Hindi na nagulat si Kevin ng maabutan ang pamilya sa living room ng rest house. Alam niyang hindi pa tapos ang mga ito sa pag-uusig sa kanya. Walang gana niyang inalis ang suit at umupo sa single sofa na naroon. Ramdam niya ang mga tinging ipinupukol sa kanya. "What?" tanong niya makalipas ang ilang sandali na wala naman nagsasalita. "What are you doing? Are you sure about it?" Ang mommy niya ang nagtanong. "Sure about what, mom?" kaswal niyang balik-tanong. "Stop playing dumb! You know what we are talking here!" singit ng Daddy niya. Tinignan niya ang mga naroon. Lahat ay nakatingin sa kanya na naghihintay ng sagot. He took a deep breath before talking, "All of you knew what I really feel about my savior." Parang ang binitiwan niyang salita ay sapat na para ipaliwanag ang kanya

