbo ang ginawa niya sa buhanginan. Hindi na nga siya nakapagsuot ng tsinelas dahil sa kakamadali. "F*ck! F*ck!" sunod-sunod niyang mura habang tumatakbo. Nang makarating siya sa may dalampasigan ay nakita niya ang papalubog na ang ulo ng babae. Mabilis niyang tinahak ang dinaanan nito. Hindi niya alintana ang lamig ng tubig. Ang nasa isip lang ay ang iligtas ito. Nang tuluyan makalapit rito ay hinablot niya ang braso nito dahilan para mabunggo ito sa dibdib niya. "Bitawan mo ako!" sigaw nito at pilit nagpupumiglas. Natamaan na nga siya sa mga hampas nito. Sa sobrang inis niya ay niyakap niya ito. Naramdaman niyang natigilan ito kaya kinuha niya ang pagkakataon na 'yun upang maihaon ito mula sa tubig. Binuhat niya ito mula sa likod habang nakayakap ang mga braso niya sa bewang nito na nakaipit rin ang dalawang braso nito kaya di makakapaglaban. "Pakawalan mo ako! Rapist ka, manyak!" muli na naman sigaw nito at pilit nagpupumiglas. Ginamit niya ang buong lakas upang pwersahin itong madala sa pampang. Nang masiguro niyang nasa mababa na sila at walang pasabi niyang binitiwan ito. Diretso tuloy ito nasubsob. "Sabi mo bitawan kita," depensa niya agad pero napalunok siya ng makita ang ayos nito. Nakatuwad kasi ito at tanging bikini lang ang suot kaya kitang-kita niya ang napakaumbok na pwetan nito. "F*ck!" malakas niyang mura ng may tumamang tubig na may buhangin sa mukha niya. "Manyak!" Rinig niyang sigaw nito. Nang tignan niya ito ay nakaupo na ito at masama ang tingin sa kanya. Kapwa naman silang natigilan ng mamukhaan ang isat-isa. "Ms.Musa?" "Mr.Ceo?" sabay pa nilang sambit. "Ano ba problema mo? Bakit ka ba nanghihila!" "Ako pa may problema? Ikaw itong gustong magpakamatay! Alam mo Ms.Musa, wala akong pakialam kung gusto mong tapusin buhay mo pero huwag sa teritoryo ko!" bulyaw niya rito. Nakita niyang napatanga ito. "And why are you here? This is a private property Ms.Musa!" Binigyan niya ito ng matalim na tingin. Sa totoo lang, gusto niya magalit pero taliwas naman ang kanyang nararamdaman. Kailangan niya lang itago kung anuman itong nagsisimulang gumulo sa kanyang isipan. Tumayo ito at namaywang sa kanya. "Are you crazy, Mr.ceo? Where did you get the idea that I'm planning to end my life? Sayang ang kagandahan ko kung mamamatay lang akong walang iiwanang lahi." Ang lakas ng hangin! "Saka hindi ako trespassing baka idemanda mo ako. Nagpaalam ako kay tiya Elsa. Hindi naman ito ang unang beses na nagpunta ako rito. Saka pwede ba huwag kang judgemental agad-agad papakamatay hindi ba pwedeng gusto ko lang magnight swimming?" mahabang lintayan nito. "Seriously? Nang ganitong oras?" "Ay! Meron bang night swimming na umaga? O, kaya tirik yung araw? Hindi kasi ako na-inform!" sagot pa rin nito. Nang marealized niya ang sinabi ay gusto niyang batukan ang sarili. Kelan nga ba naging araw ang night swimming. Pero hindi dapat nitong makitang mali siya. It's a no! "Namimilosopo ka pa! Saka pwede ba magdamit ka nga o kahit ano takpan ko 'yang katawan mo!" Di niya napigilang sabihin dahil kanina pa yata gustong lumabas ni buddy. Pinag-ekis nito ang mga braso sa harap ng dibdib at tinaasan pa siya ng kilay. "Para naman hindi ka sanay Mr.ceo baka nga hubod hubad pa ang nakikita mo!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hey! Kung makapagsalita ka parang napakababaero ko huh!" pangdepensa niya sa sarili. "Ay hindi ho ba? Don't worry Mr.ceo sanay na ako sa mga katulad n'yo na inaapi ang kababaihan. Buti na lang at hindi ako kabilang sa kanila. Idol ko si Gabriela Silang." "What the f*ck!" mura niya na lang dahil wala na siyang masagot sa babaeng kaharap. "Ui, mukhang gustong bumati sa akin ng little buddy mo Mr.ceo?" sabi nito habang nakatingin sa kanyang gitnang bahagi. Bigla niya na lang natakpan ito gamit ang dalawang kamay. "Shut up Ms.Musa! Lumayas ka na rito at huwag ka ng babalik kahit kelan!" bulyaw niya rito at tinalikuran na ito. "Wala namang ganyanan Mr.ceo. Mas gusto magswimming dito dahil wala iba-atchooooo!" Di nito natapos ang sinasabi dahil bumahing ito. Gusto niya ng iwanan ito pero iba ang ginawa ng katawan niya ng tuloy-tuloy itong bumahing. "Where is your clothes or towel?" masungit niyang tanong rito. Oo, binalikan niya ito at hindi niya alam kung bakit may sariling isip ang mga paang bumalik rito. Inirapan siya nito pero gamit ang hintuturo ay tinuro nito ang isang medyo kalakihang bato. Naglakad siya papunta sa itinuro nito. Nakita niya ang isang malaking t-shirt at short. Naiiling na kinuha niya ito at bumalik sa kinaroroonan ni Ms.Musa. Patuloy pa rin ito bumabahing. Siya na ang nagsuot sa t-shirt nito na hindi naman nito ikinaangal. Siguro ay nilalamig na talaga ito. Lumuhod siya upang ipasuot ang short rito ngunit maling galaw ito dahil nakatutok na ngayon sa mukha niya ang p********e nito na tanging bikini lang ang harang. Naramdaman niya ang pagtulak sa kanyang pisngi paharap sa gilid. "Bawal ang ma-mata d-dyan." Halata ang pangiginig sa boses nito. Kaya tinapos na niya ang pagsuot sa short nito. Alam niyang dapat ay lamigin rin siya dahil basa rin siya pero ang init-init ng pakiramdam niya at alam niya kung bakit. Calm down little buddy! Walang sabi-sabing binuhat niya ito na parang bigas. "Ay!" tili nito at pinaghahampas ang likod niya. "Ibaba mo ako!" "If you continue hitting me, I will slap your butt hard!" banta niya rito. Mukhang epektibo dahil nanahimik ito. Takot pala, eh, sige na lumaban ka pa para may dahilan akong paluin ang pwet mo! "Where are we going?" tanong nito. "Do you eat?" balik-tanong niya. "Oo naman noh! Ibaba mo na nga ako, baka nasa ulo ko na lahat ng dugo ko!Saka ang bigat ko kaya!" patuloy na daldal nito. "Mabigat saan banda? Wala ka man yatang kalahating kaban ng bigas." Nang makita siya ni manong guard mabilis nitong binuksan ang gate. Bakas ang pagtataka sa mukha nito pero nilagpasan niya lamang ito. Pagkapasok nila ay nakasalubong si manang Elsa. "Susmaryosep, sino 'yan, iho?" salubong na tanong nito. Maingat niyang inilapag si Ms.Musa sa may sofa sa living room. Muli na naman itong bumahing. "Ada? Hay nakung bata ka! Ano na naman kalokohang ginawa mo?" Mukhang kilala nga ni manang Elsa si Ms.Musa or Ada sa tawag niya. "Balak po yata magpakamatay ng pamangkin niyo manang Elsa," sabi niya na ikinalaki ng mata ni manang Elsa at napasign of a cross pa. "Patawarin ka ng Panginoon. Ano ba 'yang iniisip mo Ada?" sermon nito sa pamangkin. "Tiya naman, eh, hindi po totoo 'yun. Nagsisinungaling lang po siya tiya." Binigyan siya nito ng matalim na tingin. Binalingan siya ni manang Elsa. "Iho, basa ka na rin. Umakyat ka na sa taas at magbihis, papadalhan kita ng mainit na kape." "Ayos lang po ako manang. Ayan po si Ms.Musa ang asikasuhin n'yo mukhang nilamigan. Saka pakibawalan naman po siya mag swimming ng ganitong oras, masyado po delikado. Hatid n'yo po siya sa guest room at pahiramin n'yo ng damit." Tumalikod na siya para magtungo sa silid niya. "Hindi na, babalik na ako sa hotel kaya ko n-achoooo!" "Manang, just do what I said po." Humakbang na siya sa unang baitang ng hagdan ng marinig niya pa ang mga ito. "Iha, sumunod ka na dahil kung hindi ako ang mawawalan ng trabaho!" "Grabe naman ganun kasama 'yun?" Rinig niya pang saad ni Ms.Musa. "Manahimik ka ngang bata ka baka marinig ka niya. Hindi mo pa lubos kilala 'yung batang iyon. Tara na at baka magkasakit ka pa." Pinagpatuloy na niya ang pag-akyat patungo sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD