Bms 40

2198 Words

Nakaupo si Ada sa may sementong upuan na nasa may garahe nila kung saan tanaw ang mga pananim nilang gulay. Nakataas ang dalawang tuhod habang nakayakap ang mga braso rito at nakapatong ang baba. Tatlong linggo simula ng halikan siya ni Kevin sa kanyang opisina. Isang mapangahas na halik. Ramdam niya ang galit sa paghalik nito. Masasabi niya na isang mapagparusang halik ang ipinalasap nito. Kaya hindi niya naiwasan mapaiyak dahil sa kalituhang naramdaman ng mga oras na 'yun. Gusto niya itanong kung bakit ito galit. Gusto niya itong sumbatan na wala itong karapatan magalit dahil siya ang iniwan sa ere. Siya ang pinaasa at siya ang sinaktan. Pero hindi na ito nagpakita pagkatapos ng araw na 'yun. "Baka matunaw ang mga pananim natin," pukaw sa kanya ng nanay niya at tumabi ito sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD