Zana POV Akala ko ay wala ng katapusan ang kaligayahan na aming nararamdaman ni Apollo. Ngunit nagkamali ako dahil sa nangyari kay Tallie. Alam kong malaki ang epekto nito hindi lang sa kanya, kundi pati narin sa aming dalawa. Ngunit hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat marami na rin akong sinakripisyo sa aming dalawa. Tinalikuran ko ang career ko sa ibang bansa at sinubukan uling magtiwala sa kanya para mag-umpisa kaming muli. I am not selfish. I just want to become happy. Nang marinig ni Apollo ang sinabi ng ina ni Tallie. Alam kong nasaktan siya. Alam kong mahalaga sa kanya ang best friend niya. Ayaw niyang ipakita sa akin na nahihirapan siya. Nanatili lang siyang nakaupo sa harapan ng ICU. Habang pilit na kinakalma ang ina ni Tallie. Sinabi lang ng doctor sa kanyang ina

