Bms 7

936 Words
Tunog nang cellphone ni Ada ang umagaw ng kanyang atensyon sa pinapanood na Finding Nemo. Tamad niyang kinuha ang cellphone na nasa may side table ng kama.Pinaused niya muna ang pinapanood dahil gusto niya ay nakafocus siya rito. Nang makuha ang cellphone ay tinignan niya kung sino ang tumatawag. Napakunoot noo siya ng makitang unregistered number. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin o hindi.Baka kasi mga prank call lang at sasabihin. Congratulation, you win the blah blah blah. Paano ka mananalo kung wala ka naman sinasalihan. Nakakaloka! Nang huminto ang pagring ng kanyang cellphone ay ilalapag na lang sana niya sa tabi nang makatanggap ng message. Binuksan niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang message galing sa unregistered number. Answer the call, it's me Mr.ceo. Hindi pa man siya nakahuma ng muli itong tumunog. Biglang bilis ng t***k ng kanyang puso. Pinakalma niya ang sarili bago pinindot ang answer button. "Hello." "Why take you so long to answer?" iritadong boses ni Mr.Ceo ang bumungad sa kanya. "Because I don't even know whose calling? Baka mamaya isa sa mga prank call lang at sasabihin nanalo ako tapos papupuntahin ako sa ganito ta-" "Ok na. I get it. Thats why I sent a message, right?" "yeah right," pang-gagaya niya rito. "So, how are you Ms.Musa?" malumanay na nitong tanong na nabigay kilabot sa kanyang buong katawan. Ang biglang paglamyos ng boses nito ay tila musika sa kanyang pandinig. "Still there?" Nabalik siya sa sarili mula sa sariling kalandian. "Yea-yea Mr.ceo. Wait, where did you get my number?" takang tanong niya. "I have my ways, Ms.Musa. I just called you to inform about tomorrow, remember?" Napakunot noo siya sa sinabi nito. Bukas? Anong meron bukas? Mukhang nabasa nito ang kanyang iniisip. "You will accompany me to explore like dora, hmmmm." Oh my gulay! Why his voice so sexy! Tumikhim siya upang mawala ang bara sa lalamunan dahil sa tila biglang lambing ng boses nito. "So, you really want me to be your map?" sarkastiko niyang sambit. Tumawa naman ito na mas lalong naghatid ng kakaibang sensasyon sa kanyang kalamnan. Marunong pala itong tumawa. "Not bad, just be ready to be the best map," saad nito nang magsawang tumawa. Gusto niya pa sana marinig ang tawa nito pero huwag na baka ano pa isipin nito. "I told you that I ha-" "You are free tomorrow Ms.Musa. Dont try to give me excuse or else get ready your resignation." Napanguso siya sa sinabi nito. Ang sama ng ugali. "Fine! But you will pay me tomorrow and it's double pay because it's my rest day." Napangiti siya ng maisip ang bagay na iyon. Napakatalino ko talaga! "What a cunning woman," rinig niyang sambit nito. "I am proud of it. Wala ng libre sa mundo noh. Saka 'yung limang bente na barya hindi mo pa nabayaran 'yun sa akin. One thousand each, so multiply to five equals to ten thousands," hirit niya pa. "What the f*ck!" Nailayo niya ang cellphone sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ng boss niya. "Kelan pa naging sagot ang ten thousand kapag minutiply mo ang one sa five. It must be five thousands only. Huwag kang mandurugas!" singhal nito pero sa mababang boses. Napangiti naman siya dahil akala niya ay magrereklamo ito sa halaga ng isang bente pesos na barya. 'Yun pala ay dahil sa mali ang sagot niya. Tahimik siyang nagdiwang sa likod ng isip niya. "Oh, sorry. Mukhang nangangalawang na ang galing ko sa math." He just tsked her. "Whatever, I pick you up tomorrow by 8am. Goodnight. Dream of me!" Bago pa siya makaangal sa sinabi nito ay busy tone na ang sumalubong sa kanya. Nagdadabog niyang itinapon ang cellphone sa may ulunan ng kama niya. Parang nawalan siya ng ganang manood. Alam niya na may kinalaman si Mr.ceo kung bakit napalitan ng off si James. Sila dapat ang may lakad bukas pero sinabi ni James sa kanya na hindi ito makakapag off dahil biglang nakipagpalit ang kasama nito sa kadahilanang may emergency daw. Pero taliwas 'yun sa kanyang matalinong kaisipan. She found out na kinuntsaba ni Mr.ceo ang isang chef upang makipagpalit kay James ng off. Dahil mabuting empleyado si James ay hindi ito tumanggi. Bakit niya alam na may kuntsabahan? Pwes, narinig niya lang nag-uusap ang chef at si Mr.ceo sa cellphone. Hindi naman niya balak makinig sa usapan ng may usapan pero curiosity brought her to do eavesdropping. At booomm! Panis! Kaya hindi na siya nagtaka bakit alam ni Mr.Ceo na free siya bukas. Kapag nagkita talaga sila, masasakal niya ito. Pinatay na niya ang pinapanood kahit na hindi pa ito tapos. Ilang beses na rin naman niya napanood ito. Hindi lang siya makaget over. Napakaganda kasi. Imbes mga drama o teleserye ang panoorin niya mas gusto niya ang cartoons. Ayaw niyang dagdagan ang drama sa buhay sa panonood ng mga drama. Halos pare-pareho lang naman. Agawan ng asawa. Kabet, kerida. Nawawalang anak. Us against the world. Napailing na lang siya sa nilakbay ng kanyang isipan. Pagkatapos iligpit ang mga ginamit ay humiga na siya. Nandito siya ngayon sa kanilang bahay. Tuwing Friday night after ng shift ay umuuwi siya sa kanyang mga magulang para makasama ang mga ito. Nakahiga na siya pero nanatili siyang nakatingin sa kisame. It's been one year simula ng mawala ang isang importanteng tao sa buhay niya. Ayaw niyang manisi ng tao pero hindi niya mapigilan itanong kung bakit? Wala siyang masyadong alam sa kung ano ang totoong nangyari. Isa lang ang malinaw sa kanya. Isang malaking parte ang taong sasamahan niya bukas sa nangyari sa taong mahalaga sa kanya one year ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD