Kinabukasan ay na-late ng gising si Kevin naparami kasi ang inom nila sinamahan niya kasi si Anthony na wasak ang puso katulad niya kaya ayun nalasing sila pareho. Iniwanan sila ni Andrew dahil nga hindi pwede magpuyat si Sandra ilang buwan na lang at manganganak na ito. Tanghali na siya nakarating sa Batangas at dumiretso sa kanyang opisina. Una niya kailangan gawin ay kausapin ng masinsinan si Yonna. Mamaya after lunch dahil wala si Yonna sa table nito. Inasikaso na lang niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng table niya. Sinabi niya kasi kay Yonna na darating siya ngayon. Hindi niya na namalayan ang oras sa pagpirma at pag-check sa mga papeles. Napahinto lang siya ng makarinig ng katok. Alam nito na nakarating na siya dahil nag-iwan siya ng note sa mesa nito. "Come in," sabi niya hab

