Nagpatangay na lang si Ada kay James ng ilabas siya nito sa may bulwagan. Narinig niya ang pagsara ng pintuan kaya napaangat siya ng mukha para makita kung nasaan sila. Dinala siya nito sa kanyang opisina. Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. "Hush, Ada. Cry if you want. I'm just here, I won't leave you," puno na sinseridad na sabi nito. Kaya muling tumulo ang kanyang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Ang sakit ng tagpong nasaksihan niya. Alam niyang wala siyang karapatan pero masakit pa rin. Bakit? Naramdaman niya ang paghagod ni James sa kanyang likuran upang kumalma siya. Pero alam niyang pareho lang sila ng nararamdaman. They both shocked. Ilang minuto niyang hinayaan na ilabas ang sakit sa dibdib bago niya pinilit pakalmahin ang sarili. Humiwalay siya rito at ti

