Chapter 4: Antecedent

2379 Words
Matapos ang insidente sa meeting ay dumeretso ako pabalik sa hotel. Hindi na ako nag-abala pang tanungin si Sheryl tungkol sa naging takbo ng meeting niya sa isang investor. At hindi na rin ako nakakain pag-uwi kagabi. Pagod, sakit, pagkadismaya at halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Kahapon pa nangyari ang lahat pero sariwa pa rin sa akin ang natamo kong sugat dahil sa pangyayari. Sugat na akala ko'y naghilom na sa mahabang panahong pagpapahinga. Subalit nang makita ko siya kahapon, naramdaman ko ang pagbukas ng tahi sa sugat na ibinaon ko sa kinailaliman ng aking damdamin. Ilang taon kong pinaghandaan ang pagbabalik. Pagbabalik na sana'y hindi ko na lang hinangad kung hatid naman nito ang pagkasira muli hindi lamang ng aking buhay kundi pati na rin kina Gab at Sheryl. I can't risk something again. I can’t risk something anymore. Nakarinig ako ng pag-click ng siradura ng pintuan kaya agad akong humarap sa kasalungat na direksyon ng pintuan at nagtalukbong ng comforter kahit hindi naman malamig. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na palapit sa akin at nakaramdam ako na umupo siya sa dulo ng aking kama. "I know you're not sleeping ate Lavender." she said calmly. That's Sheryl. May ideya na siguro siya sa mga nangyayari sa akin kaya napagpasyahan niyang pasukin ako. Agad kong ibinaba ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin pero nanatili pa rin akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Wala ni isa sa amin ang naisipang kumibo sa mga oras na ito. Ang kailangan namin ngayon ay katahimikan para makapag-isip ng mga salitang dapat na lumabas sa aming mga bibig. Wala akong planong magsalita at hinintay ko nalang ang paglabas ng tinig ni Sheryl bilang panimula. Hindi ko alam kung saan magsisimula para sabihin sa kanya ang nangyari sa nakaraang meeting. "You were acting weird yesterday after your meeting. Did someone pissed you off? Or did something happen? Gab and I just want to know what’s happening with you. You just came back and then heto na naman ate, may nangyari na naman sa’yo.” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik na naghihintay sa mga kadugtong na salita. "I'm pissed ate Lavender. Im pissed to the point that I want to slap you hard, very hard for you to wake up from your deepest nightmare. But I know I can't. I just can’t hury you and I can’t hate you. Because, I know you’re hurting and it’s too much. For years, I know you’re still crying over and over again without someone comforting you and will say that everything will be okay. I just can’t. . .” Nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Alam kong umiiyak si Sheryl at ayokong tingnan siya sa ganung kalagayan. Hindi ko kaya. Sapat na ang mga iyak nila ni Gab noon para ipain ang sarili ko laban sa aking kaligayahan. Pero ngayon? Natatakot ako. Natatakot akong masaktan na naman sa parehong dahilan. "You have us and you're the only one that we have ate. Please, we need you. We don’t want to see you like that. I know it’s really hard pero kahit para lang sa pamangkin namin, kay Van.” Doon ulit naglabasan ang luha na pilit kong pinipigilan. Nakalimutan kong gawin ang responsibilidad ko sa kanila. Sa akin sila kumukuha ng lakas at sa akin sila nakadepende. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang nagbabadya sanang bumuhos galing sa aking mapangahas na mga mata. Tumayo ako at lumapit kay Sheryl. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa kanyang noo. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi at inayos ang nasira niyang buhok. "Prepare everything. I'll just take a shower okay?" I said with a small but loving voice. Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Tumalikod na ako at pumunta papasok sa cr para ayusin ang aking sarili. Hindi pa tapos ang laban ko. After I clean myself up and everything, lumabas ako ng aking silid at dumeretso sa dining area. Nagtaka ako kung bakit si Sheryl lamang ang nakaupo doon. Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko pa rin siya nakita. Hindi ba siya nakauwi? "Just give him a minute ate Lavender. I think I blow him that hard and its painful." Sheryl said to me trying to stop herself from laughing. I looked at her and raised one of my eyebrows. Ngumiti lamang siya sa akin at nagkibit-balikat. "Did you throw his alarm clock again Sheryl?" I asked. "It's useless. He's not even taking a sight of it and always turning it off once it rings. Poor little ugly spongebob alarm clock." as soon as she finished saying her statement, she laughed. Hindi na ako nakasagot pa ng nakarinig kami ng yabag papasok sa dining area. Nakasuot siya ng pajamas at t-shirt na kulay dilaw at may mukha ni spongebob ang nakadisenyo. "Speaking of the person who lives in a pineapple under the sea. Hey spongebob! Good morning." "Shut up Hello Kitty! You stinky ugly fat cat!” Gab shouted. Namula naman ang mukha ni Sheryl na pinandilatan si Gab. "You're a minute late for out breakfast Gab." putol ko sa maaaring maging away ng dalawa. "I'm sorry ate Lavender. I am really tired and someone just went inside in my room without the owner's permissions, which is me,” tapos tinuro niya ang sarili niya. “and crash the owner's cute little pretty spongebob alarm clock." at tinapunan ng nakakamatay na tingin ang kapatid niya. "Stop it you twins. Table manners." seryoso kong sabi. Tumahimik naman sila at naglakad patungo sa lamesang may nakahain ng maraming pagkain. Pagkatapos naming magdasal ay sinimulan na namin ang pagkain. Napatingin naman ako kay Gab na pasimpleng sumusulyap sa akin at si Sheryl naman sa kanya. Goodness gracious! Why do I have a weird family members? "How's your meeting Sheryl?" Agad naman niyang binitawan ang kubyertos at uminom muna ng tubig bago pinunasan ang kanyang bibig. "Mr. Lacosta seemed to be enjoying my company ate Lavender. He accepted my proposal easily. Looks like I also have the title of beauty and brains." proud niyang sabi habang kumukuha ng slice ng mansanas sa mesa. I was about to congratulate her ngunit naunang magsalita ang hindi magpapatalong si Gab. Sino pa nga ba? "You don't have a brain my dear sister. And most importantly, you are not beautiful. If that’s what you are thinking. A bit of advice, look at your mirror, okay?” mahinahon niyang sabi na parang wala lang itong epekto kay Sheryl. Napasimangot naman si Sheryl sa sinabi ng kanyang kuya. And yes, they are twins. Magkamukhang-magkamukha sila at kung bibihisan man ng pambabae si Gab ay magmumukha itong si Sheryl ganun naman si Sheryl na magiging Gab. Ipinanganak si Gab minutes before Sheryl so siya ang nakakatandang kapatid sa kanilang dalawa. "Sounds good Sheryl. You may continue entertaining the needs of Mr. Lacosta. We can have our meeting one of these days." "I will ate Lavender." then she smiled. "How about you Gab? Did you already check the launching of your business in Singapore?" "Yes ate Lavender. It's all settled and I encountered no problems for the launching." "Good. Both of you should continue what you are doing right now." At nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay umalis na si Sheryl dahil may aasikasuhin pa siya samantalang si Gab ay naghahanda para sa kanyang pag-alis. Nakaupo lamang ako sa couch dito sa salas dahil hindi muna ako papasok sa opisina ngayon. Sinabihan ko na ang sekretarya ko at siya na raw ang bahala doon. Wala akong balak na lumabas ngayong araw dahil wala naman akong mapupuntahan. Biglang tumunog ang cellphone ko at unknown number ang naka rehistro na caller. Sinagot ko na lamang ito dahil baka importante. "Hello? Who's this?" "ATE LAVENDERRRRRRRRRRR!" Inilayo ko naman ang telepono ko sa aking tenga dahil mabibingi ako sa boses ng babaeng ito. Kahit di niya sabihin ay kilala ko pa rin siya. "You might destroy my eardrums Eliana." "Wahhh! Naalala mo ako ate Lavender. Im so glad." "So?" "And you're still cool unlike my brother." "Spill it out Eliana. I am not in the mood.” "I just missed you." "You have no idea how much I missed you." "Really? You really are very cool ate Lavender." "I know. I missed you now I badly need to go. It was nice to know that you're good. Bye. . .” Ibaba ko na sana ang telepono ng marinig ko ang pagpoprotesta niya. "No,no, no, wait ate Lavender." "What Eliana?" "Let's go out! My treat!" "I can't." "Why? Sheryl told me it's your day off." Goodness gracious! That girl. Of course she would tell Eliana about me. They are best of friends. "I need to report to work." "Oh come on ate Lavender. It's a girls unwinding. I won't bring anyone except myself." I sighed in defeat. Maybe I also need to unwind to relax and think about the solutions to my problems. "Wait for me at your shop." Agad ko nang binaba ang tawag at nagbihis nalang ulit sa aking silid. Unwind huh. I drove fast para hindi ko mapaghintay ng matagal si Eliana. I had enough on making other people wait for me. Nang makarating ako sa shop ni Eliana, nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga upuan at may nakahanda ng pagkain dito. "Unwind here? Seryoso? Anyways, this is actually a nice and relaxing place." "Don't tease me ate Lavender. I want you to see how good I am in terms of business." Inilibot ko ang paningin ko sa kanyang shop, a coffee shop that looks like a library because the walls looks like an open cabinet with different kinds of books on it. "Are your customers don't know how to read?" "Duh ate Lavender. I'm a bookaholic so I prefer customers who also love to read." She's right. Maganda nga ang naisip niya para sa kanyang coffee shop. The ambiance was relaxing and the scent of the shop makes her customers stay longer. Such a wise business woman. Hindi ko pa natapos ang kinakain ko ay hinila na niya ako palabas ng shop. "Where are we heading Eliana?" "Unwind ate Lavender. Unwind." Pinal na sabi niya sa akin kaya tumahimik na lamang ako. Pumasok kami sa kotse niya at siya ang nagmamaneho samantalang nasa passengers seat ako. Tumutol ako na siya ang mag drive pero pa welcome party niya raw ito sa akin. Seriously? Ganito ang welcome party? Suicide? Nakarating kami sa parking lot ng mall at hinila naman niya ako palabas ng kotse at diretso ang pasok sa loob ng mall. Dumeretso kami sa loob ng isang boutique. Agad naman kaming binati ng mga nakabantay at hila-hila lamang ako ni Eliana. "This is Tita Ellie's boutique Eliana. And I am not into dress shopping." "Mom knows about this. Gusto nga niyang makita ka ngayong gabi. It's a dinner night. A family dinner." "But I am not part of the family Eliana. You know that. And besides, I will be with Sheryl and Gab this evening. I need to pay my credits to them through a family dinner also." "The more the merrier ate Lavender. Gab and Sheryl will be there also, don't worry." Napahawak naman ako sa aking noo. Masakit talaga sa ulo ang kambal na iyon. Hindi na nahiya at pati family dinner namin ay ipinasa na sa family ng mga Guaz. "Just relax ate Lavender. Mom and dad adores you, a lot. Kuya Ethan will also be there and maybe he will bring his circle of friends." "Circle of friends?" Kinabahan ako sa sinabi ni Eliana. Circle of friends means na pupunta sila. Mukhang kailangan ko talagang makakita ng paraan para matakasan ang family dinner na ito. "Don't think of such ways ate Lavender. I know what's running in your pretty brain. Hindi kita hahayaan." "I will not decline the invitation Eliana. I'm going." "Cool! Now let's go shopping! I will be picking up dresses for you. All you have to do is wear it and I'll judge." nakangiting sabi niya sa akin. Mukhang magiging living doll ako ni Eliana ngayon. This time, no escape. Naglakad kaming dalawa patungo sa hile-hilerang cocktail dresses na naka hanger sa isang dress stand. Kung ano ang nakikitang maganda at elegante na kasuotan ay kinukuha ni Eliana sabay bigay sa akin. Maaaring ang mga hinahawakan ko ay akin at yung nasa kamay naman niya ay kaniya. Matapos ng napakahabang oras ng pagpili ay pumasok kami sa malaking kwarto na naroon at nakakita ako ng malaking couch at dalawang single couch sa gilid nito. May mesa naman sa gitna na pinatungan ng isang single vase. A private room, I guess. "We can try and fit our dresses here ate Lavender. Mukhang hindi tayo magiging komportable kung doon tayo sa labas." "Nice place Eliana. Tita Ellie truly is an artistic designer." Ngumiti lamang siya sa akin bago lumapit sa couch at inilagay doon ang mga pinili niyang mga damit. Sumunod ako sa kanya at isa-isang tinignan ang mga cocktail dresses. "You look good wearing a color white cocktail dress ate Lavender. So I picked up a lot of color white cocktail dress." "It's okay Eliana. I love the color." Nagsimula na siyang kumuha ng isang masusuot at pumasok sa isa sa mga pintuan doon. Kumuha na rin ako ng maisusukat at pumasok sa isang katabing pintuan. May malaking salamin sa aking harapan. A wall-sized mirror na kita talaga ang aking kabuuan. Sinimulan kong alisin ang aking suot na damit para masimulan ko ng sukatin ang mga napili ni Eliana. Agad akong napatingin sa likod ng aking katawan ng makita ko ang peklat sa ilalim na bahagi sa aking waistline. Ang mataas na peklat na naghatid ng pagbabago sa aking buhay - sa amin nina Gab at Sheryl. Hinawakan ko ang mahabang peklat at sinubaybayan ang hangganan nito. Matagal na itong nakakapit sa aking balat at hindi ko na ito ginalaw simula ng maghilom ang sugat na ito. Palagi akong pinipilit ni Gab at Sheryl na linisin ito at magpagamot para mawala ang peklat na ito pero tumanggi ako dahil dito nagsimula lahat ng meron ako ngayon. Hindi ko na napigilan at napaluha naman ako sa mga alaalang pumapasok sa aking isipan na sinasaksak ang aking dibdib. Patuloy lang ako sa paghikbi at narinig ko na lamang si Eliana sa labas na sumisigaw. "Ate Lavender. Ate Lavender! Open this door! Kanina ka pa diyan. Is there something wrong ate? Come on, speak." Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at pilit na pinapasigla ang aking boses. "Im okay Eliana. This dress sucks!" Tumawa naman siya sa labas dahil sa sinabi ko. Napahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya nagtanong pa. Enduring this pain is all that I can do for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD