“Ethan!” tawag ko sa pangalan ng lalaking naglalakad palabas ng club. Hindi siya huminto kahit na alam kong naririnig niya ako kaya mas binilisan ko ang paglalakad na halos mapatakbo na rin ako. Nang maabutan ko siya, hinawakan ko ang kamay niya ay iniharap siya sa akin. “Huy Ethan.” wika ko. Nang makita ko ang mukha niya, una kong napansin ang malungkot niyang mata at kung gaano ito katamlay ngayon. Kahit na nakasuot siya ng bilog na eyeglasses, hindi pa rin mawawala sa paningin ko na malungkot ito. “Bakit?” walang gana niyang sabi at deretso ding tumingin sa akin. Hindi ako agad na nakasagot dahil natatakot ako sa boses niya. Mukh siyang galit na hindi dahil mahina lang din ang pagtatanong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako para mabuo muli ang confidence ko. “Pinapasunod ka nila

