Isang linggo na rin ang lumipas mula ng mangyari ang pag-uusap ni Ada at Yonna. Simula nun ay hindi niya pa ulit ito nakausap. Mas tamang sabihin na iniiwasan niya. Hindi niya kasi alam paano pakikiharapan si Yonna. Magkaibigan na sila simula bata, pero dahil sa isang lalaki ay maaari sila magkasira. Kung sinabi lang naman nito na gusto nito si Kevin, siya na mismo ang iiwas. Naglalakad na siya pabalik sa opisina niya. Dahil summer ay maraming mga guest. Kaya nakatulong ang pagiging busy niya upang makalimutan ang pinagdadaanan ng puso niyang bigo. Balita niya rin ay hindi pa nagpupunta ulit ang kanilang Ceo pagkatapos ng ipagdiwang ang anibersaryo ng hotel. Pipihitin na lang niya ang door knob ng may humawak sa braso niya. "Ada, let's talk, please." It was Yonna. Hindi siya lumingo

