Zana POV Nang matapos kami ay bagsak ang katawan namin sa kama. Kapwa hingal at pagod ang naramdaman naming dalawa. Mataman niyang nilapit ang kanyang mukha at isinuksok sa aking leeg magkaharap kaming magkayakap. “This is the happiest day of my life.” Mahinang sambit ni Apollo. “Why?” Nakangiting tanong ko sa kanya. “Dahil matutupad ko na ang pangarap kong makasama ka habang buhay.” Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Masaya ako dahil iisa lang ang aming nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi parin ako bigo sa pangarap ko na magkaroon ng sarili at masayang pamilya kasama si Apollo. Nakangiti ang aking mga labi hangang tuluyan na kaming nakatulog. Kinabukasan ay nauna akong magising kay Apollo. Naligo ako at nagbihis ng halter neck dress. Nude pink ang kulay nito at may h

