bc

Ninong Ko Noon, Groom Ko Ngayon—SPG

book_age18+
65
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
dominant
stepfather
bxg
lawyer
like
intro-logo
Blurb

5 YEARS AGO:

“Ninong mo ako, hija. Hanggang doon lang ‘to. Kalimutan mo na ‘tong nangyari sa’tin," 'yan ang bulong ni Atty. Rafael Suarez, 45, pagkatapos niyang angkinin si Aliana, 25… sa gabing dapat hindi nangyari.

TODAY:

Umuwi si Ali para sa burol ng Daddy niya.

Ang bumungad? Si Ninong. Best friend ni Daddy. Guardian niya.

At ang lalaking may hawak ng buhay niya.

"You can’t marry him, Aliana,” malamig niyang sabi, kasing lamig ng marble sa study ni Daddy. “Hindi ka puwedeng magpakasal kung walang pirma ko. And I’m not signing that paper.”

“B-Bakit, Ninong? Kasi… gusto mo pa rin ako?”

Tumigas ang panga niya. Lumapit sa'kin.

“Because you’re mine, Ali. Sa’kin ka. Akin ka lang. Since the day you were born, sa’kin ka na.”

ANG PROBLEMA?

Engaged na siya kay Greg.

ANG MAS MALAKING PROBLEMA?

Isang nakaw na halik lang galing kay Ninong…

Bakit si Greg na ang parang mali? Ang extra sa eksena?

Bakit si Ninong lang ang tama sa kama?

CLAUSE 14: Bawal magpakasal si Ali nang walang nakasulat na pahintulot ni Atty. Suarez. Kung susuway, mawawalan siya ng lahat.

"Ninong kita sa papel at sinaktan mo ako five years ago,” iyak ni Ali habang hinahalikan siya sa leeg. “Pero bakit ganito? Bakit ikaw pa rin?”

“Dahil kahit anong gawin mo,” hinihingal na sagot ni Ninong, “I was never just your ninong, Ali. I was always your man.”

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
WARNING: This story contain mature themes, moral dilemmas, and man you should not fall for... but will. Ali’s POV “PIRMAHAN mo na, Ninong.” Inabot ko kay Ninong Rafael ang ballpen at ang last will ng Daddy. Tatlong araw pa lang ang burol, pero ito na kami. Ako at siya, mag-isa sa study room ni Daddy, amoy ng alak at patay na bulaklak ang umiikot sa buong silid. Hindi niya kinuha ang ballpen. Nakatingin lang siya sa kamay ko. Sa singsing ko pala. “Engaged ka na pala,” malamig niyang sabi. Boses niya 'yong ginagamit niya sa korte. ‘Yong nananalo. ‘Yong boses na hindi ko matalo kahit kailan. “Oo,” sagot ko. Pinilit kong hindi manginig. “Si Greg. Architect din. Na-meet ko sa Dubai. Two years na kami. Magpapakasal na kami next year.” Tumango lang siya. Kinuha rin niya ang ballpen sa wakas. Pero imbes na pumirma sa last page, binuklat niya ang Clause 14 sa Last Will ni Daddy. At binasa. Malakas. Iyong tipong marinig ko. Madiin ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Para maramdaman ko. "Clause 14: Lahat ng ari-arian, kumpanya, at pangangalaga kay Aliana Mae V. Santiago ay mapupunta kay Atty. Rafael D. Suarez bilang guardian hanggang sumapit siya sa edad na bente otso. Hindi maaaring magpakasal si Aliana nang walang nakasulat na pahintulot ni Atty. Suarez. Kung susuway, mawawalan siya ng karapatan sa lahat ng mamanahin.” Binagsak ni Ninong Rafael ang papel sa lamesa. “Twenty-six ka pa lang sa susunod na taon, Aliana.” Tumingin siya sakin. Diretso sa mga mata ko. Gaya noong college ako at nahuli niya akong umiiyak sa condo ko kasi iniwan ako ng first boyfriend ko at sinabi niya sa'kin na huwag ko daw iyakan 'yon. “Kung magpapakasal ka ngayon, wala kang mamanahin. Wala kang bahay. Wala kang kumpanya. Wala kang trabaho. Unless bumalik ka ng Dubai at iiwan mo rito nang mag-isa ang mommy mo." Napakagat ako ng labi. “Blackmail ‘yan, Ninong.” “Hindi,” umiling siya at tumayo. Lumapit siya sa'kin. Isang hakbang lang, amoy ko na siya. Ang alak sa hininga niya, ang parehong pabango niya noong huling gabing magkasama kami five years ago. “Ito ang bilin ng daddy mo. At bilang ninong mo… susundin ko.” “Ninong mo,” ulit ko. Madiin. At saka ako tumayo na rin. May pait sa boses ko. “Tama. Ninong lang. ‘Yon lang ang gusto mong ituring ko sa'yo. ‘Yon lang ang kaya mong ibigay sa'kin." Natigilan siya. Kasi alam naming dalawa ang totoo. Isang beses na pagkakamali. Isang gabi na hindi namin pinag-usapan kahit kailan. Ngunit sa loob ng limang taong lumipas, may sinabi siya sa akin na hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa isip ko. Ninong mo ako, hija. Hanggang doon lang ‘to. Kalimutan mo na ‘tong nangyari sa'tin. Pero God knows na pinilit ko na kalimutan iyon. Nag-Dubai ako. Nagtrabaho kahit hindi naman kailangan. Naghanap ng ibang lalaki para makalimutan ko ang gabing iyon. Para makalimutan ko ang alaala ni Ninong Rafael. At doon ko nakilala si Greg. Pero heto siya ngayon. Forty five years old na. Mas guwapo. Mas hot. At bakit parang mas galit pa siya kesa sa'kin? “Si Greg ba talaga ang mahal mo?” tanong niya. Mas mababa na ang boses. Pero mas delikado. “O ginagamit mo lang siya para takasan ako?” “Wala kang karapatang—” Bigla siyang lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang baba ko. Mahigpit. Pero nanginginig ang kamay. “Wala ba talaga?” bulong niya. “Kasi nong nakita kitang may suot na singsing na hindi galing sakin, gusto kitang sakalin, Ali. Gusto kong suntukin ‘yang Greg mo. Gusto kong sunugin ‘tong testamento ng tatay mo.” Napasinghap ako. “Ninong—” “Huwag mo akong tawaging Ninong kung hahalikan din kita ngayon.” At hinalikan nga niya ako. Ganoon kabilis. Mas mabilis pa sa pagkisap ng mga mata ko. Hindi gaya noong lasing kami. Hindi marahan. Hindi nag-aalangan. Galit. Uhaw. Parang may limang taong pagtitimpi. Iyon ang nararamdaman ko sa bawat pag-angkin ni Ninong Rafael sa mga labi ko. Bumigay ang mga tuhod ko. Hinawakan ko ang coat niya para hindi ako matumba. 'Yong ballpen, nalaglag sa sahig. At 'yong testamento, nagkagulo. Pero wala akong pakialam. Kasi sa loob ng limang taon, ito lang ang totoo. Siya lang. Kumalas siya na hinihingal. Nakadikit ang noo niya sa noo ko. “Putang-*na, Ali.” Itinulak ko siya. Nanginginig ako. At hindi ko alam kung sa galit. Sa takot. O sa... sarap na hindi ko maitanggi sa sarili ko. “Ikakasal na ako, Ninong!" sigaw ko habang umiiyak. “At kay Greg. Hindi sa'yo. Hindi puwede sa'yo. Ninong kita. Best friend ka ng Daddy ko. At tatay-tatayan kita. Hanggang doon lang 'yon, 'di ba?" Tumawa siya. Mapakla. “Tatay-tatayan?” Lumapit siya ulit. Hinawakan niya ang mukha ko, pinunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. “Kung tatay-tatayan mo ako, bakit mo ako hinayaang angkinin ka nang gabing ‘yon, Ali? Bakit hindi ka nanlaban? Bakit bumigay ka rin?” Wala akong sagot. Kasi totoo. Bumigay ako. At gusto ko pa uli ngayon. Iniwan niya ako sa study room habang nanginginig pa rin. Ni hindi ko masumbat sa kaniya ang sinabi niyang iyon sa akin noon. Paglabas ko, nakita ko si Greg sa sala, kausap ang Mommy ko. May dala siyang bulaklak. Iyong mga paborito ko. Napangiti siya nang makita niya ako. “Hon, okay ka lang? Umiiyak ka?” Pinunasan ko agad ang mga labi ko. Baka may bakas pa ng Ninong Rafael ko. “Okay lang,” sagot ko. Pilit kong inaayos ang pagsasalita ko. “Naiiyak lang ako kasi nami-miss ko si Daddy.” Hindi si Daddy. Kundi ang lalaking hindi ko puwedeng iyakan. Hindi ko puwedeng mahalin. Hindi ko puwedeng pakasalan. At sa mga oras na ito, siya at ang nangyari sa amin noon ang totong nami-miss ko. At siya lang ang gusto ko. Pero hindi ko puwedeng sabihin kay Greg ang lahat ng iyon. He's a nice guy. Hindi ko siya kayang saktan. "It's okay, Hon. I'm here." Niyakap ako ni Greg. Yumakap din ako sa kaniya. Mahigpit. Hindi dahil gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya kundi dahil kinakain ako ng konsensiya ko. KINAGABIHAN, may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Si Ninong Rafael. May hawak na papel. Ang Last Will ni Daddy. “Pipirmahan ko ‘to, Ali,” sabi niya. Ang Clause 14 ang tinutukoy niya. “Papayagan kitang magpakasal.” Napalunok ako. “Talaga?” Tumango siya. “Basta sa isang kondisyon.” “Ano?” Inabot niya sa'kin ang ballpen. At tumingin siya sa mga mata ko. “Sa akin ka magpapakasal at hindi sa Greg na 'yon." Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
664.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
902.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
319.1K
bc

Not just, the Beta

read
324.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook