Hindi pa rin nila tinitigilan si Yang hanggang sa sabihin niya kung ano ang binitawan niyang salita sa akin.
"Sabihin mo na Yang kung mahal mo pa ang buhay mo. Sige ka! Ipapakuha kita kay dad at ipapadala kita sa Australia at hindi mo na ako makikita." pagbabanta ng kapatid nito sa kanya.
"Sure, kahit samahan pa kita. Kuya mo ako kaya huwag mo akong ginaganyan." nakangisi namang sagot ni Yang dito.
"Eh kasi sabihin mo na!" sigaw naman ni Garven na halatang iritado na sa pasikot-sikot ni Yang.
"Ano ba kasi ang sasabihin ko Garven?" pa-inosenteng tanong ni Yang sa kanila.
"Yung sinabi mo kay Lavender?" sabat naman ni Ethan sa usapan.
"Samin lang yun Ethan. Ayaw niyong makinig sa joke ko eh kaya siya nalang." maangas nitong sabi sa kanila.
"Sabihin mo na Yang dali." hindi na napigilan ni Chris at sumama na rin siya sa pangungulit kay Yang.
"Ayoko nga Chris. Huwag kang lumapit sa akin, ang baho ng hininga mo! Mag toothbrush ka!" sagot nito kay Chris.
"Hoy para sabihin ko sayo. Araw araw akong nagpapalit ng toothbrush at oras-oras akong nag totoothbrush! Ikaw maligo ka kasi sa isang taon ka pa huling naligo." sigaw pabalik ni Chris at parang galit na ito kay Yang.
Kanina pa ako lihim na tumatawa dito dahil sa usapan nila. Hindi naman sila nag-away. Sadyang nagsisigawan sila dahil ayaw sabihin ni Yang ang sinabi niya sa akin. Hindi naman kasi dapat ako maniwala doon dahil alam kong binibiro niya lang ako. Siguro nga may epekto pa rin ang lahat tungkol sa kanya. Pinapalo na nila si Yang kaya hindi ko na hahayaang pagkatuwaan nila ito.
"Guys, ako na!" nabigla sila ng bigla akong sumigaw.
Napatingin naman silang lahat sa akin na parang nabigla pa dahil agad akong sumigaw. Guys! Hello?! Nandito rin kaya ako!
"Anong ikaw na Ven?" tanong ni Ji sa akin.
"Ako na ang magsasabi sa joke ni Yang at kung bakit hindi ako natawa." kampante kong sabi sa kanila.
Pinandilatan ako ng mata ni Yang dahil sa sinabi ko. Inirapan ko lamang siya dahil ayokong makita niya na nakangisi ako. Kabahan ka ngayon Yang!
"Ano ba ang joke niya?" tanongni Garven sa akin.
Yang? Hindi ka magsasalita? Pagtingin ko sa kanya, aba! Inirapan ako ng loko.
Mag-isip ka Lavender. Ikaw ang tinitingalang Esmeralda sa mundo kaya mag-isip ka. Napangisi ako ng bigla akong may naalala. Tingnan mo Yang kung paano ka mapapahiya.
"Ano daw ang chicken dish na kapangalan ng isang basketball player?" tanong ko sa kanila.
"Huh meron ba nun?" si Ethan ang unang gumawa ng reaksiyon.
"Chicken dish?" sunod naman ay si Chris.
"Hindi ako mahilig sa chicken." biglaang sabi ni Ji na parang related talaga sa question ko ang sinabi niya.
"Nakakataba kaya yun?" tanong bigla ni Garven kay Ji.
"Allergic ako sa chicken." sagot naman ng lalaki.
"Guys ano ba? Hindi ko hinihingi ang opinyon niyo tungkol sa chicken. Goodness gracious!" sigaw ko sa kanilang apat.
Magagalit ba ako o maiirita sa mga lokong lalakeng ito. Tinatanong na nga, kung ano-ano pang ang mga pinagsasabi.
"Ano?" sabay nilang tanong sa akin.
"Chicken Curry." nakangisi kong sagot.
A moment of silence para sa namatay na joke ni Yang. Sinasabi na nga bang hindi sila matatawa eh. Agad naman nilang dinumog ulit si Yang na nakatulala na ngayon sa akin.
"F*ck bro! Isa iyon sa nakakamatay mong jokes. Proud talaga si kuya sa iyo." patawa-tawang sigaw ni Ji habang sinusuntok ng paulit-ulit sa braso ang kapatid niya.
"Hands off people! Sinasaktan niyo na ako" sigaw ni Yang.
"Bro isa lang pala yun sa nakakamatay mong joke." si Garven naman ngayonang nagsalita.
"That's enough Ji. Huwag niyo ng dumugin si Yang. Nag-aalala si Lavender." sabat naman ni Ethan kaya tumigil na sila at lahat ay nakatingin na ngayon sa akin.
Uh-oh. I smell something na hindi dapat.
"Sorry na Ven! Hindi na mauulit." at lumapit si Ji sa akin.
"Pasensya na Ven. Akala kasi namin kung ano na yung sinabi ni Yang." sabi ni Garven.
"Malay namin na wala pa rin palang nagbabago sa kanya." sabat ni Chris na may pag-aalala.
"Sorry Ven!" nabigla naman ako ng biglang sumigaw si Ji.
At ayun at ako na ang dinumog nilang lahat at niyakap-yakap.
"That's enough!" nagulat sila pati ako sa lakas ng sigaw.
Agad naman silang napabitaw ng marinig nila ang boses na iyon.
"Oh no. Patay tayo dito. Seloso nga pala siya." bulong ni Garven na rinig naman namin.
"Magpapahukay na ako ngayon." sabi naman ni Chris at akmang may tatawagan na siya sa kanyang telepono.
"My coffin is ready. Sayang yung gwapo ko kapag nawala ako agad. Maraming iiyak." nalulungkot naman na sabi ni Yang.
"Don't worry bro. Ako na ang bahala sa yaman mo pati sa mga babae mo." at tinapik-tapik pa sa balikat ni Ji.
"Shut up kuya! Hindi ka nakakatulong eh." magsisimula na naman ba silang magbangayan?
Natahimik sila ng magsalita ulit si Andrew.
"Let's just watch movies. Gabi na pero nagsisigawan pa rin kayo." walang enerhiya niyang sabi at nauna nang maglakad papunta sa entertainment room.
"Wala naman sina tito Edgar at tita Ellie Drew eh. Umalis nga sila para solo natin yung bahay ngayon." sigaw ni Garven.
"Then you should give respect. They offered their help so you also help. Huwag kayong maingay para sa mga kapitbahay. Kahit yun lang, sapat na." if it came from Andrew, then end of discussion.
At nauna na siyang umakyat sa taas papuntang theater room. Siguro doon na lang kami manonood dahil soundproof naman ang structures nun. Tinapik ko na lang si Garven sa balikat dahil mukhang nalugi siya sa sinabi ni Andrew.
"Ang talino talaga ng taong iyon." matamlay niyang sabi sa akin.
"Samahan mo na lang ako sa kusina, kukuha tayo ng pagkain." aya ko sa kaniya.
"Okay. Tara?" sagot niya na may ngiti.
Tumango na lang ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang kusina. Yung apat naman ay sumunod kay Andrew sa pagpunta sa theater room. Napatingin naman ako kay Garven ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo Ven?" biglaan niyang tanong sa akin.
Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Kinuha ko naman yung chip na nasa taas ng ref at nilagay sa malaking bowl.
"You can start again Ven. Nandito pa rin naman kami." sabi niya habang nakatitig sa akin.
"I already started my life Garven. Hindi na yun magbabago pa." I said facing him.
"Minsan ba inisip mo ang halaga namin Ven? Kasi kami, oo. Halos mamatay kami sa kakahanap sa pagkawala mo tapos babalik ka na parang wala lang lahat ng nangyari?" it is visible in his ways that what he said was true.
" I have my own life Gar-" but he cut me off.
"Ven you're not alone! Andito kami, andito sina Eliana pati sina tito at tita. Marami kaming tutulong sa’yo.” he began to shout.
Agad naman akong napaluha sa sinabi ni Garven. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong damit at pinigilan na mapahikbi ng malakas. I smiled bitterly because of what he said. I am not alone? Pero bakit wala sila nung panahon na nangangailangan ako. Bakit wala ni isa ang tumulong sa akin kung kailan pinaka-kailangan ko.
Lumapit si Garven sa akin at niyakap ako.
"Shh. I'm sorry Ven. I'm sorry." sabi niya habang yakap yakap pa rin ako.
Pinunasan naman niya ang mga luha sa aking pisngi at hinalikan ako sa noo.
"Tara na? Baka gutom na sila doon sa theater room. Tayo pa naman ang magdadala ng pagkain." he quickly changed the topic.
Binitawan na niya ako ng matapos niyang punasan ang mga luha ko. A hug from Garven. Nakakamiss rin pala ang mga yakap nila at ang pagiging caring. I wiped my tears off my face para hindi mahalata ng iba. I breathe very deep at inayos ang mukha ko.
Naglakad na kami papunta sa theater room. Dala ko ang ice cream bucket at mga cups. Si Garven naman ang nagdala ng chips, popcorn, drinks and may cake rin kaming nakita kanina sa ref nina Ethan. Nang makarating kami at paglapag pa lang namin ng pagkain, nilantakan na ito agad ng lima. Mga patay-gutom talaga. Walang nagbago.
"So anong papanoorin natin?" tanong ni Garven sa lahat.
"Ano bang maganda Drew?" at bumaling ang tingin nilang lahat sa kanya.
"Gusto niyo horror?" he suggested.
"Hindi niyo ba tatanungin si Lavender sa gusto niya?" Ethan said.
Lahat naman sila ngayon ay nakatingin na sa akin. Uhm yes?
"Ano? Hindi ko rin kasi alam. Kahit ano na lang siguro. Your choice." I said to them.
"Are you sure Ven?" tanong ni Ji sa akin.
"Yes Ji. Kayo nang pumili." and then I smiled to give them assurance na okay lang talaga sa akin.
Hindi na naman nila ako kinulit at nagsimula na silang pumili ng papanoorin.
At ang napili nila ay The Nun. Hindi ba sang-ayon ang pagkakataon sa akin? I thought they're going to choose action movies dahil mga lalake sila. Why horror?
Kasalukuyan kami ngayong naka-upo sa carpeted floor ng theater room. May iba rin na nakahiga na katulad ni Chris, Yang and Garven dahil may mga nakalagay na kumot at unan sa cabinet dito. Samantalang ako ay naka indian sit habang niyayakap ang unan.
Goodness gracious! Di ba nila feel na natatakot rin ako? Nakaramdam ako na may nakatitig sa akin kaya napalingon ako. Nakita ko si Andrew na may nag aalalang tingin sa akin.
He mouthed "okay ka lang?"
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Hindi naman kami dapat nasa war mood. Siguro kailangan namin ng break sa lahat at ngayon mangyayari ang break na iyon.
"Hey Ven? Are you okay?" tanong ni Ethan ng makalapit siya sa akin.
"I'm okay Ethan. Don't worry." pagsisinungaling ko.
"You sure?" I wanted to say “no” pero ayoko namang putulin ang maganda nilang panunuod.
"Yes. Malapit na rin kasing matapos." nahihiya akong sabihin na natatakot talaga ako.
Nasa part kami na nagdadasal yung mga madre at tinatakan ng star sa likod yung madre na nakaputi. Konti na lang Lavender. Huwag kang matakot okay? Bigla namang may umakbay sa akin at nilapit ako sa kanya.
"Alam kong natatakot ka Ven. You can hug me, like the old times." bulong ni Chris sa akin pero nakatingin pa rin sa tv sa harap.
"Thanks Chris." ngumiti ako kahit na hindi naman niya makikita.
Lumapit nalang ako sa kanya at hinilig ko ang ulo sa balikat niya. Medyo kumalma na ako dahil nasa tabi ko si Chris.
"Wake up Ven. Wake up. The movie is over." narinig ko ang mahinang pagtawag ni Chris sa pangalan ko.
Napabukas naman ako ng mata ng marinig ko iyon. Nakatulog pala ako dahil sa komportableng higaan na ibinibigay ni Chris sa akin. Nakahiga na rin pala ako sa kandungan niya.
"Hindi ka ba magbibihis Ven? Naka dress ka pa naman." agad na bungad ni Ji sa akin pagtayo ko.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Ji. Wala nga pala akong pinadala na extra damit kay Sheryl.
"You can borrow one of Eliana's things. May mga pampatulog naman siya doon sa closet niya." Ethan said.
"Thanks Ethan." I replied.
Nagligpit na rin sila sa mga pinagkainan, sa mga unan at comforters. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya nag excuse na muna ako. Nang makalabas ako, agad kong tiningnan ang caller at napangiti ako sa nakita ko.
"Mommy!" bungad ng tumawag sa akin.
"Hello there sweetie. How are you?" kahit na hindi niya nakikita ay ngumiti pa rin ako.
"I am certainly fine mom. You know, lala and dada are always here." masaya niyang sabi sa akin.
"You sure sweetie? You sound happy?" I asked.
"I am very happy mom. Lala and dada give me a new pack of books to read." kaya naman pala. She loves to read and collect books.
"Oh. I see. I'll bring you a lot of books to read when I come back." sabi ko sa kanya.
"That's great! I'm looking forward for that mom." I'm glad that she will be looking forward sa pag-uwi ko.
“By the way Van, how's Mama and Papa?"
"They look busy mom. You know, lala and dada are always leaving."
"Then who's with you?"
"Yaya Marita is always here mom. Huwag kayong mag-alala." Oh, that sounds great.
"Wow. You are really learning tagalog Van." natawa ako sa pagtatagalog niya dahil halatang hindi sanay at may accent pa talaga.
"I always do. Yaya Marita is the best tagalog teacher."
Napangiti naman ako sa sigla ng boses na ibinibigay ni Van ngayon. Sana nga ay hindi na mawala ang mga ngiti niya ngayon.
"Mom?" rinig kong tawag niya dahil natahimik ako sandali.
"Yes, I'm sorry."
"I have something to tell you." kinabahan ako sa sinabi niya.
Is she hiding something from me? Wala akong ibang maisip o baka may gusto lang siyang pabor mula sa akin.
"Spill it out." I enthusiastically said para hindi niya mahalata na nababahala na ako.
"Once you got here, I'll tell you. Promise!"
"Promise?"
"Of course mom."
"Right. I will be there next next week. I hope your story can wait?" masigla kong tanong sa kanya.
"Yes mom." she politely replied.
"I'll hang up now sweetie." pagpapaalam ko.
"Wait mom! Uhm, are you going here alone?" I was stunned by her sudden question.
Napapikit ako sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko kay Ela. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa daddy niya.
"Do you want me to bring kuya Gab and ate Sheryl? They can come if you want." sabi ko ng hindi pinapahalata sa kanya ang lungkot sa boses ko.
Matagal bago siya nakapagsalita ulit sa kabilang linya.
"I love to! I already missed both of them! Thanks mom."
"Your welcome Andreela. You rest okay? Huwag kang makulit kay Yaya Marita."
"Yes mom."
"I love you."
"I love you too mom."
Binaba ko na ang tawag at nilagay ulit sa bag ang aking cellphone. Next next week pa ako makakaalis pero parang gusto ko ng umuwi at iwanan ang lahat. Wala naman akong appointment bukas so maybe I can go to Europe. Atleast for three days.
"I heard she love to read a lot of books. Then maybe you can bring her mine."
Hindi naman ako nakagalaw sa kinakatayuan ko. What is he doing here? Narinig niya ba yung pag-uusap namin?
"What are you talking about?" I answered without looking back.
"I heard you talking about books. Maybe I can help you with that." mahinahon niyang sabi na parang hindi niya ako nahuling kausap ang anak ko.
"I don't need your help. Thanks by the way."
"Why? Makakatulong pa ako. Hindi ko na naman binabasa ang mga libro ko."
"I said I don't need your help! Wait, kanina ka pa ba diyan?" I said then looked back at him.
He’s just standing there calmly and so serene. Mukha siyang walang problema.
"Not that long." so narinig niya ang pag-uusap namin?
"Andrew, ano na naman bang kailangan mo?" iritado kong tanong sa kanya.
"You." I was stiffed again for the nth time for a moment.
"Andrew enough. Hindi ka ba talaga nakakaintindi. I said tapos na tayo. Tapos na ako sa'yo!" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Pero ako hindi. Lav naman, huwag mo akong gawing tanga. Iniwan mo ako sa ere at babalik ka? Para ano? Para iwan na naman kami? Ako?" he calmly said pero halatang galit na rin siya.
"You are not the reason why I am here. Hindi ko planong magpakita sa inyo, lalo na sa iyo.” then I pointed him.
"Then bakit ka pa bumalik?" that question hit me.
It hurts me. It hurts me so much knowing that he still love me pero wala akong masabi sa kanya.
Tumulo na ang luha ko sa tanong niya. Dapat ba hindi na lang ako bumalik? Bakit ba naman kasi ako babalik kung wala naman pala akong rason. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng humakbang paalis. Ngunit hinigit niya ang pulsohan ko at hinawakan iyon. Tinangka kong kunin ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Dama ko ang mga kukong bumaon sa kamay ko. Sh*t! Ang sakit.
"Ano na naman ba?"
"Where are you going?"
"Can't you see? I'm leaving!"
"You can't."
"I can Andrew kaya please, bitawan mo na ako."
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at nakita kong dumugo na ang kamay ko.
"Andrew! Sinasaktan mo na siya!" narinig kong sigaw ni Ethan.
Nakita ko naman silang mabilis na naglalakad sa kinaroroonan namin. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at pinunasan ko nalang ito gamit ang isang libreng kamay ko. Sa sandaling bitawan niya ako, agad akong tumalikod at patakbong umalis doon. Narinig ko pang sinisigaw nila ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.
Why Andrew? Why? Why are you still holding on?