Maaga umalis si Ada sa bahay ni Mr.ceo. Mag-alas singko palang yata ng umaga.
Mabuti na lang at naagapan agad bago siya tuluyan nagkasakit.
Kasalukuyan niyang kinakausap ang bagong shift ng mga housekeeper para sa umagang iyon.
Nang mapansin niyang natigilan ang mga ito at nakatingin sa kanyang likuran. Kaya nasundan niya ang mga tingin ng mga ito para lang manlaki ang mga mata niya.
Komportableng nakatayo si Mr.ceo habang nakasandal sa may hamba ng pintuan.
Narinig niya ang sabay-sabay na pagbati ng mga housekeeper rito. Habang siya ay tila nahipan ng hangin na nakatanga na lang rito.
Naramdaman na lang niya na may pumitik sa kanyang ilong.
"Ouch!" daing niya.
"I know that I'm handsome and you can't help to admire me but this is not the right pla-"
"Wh-what?" putol niya sa sunod na sasabihin nito dahil tila hindi natanggap ng sistema niya ang kayabangan nito.
Nakarinig siya ng mga impit na tilian na parang mga nakurot sa singit.
Napabaling tuloy siya sa mga housekeeper na naroon at kitang-kita niya mga ito na tila kilig na kilig sa eksenang nasa harapan ng mga ito.
Tumaas ang kilay niya dahilan para magsi-ayos ang mga ito.
"Finish your meeting with them. I need to discuss something to you Ms.Musa in your office." Tumalikod na si Mr.ceo at lumabas na ng silid na iyon.
"Ang gwapo talaga ni Sir Kevin, noh," rinig niyang sambit ni Abby na sinamahan pa ng pigil na tili.
"At ang boses, sarap sa ears, para akong hinehele," dugtong naman ni Myra.
"Baka gusto niyo na rin umuwi?" singit niya sa pagdadaydream ng mga ito.
Umayos naman agad ang mga ito ng tayo at sabay na humingi ng pasensya.
Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil talagang may ibubuga si Mr.ceo pagdating sa kagwapuhan.
Mabilis niya ng tinapos ang mga sasabihin dahil nakakahiya naman sa Ceo nila kung pahihintayin niya ito.
Nang tuluyan nang makalabas ang lahat ay siya naman pagtungo niya sa pintuan.
"Ay malaking itlog!" gulat na sambit niya na napahawak pa sa kanyang dibdib. Paano ba naman ay biglang sumulpot si Mr.ceo sa kanyang harapan.
"You like big eggs?" tanong nito.
Hindi niya pinansin ang tanong nito at baka kung saan pa mapunta ang usapang itlog.
Nilagpasan niya ito at nauna nang naglakad patungo sa opisina niya.
Ramdam niya ang pagsunod nito sa kanya.
Nang makarating sila sa kanyang opisina ay inilahad niya ang visitor chair rito.
Hindi porket siya ang ceo ay hindi na siya pwede maupo sa visitors chair.
Pero taliwas ang inaasahan niyang reaksyon mula rito. Imbes na kasi magreklamo ay walang sabi-sabi na umupo sa inilahad niyang upuan.
"Coffee?" tanong na lamang niya.
"Sure," mabilis nitong sagot.
Nagtungo naman siya sa may maliit na pantry na konektado sa kanyang opisina.
Nang matapos niya magawan ito ng kape ay bumalik na siya.
"Your coffee Mr.ceo." Sabay lapag niya sa tasa ng kape sa harapan nito.
Nagtungo siya sa kanyang swivel chair at naupo roon.
"What do you want to discuss Mr.ceo?" tanong niya rito.
Sumimsim muna ito ng kape. Hinihintay niya naman ang magiging reaksyon nito dahil hindi brewed coffee ang sinerved niya kungdi instant coffee.
Ano magagawa niya, dun siya sanay.
"Hmmmm, good coffee," puri nito sa kape niya na nagpaawang sa bibig niya.
"Thank you at nagustuhan mo Mr.ceo," tanging nasambit niya.
"Well, just like what I've said earlier. Im here to discuss something," umpisa nito.
"And that is?" puno na kuryusidad na tanong niya.
"I heard about this your little tactics if a housekeeper is being molested. But don't you think its also dangerous, baka bigla nilang patulan ang hamon mo at tayo ang mapahiya kapag wala naman talaga tayong ipapakita," mahabang pahayag nito.
Naisip na naman niya ang bagay na 'yun.
"I'm sorry about that Mr.ceo. Honetly I already think about it but don't you think we should do something about it. Kawawa naman kasi ang mga housekeeper natin. And we must be the one protecting them, right?"
Nakita niyang tumango-tango ito.
"Your right Ms.Musa. So, you are considering that idea to be real? I am right?"
"Yes, if possible. Nakakainis na kasi ang mga guest na akala mo ay may nakahanda tayong free service sa pamamagitan ng mga housekeeper natin," wala sa sarili niyang daing rito.
"Well, we can't blame them because some hotel doing it. Kaya akala siguro ĺahat ay ganya." paused. "Or maybe some are send by our competitor to destroy us."
Muli itong sumimsim sa kape.
"So, what is your plan?" pormal na tanong niya.
"Well, let's do it then. But we will only open it if needed. I could talk to a friend about it, he is expert on it."
Tumango na lang siya sa sinabi nito nang makarinig sila ng sunod-sunod na katok.
Tumayo siya upang buksan ang pintuan.
"Hi," masayang bati ni James sa kanya.
Ginatihan niya naman din ito ng ngiti at pagbati bago humalik sa pisngi nito. Hindi niya napansin ang isang masamang tinging pinukol sa kanila ng isang pares na mga mata.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan para papasukin ito.
Pero napansin niyang natigilan ito habang nakatingin kay Mr.ceo.
"Oh, I think you have important things doing?" nasambit nito.
"Yes, we have." Bago pa siya makasagot ay si Mr.ceo na ang sumagot rito.
"We are almost done. Do you need anything?" malambing niyang tanong kay James.
"We are not yet done Ms.Musa," pagsabat ni Mr.ceo.
Nagkit balikat lang siya at muling tinuon ang atensyon sa bagong dating.
"Hindi naman ako magtatagal. I just want to drop this." Kinuha nito ang palad niya at may inilagay na ikinalaki ng mga mata niya.
"Wow!" nasambit niya.
"I know you will like it. I saw manong counting his money and I saw that." Kinindatan pa siya nito na ikinangiti niya na lang.
"Anong kapalit?" taas-kilay niyang tanong.
"On Saturday. Sige na mauna na ako sabay tayo maglunch." Bumaling ito kay Mr.ceo." I go ahead sir," magalang nitong paalam pero ang herodes na lalaki ni hindi man lang ito tinignan.
Nang makalabas na si James ay pabalik na siya sa upuan niya ng hablutin ni Mr.ceo ang braso niya at kinuha ang kamay kung saan nakalagay ang ibinigay ni James.
Nagulat siya sa inasta nito kaya hindi siya agad nakapag react.
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang masilayan ang nasa palad niya.
"20 pesos coins?" Mabilis nitong kinuha ang limang pirasong barya mula sa palad niya. "Can I have it?" tanong nito na pumukaw sa kanya.
"Hey, give it back," angil niya rito pero mabilis nitong itinaas ang kanang kamay kung nasaan ang barya.
Hindi niya maabot ito dahil sa matangkad ito sa kanya. Pero pinilit niya maabot iyon.
Tumalon-talon pa siya upang abutin ito habang ito naman ay tila nag-eenjoy sa paghihirap niya.
Nang sa sunod na pagtalon niya ay na out of balance siya kaya dumiretso siya sa dibdib ni Mr.ceo na mabilis namang pumulupot ang dalawang braso sa kanyang baywang habang ang likod nito ay sinalo ng pader.
Nakita niya ang pagngiwi nito sanhi marahil ng malakas na pagtama ng likod nito sa pader.
Hindi niya napaghandaan ang pagbaba nito ng tingin kaya nagsalubong ang kanilang mga mata. Tila may magnetong naglock sa kanilang mga mata.
She can't deny how dangerously handsome he is. Ang makakapal na kilay, ilong na matangos, mahahabang pilik-mata na dinaig pa ang kanya. Mga matang tila hihigupin ang buong katinuan mo at ang mga labing tilang nag-aaya ng isang matamis na halik.
"Ma'am Ada, ready na raw po ang si-" Nataranta siyang mabilis na bumitaw rito nang marinig ang boses na sigurado siyang nakita ang hindi dapat makita.
"A,e,.." Nasapo niya ang sariling noo dahil sa hindi niya matapos na sasabihin.
"Balik na lang po ako." Bago pa niya ito mapigilan ay mabilis nang lumabas ng opisina niya si Lea.
Napabuga na lang siya ng hangin. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaking nasa likuran niya.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa basagin nito iyon.
"Ms.Musa, bilhin ko na lang sayo ang baryang ito." Dahil sa sinabi nito ay napaharap siya rito.
Prente itong nakasandal sa may pader habang ang isang paa ay nakatukod sa pader.
"Hindi pwede!" mabilis niyang tugon.
Napataas kilay naman ito habang nakatingin sa kanya.
Tila naman bigla siyang naconcious sa paraan ng pagkakatitig nito.
Tinalikuran niya ito at pumunta sa kanyang swivel chair upang bigyan ng mas malawak na distansiya ang pagitan nila.
"Ibalik mo na sa akin 'yan. Saka ano naman gagawin mo sa 20 pesos na 'yan, collection?" nagtatakang tanong niya rito.
Nagsimula na itong humakbang palapit sa kinaroroonan niya. Huminto ito sa harap ng kanyang table.
"I don't really know. The last time I checked, I'm just really love collecting it. I don't know why. It just cute, maybe."
Napapatastikuhan siyang tinitigan ito.
"Are you for real Mr.ceo?"
Nagkibit balikat lamang ito. "How about you? Why you need this?" Sabay pakita sa mga barya sa palad.
"For my piggy bank," tipid niyang sagot rito.
Tumango-tango ito. "So, akin na lang ito. Medyo hindi kasi ako madalas makakita nito. Last time I got this is when we did a bet and I won," pahayag nito.
Napakunot noo naman siya. Nakipagpustahan ito at bente pesos ang premyo. 'Yun ang pagkakaintindi niya.
"You mean, 20 pesos coin is the prize?" paninigurado niyang tanong.
"Yes."
Napailing na lang siya. This billionaire in front of her just won 20 pesos coin for a bet. And he is proud of it.
I think I'm dreaming.
Bahagya niyang kinurot ang pisngi na ikinadaing niya.
"Hey, why did you pinch yourself?" nagtatakang tanong nito.
"I-I'm just checking if I'm not hallucinating?"
"What? Your crazy!" angil nito. "By the way, can you accompany me on Saturday."
"Where?"
"I just want to explore the place. I think I really need to do it so I could have more ideas what to be added here to make it more interesting," paliwanag nito.
"Explore? Ikaw ba si Dora at gusto mo mag-explore and I will be your 'I'm the map, I'm the map, " pakanta niya pang sabi.
Napatigil naman siya ng binigyan siya nito ng masamang tingin. Napa peace sign na lang siya.
"I'm not kidding Ms.Musa. I see you on saturday."
"Wait!" Mabilis siyang tumakbo at humarang sa dadaanan nito. "I'm not available on Saturday. I think James needs me that day. I know you heard about what he said earlier, exchanged for that five twenty pesos coin."
"You have a date?"
Pasimple siyang ngumiti dahil hindi naman sila magdadate ni James. Baka magpapasama lang iyon o basta.
"Let's see first, before you give your answer. Thank you for this, I appreciate. Dont worry, I'll make sure the exchange is more worth it." Nanlaki ang mga mata niya sa pabulong nitong sabi.
Naramdaman niya kasi ang pagtama ng mainit nitong hininga sa balat niya.
Nagising siya ng marinig ang pagsara ng pintuan ng opisina niya.
Napalingon na lang siya sa pintuang nakasara at napailing.
Did she just let him took the coins James gave to her.
Something is really wrong with her. Kelan pa siya natulala sa mga lalaki. Higit sa lahat kelan niya pa hinayaan maagawan siya?
John Kevin Villaflor, makakaganti rin ako sayo!