Dalawang araw na mula nung may nangyaring masama kay Andreela. Dalawang araw na rin akong kinukulit ni Ethan na umuwi na kami pabalik sa Pilipinas, besides pwede na rin daw kasi umuwi si Van at wala ng dapat ipag-alala. Kailangan niya lang ng additional medicines and weekly tests. I am still doubtful of what my decisions should be at naghihintay na lamang ako sa mga resulta ng tests ng anak ko. I mean, I know what her condition is pero hindi ko alam kung mas lumala ba ito or it’s just stable. "Ven, please?" eto na naman. Tumingin ako sa taong nasa aking tabi at pinaningkitan siya ng mata. Ngumiti lang ito sa akin ng may napakalawak na ngiti na nakapag-irita sa akin. "Look Ethan, not now okay? Kita mo naman kung ano ang nangyari sa anak ko diba? You should understand." pagpapaliwanag ko

