All passengers to Palawan, please proceed to the departure area. I repeat. All passengers to Palawan, please proceed to the departure area. Thank you. “Come on Ven. Wala ng oras sa ka dramahan mo.” singhal ni Ethan sa akin habang mahinang tinatapik ang mga pisngi ko. I rolled my eyes at him in annoyance. Wala akong kalaban-laban sa kanya kaya napauwi niya talaga ako sa Pilipinas. At ngayon ay deretso ang byahe namin papunta Palawan sakay ang eroplanong kinuhaan niya ng ticket matagal na. Tss. Pinaghandaan niya talaga ang pagnakaw sa akin. “Bilisan mo naman ang lakad. Walang maitutulong iyang bigat ng mukha mo. Akala mo naman bagay sayo.” saway niya sa akin dahil dahan-dahan ang naging lakad ko dahil hindi ko naman talaga ginusto to. Isa pa ay hindi pa nawawala ang galit ko sa kanya sa

