Nang matapos kaming magsukat ni Eliana, napagpasyahan niyang bilhin pa rin lahat ng mga pinili niya. Tumutol ako sa simula pero sa huli ay talo ako sa kanya. Hindi naman siya nag-alala dahil nakuha niya daw ang card ni Ethan at yun ang ginamit niyang pambayad kanina. Magkapatid nga talaga sila.
Lumabas na kami ni Eliana sa boutique dala-dala ang napakaraming paper bags na naglalaman ng mga binili namin, niya na kasuotan.
Pawisan kaming lumabas dahil sa pagod sa pagsusukat at gutom dahil lampas na pala ang oras para sa lunch. Dahan-dahan ang hakbang na ginagawa namin ng mapahinto kami sa harap ng isang fastfood chain na pareho naming gustong pagsaluhan.
Jollibee
Nagsukatan kaming dalawa ng tingin bago tumitig sa nag-aabang na bukas na pintuan. Nauna siyang tumakbo sa akin pero agad din akong nakahabol sa kanya at sabay kaming nakarating sa counter kung saan may nag-aabang na lalaking waitress.
"Good morning. Welcome to Jollibee. What's your order ma'am?"
"Everything please.” matigas na sabi ni Eliana sa crew. Napailing na lang ako dahil sa inasta niya at ako na ang nagsabi sa order namin. Nang makuha namin ang number namin ay naghanap kami ng bakanteng upuan na may pang-apat na tao ang kasya. Hindi upuan ang pinagbabasehan namin kundi ang lamesa na paglalagyan ng mga pagkain.
"Looks like wala ng vacant dito ate Lavender."
"Let's go upstairs."
Sang-ayon naman siya sa sinabi ko kaya pumanhik na kami sa taas para maghanap ng bakanteng upuan. Hindi naman marami ang tao dito sa itaas kaya hindi na kami nahirapan pang maghanap ng mapaglalagyan. Agad naming inupuan ang pwesto na iyon at sakto namang nakadikit ang lamesa at upuan sa glass wall kaya kitang-kita namin ang nangyayari sa loob ng mall.
"You know what ate Lavender? Miss na miss na talaga kita. I cried everytime I remember a lot of memories with you especially here - our signature fastfood chain, jollibee." panimulang sabi niya sa akin habang inaayos ang bag niya sa gilid.
"You've grown up Eliana." I said without looking at her.
"I know." she said as she put gloss on her lips.
"I am not expecting you to treat me again like this." I looked at her and now she’s staring at me.
"Because you left."
"I am, for good Eliana." matapos ay ngumiti ako.
"For your own good ate Lavender."
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Eliana. Hindi nila maiintindihan ang mga ginawa ko noon dahil wala silang alam. At hindi na rin ako mag aabala pang sabihin sa kanila lahat.
"I have no choice Eliana. I'm sorry."
"Your sorry won't heal the scar." she’s serious right now and I can’t blame her.
"You are not the victim Eliana."
"I know but we are all family. Why can't you trust us with your shitty problems?"
"It's hard for you to understand."
"Then we will try to understand everything."
"You can't"
"So that's why you leave?"
"To escape from everything, from here. I wanted to be selfish." I honestly said to Eliana. Hindi ko alam kung unwind ba talaga ang gusto niya or kung gusto niya lang bang malinawan sa lahat ng mga nangyari noon.
"But you came back ate." she actively said na parang wala lang sa kanya ang pinag-usapan namin kanina.
Binigyan ng makabuluhang kahulugan ni Eliana ang aking pagbabalik. But I have my own reasons too.
"I came here for business and for the twins Eliana. And I have no any other reasons to stay longer."
"How about Kuya Drew? You didn't came back for him?"
"I didn't."
"All these years ate Lavender, ikaw lang ang hinihintay ni Kuya Drew. Nakikita namin siyang masaya, nakikisama pero I know— we know that he's hurting."
Agad akong napayuko sa sinabi ni Eliana. May sasabihin pa sana siya sa akin ngunit dumating na ang mga pagkain na inorder namin.
"Here's your order ma'am. Enjoy!" nakangiting wika sa amin ng lalaking crew na siyang naghatid sa order namin.
"Thank You." sagot naman namin ni Eliana sa kanya at ngumiti.
Sinimulan na namin ang pagkain at tahimik naming ginagalaw ang mga kubyertos na hawak namin. Wala akong balak na magsalita ngunit sinimulan na ni Eliana ang konbersasyon.
"So you're leaving again?"
'"I will Eliana. Two weeks from now will be the launching of Gab and Sheryl's business in Singapore so we'll be heading there."
"You're staying at Singapore?"
"No, at Europe."
"Oh. You're home."
"Obviously."
"So tell me, how's life?"
"F*cked up Eliana."
"Manners ate Lavender. Nalingat lang kami ng konti sa iyo ay ganyan kana." at tumawa siya ng malakas matapos niya iyon sabihin sa akin.
Tawa lang siya ng tawa dahil sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa part na iyon? Napatingin sa direksyon namin ang mga tao at mukhang naramdaman naman ni Eliana ang mga titig nila kaya tumigil siya at ngumiti na lamang sa kanila.
"Kamusta si Gab?"
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Pag-alis ko ay hindi naman maayos ang relasyong pagkakaibigan nila. Tapos ngayon ay kinakamusta niya si Gab sa akin?
"That spongebob's avid fan?"
"Hey! Huwag mong awayin si spongebob."
"So you're also an avid fan of that yellow sponge?"
Ngising tagumpay na tanong ko sa kanya. Kailan pa to nagkagusto kay spongebob? Ang akala koy hello kitty silang dalawa ni Sheryl.
"He's so cool kaya. Cute, handsome, mabait, matulungin, maalalahanin at responsable."
"Si Gab?"
"Of course not! Si spongebob!"
"Really? Looks like Gab's personality suits with your description with spongebob."
"Ang negga mo talaga ate Lavender." nakasimangot na sabi niya sa akin.
Napangiti naman ako sa mga inasta niya ngayon. Eliana Guaz. Mukhang nagiging misteryoso na siya sa paglipas ng panahon ah.
"Sino pa ang palagi mong kasama?"
"Wala naman akong kinakasamang iba ate Lavender. It will always be Sheryl. As if namang hahayaan ako nun na sumama sa iba. So possessive."
Natawa naman ako dahil dun. Siguro nga nagbago na ang lahat simula nung umalis ako. Pero hindi pa rin nawawala ang pagkakakilala nila sa akin. Sa tingin nila ay ako pa rin ang Esmeralda noon. Pero nagbago na lahat lahat. Sina Gab, Sheryl at Ma Donna lamang ang nakakaalam kay Van at wala rin akong balak na sabihan ang iba tungkol dito. Ayokong magulo na naman ang bagong buhay na sinimulan kong punuin ng masasayang alaala. Alaalang lahat ng iyon ay kasama si Van. Magpaka selfish muna ako sa mga panahon ngayon. Pagbibigyan ko si Van sa kagustuhan niyang makita ang daddy niya. Pipilitin kong makisalamuha ulit sa kanya, pero, kung siya na mismo ang lalayo at mawawalan ng interes ay hindi ko na ipagpupumilit pang pumasok sa buhay niya. Sapat na ang isa at yun na ang huli. Masaya na ako sa buhay ko at ganun din siya. Hindi ko naman kayang deretsong sabihin sa kanya ang tungkol kay Van. Magmumukha lamang akong kaawa-awa at tanga.
"Hello? Back to earth ate Lavender."
Napakurap naman ako ng nakita kong kinaway-kaway ni Eliana ang kamay niya sa harapan ko. Ngumiti lang ako sa kanya bilang senyales na nakuha na niya ang atensyon ko.
"You know what ate Lavender? Parang may nagbago sayo? Alam mo yun? Yung parang kahit na marami kang problema ay may tao pa ring nagbibigay ng lakas sayo. Hmmm."
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Di nga? Ganun na ba kahalata? May nalalaman ba ang babaeng to? Di kaya'y sinabihan na naman ito ni Sheryl tungkol sa mga bagay-bagay ukol sa akin.
"Parang. . .” hawak-hawak niya ang kaniyang baba at pumikit-pikit pa na parang malalim ang iniisip.
"Oh my goodie!"
Nabigla naman ako ng bigla rin siyang sumigaw. Ano ba to? Nakalunok ng megaphone?
"May boyfriend ka na ate Lavender?"
Woah! Akala ko yun na yun. Ano bang nasa kukote nito? Pag-ibig ba lagi?
"Nah."
"You mean wala kang boyfriend?"
Tumango naman ako sa tanong niya sa akin. Relationship didn't interest me after what happened to me years ago. Been there, done that.
"So may asawa ka na?"
Nabulunan naman ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang drinks sa lamesa at ininom iyon.
"Eliana? What's wrong with you?"
"You're blooming, fresh, and still beautiful ate. I think may inspirasyon ka."
Oo, si Van.
"I don't have any relationships with someone okay? Pumapag-ibig ka na naman eh noh?"
"But I am still curious why."
"As well as me Eliana."
Iyon nalang ang sinagot ko sa kanya para hindi na siya magtanong pa at sagutin ang sarili niyang tanong ng mga nakakaasar na sagot. Ipinagpatuloy naman niya ang kanyang kinakain dahil halos hindi pa kami nakalahati sa mga inorder namin. Napatitig naman ako kay Eliana na nasa aking harapan at tahimik na kumakain.
Eliana Guaz. 14 years old pa lang siya nung nakilala ko siya at naging kaibigan. Magkasing edad lang sila ni Sheryl at Gab noon. Dahil nga sa naging barkada ko sina Ethan noon na kapatid naman nitong si Eliana, nakahanap rin siya ng makakasama at yun ay sina Gab at Sheryl. Nagkalapit rin kaming dalawa dahil palagi siyang pumupunta sa amin noon. Hindi siya yung tipong pinandidirian ang mga mahihirap katulad namin noon. Palagi pa rin siyang dumidikit sa amin at iyon ang isa sa mga personalidad niya kaya naging matalik niyang kaibigan si Sheryl at naging kaaway naman niya si Gab. Ewan ko ba kung ano ang sinimulan ng pag-aaway nila basta ang alam ko, ayaw nilang magkatulad sa mga bagay-bagay. Pareho kasi sila ng hilig at mga paborito kaya naglalamangan silang dalawa. Well, too much about them. Buhay nila iyan at wala na akong iba pang alam tungkol sa kanila.
"By the way. . .” napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita at may kinuha sa bag niya.
Ibinigay niya sa akin ang isang envelope na kulay ginto na may pulang laso at may pulang rosas sa gitna. An invitation. I remember Ethan saying na sana ay magkita kami ni Eliana one of these days and it really happened. Kung kay Ethan ay makakagawa ako agad ng paraan, siguradong kay Eliana ay hindi.
"I can't go Eliana."
"You have to. Sheryl told me that you're staying at Esmeralda's Sweet House and the venue for my birthday party will be there. I know you can go." she said. "Ate Lavender, can you for once forget the past? Please for once— on my birthday. I badly need you there."
Kinuha ko ang invitation at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa.
"I can't promise Eliana pero pag-iisipan ko okay? I'll call you."
Nabuhayan naman siya sa sinabi ko.
"Hope you can go ate Lavender, for the last time. Aalis ka na naman, why not spend your remaining days with us. Hindi naman masamang magkasama tayo— kayo ulit diba?"
"There's nothing wrong Eliana. Hindi naman ang pagpunta sa birthday party mo ang problema eh."
"Si Kuya Drew ba?"
Siya nga ba? Natatakot akong magtagpo kaming muli sa iisang lugar. Hindi ako makahinga. Sumisikip ang lugar para sa aming dalawa.
"I don't know Eliana. Anyways, let’s go?" I changed the topic because I cannot handle the pressure anymore.
Tumingin naman siya sa table namin at wala nang nakaing natitira. Siguro hindi namin iyon namalayan dahil sa bigat ng pag-uusap namin. Tumayo na kaming dalawa at lumabas sa fastfood chain na iyon.
"Saan na tayo ngayon ate Lavender?"
Napatingin-tingin naman ako sa kabuuan ng mall at wala akong nakita na maaaring puntahan.
"Tara dun!"
May itinuro si Eliana na lugar at hindi ako makapaniwala na doon kami pupunta. Seriously?! Tumakbo na siya dahil siguro sa excitement. At kung minamalas ka nga naman, hila hila niya ako kaya napatakbo na rin ako kasama siya.
"Slow down Eliana. Slow down."
Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin sa paghila sa akin.
"I said slow down Eliana. Kinaladkad mo na ako."
Huminto naman siya at binitawan ang kamay ko. Agad ko yung ginalaw-galaw dahil nanakit na ito sa higpit ng hawak niya.
"Welcome to the World of Fun ate Lavender!"
Tumingala naman ako sa lugar at nakita ko ang mga nagkikislap na palamuti at makukulay na ilaw na nagmumula siguro sa loob nito.
"You know what Eliana? This is insane. Umuwi na tayo."
"Oh come on ate Lavender. Kakatapos pa lang naman ng lunch ah at isa pa, mamayang gabi pa ang family dinner at may sapat na oras pa tayo."
"Let's go somewhere else. Please not here."
Akmang hihilahin ko na siya pabalik ng iniwas niya ang mga kamay niya sa akin.
"I won't."
"Don't be stupid Eliana. Aalis tayo dito at pupunta tayo sa kahit saan mo gusto. Huwag lang dito."
"Wala akong ibang gusto ate. I want here."
"May marami pang mapagpupuntahan sa labas. Tara na Eliana."
"Ate Lavender naman eh, minsan na nga lang tayo maka-unwind, killjoy ka pa talaga. Sige na naman please? For the last time."
At nag puppy eyes naman siya sa aking harapan sabay dikit ng dalawang kamay niya sa kanyang dibdib na parang nananalangin. Tumingin ulit ako sa gustong puntahan ni Eliana at halos lahat ng nandito ay mga bata. Goodness gracious. I just sighed in defeat. Wala namang masama sa isang beses lang.
Humakbang ako papasok sa palaruan at nakangiting tinignan si Elian na parang namatayan sa likod. Nang makita niya akong nakangiti, agad naman niya akong niyakap at nilapitan.
"This is going to be exciting! Here we come World of Fun! Yehey!"