WARNING‼️ Slight SPG‼️ Personality change! Say hi to my Spg buddy??? "Oo naman, mahal na mahal ko siya na parang isang kuya. Kaya masakit para sa akin ng mamatay siya at nalaman ko na lulong ito sa droga." Kasalukuyan sina Ada at James na nasa kanyang opisina. Matapos makausap ang mga magulang ay nakapagdesisyon na siya. Kaya heto at sinusubukan niya mag-kwento ng kaunti tungkol sa buhay niya. Tungkol sa nakaraan niya. "Natatandaan ko siya, pero hindi kami close madalas ko lang din siya makitang kasama niya si Yonna. Akala ko nga boyfriend niya," komento ni James. Napabuntung-hininga siya. "Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin anong nangyari bakit niya binalak patayin si Sir Kevin," wala sa sarili niyang tanong. "Dahil sa tinanggal siya ni Sir Kevin." Gulat siyang napatingin rito.

