Chapter 4:
SABRINA
"HOW was your first night, sweetheart?" tanong sa akin ni Grandmama nang umupo ako sa gilid niya sa hapagkainan.
Iba't ibang pagkain pang-almusal ang nakahain sa mesa, nangingibabaw ang masarap na amoy ng butter mula sa yellow rice at sa pancakes na nakahanda. Sanay na ako sa ganito karaming pagkain sa mesa kahit iilan lang naman kami ang nagsasalo-salo. Normal lang sa aming pamilya ang may masasarap na pagkain sa mesa kahit walang okasyon, lalo na ngayon na may bisita sa Royale Palace. Hindi lang ako ang maagang darating dito bago pa ang party, ang alam ko ay ilan sa mga pinsan ko at ilang kamag-anak ay ngayong araw rin darating.
Saglit akong nag-isip habang pinaghahain ako ng isa sa mga maid ng pagkain sa puting plato na nasa tapat ko.
"Medyo namahay lang po, pero nakatulog din naman po ako. No doubt, I really missed my old room, Grandmama," I said amazingly. Iba pa rin talaga ang pakiramdam na makabalik sa dati ko nang tahanan.
"I'm glad that you liked it, the moment I knew that you're coming, I have your room well organize because I want you to feel really at home just like before, and not to mention that this palace missed you too."
Masuyo akong napangiti. Grandmama's effort didn't surprised me, I know that Lola would do everything just for me.
"Thank you, Grandmama."
Magsisimula na sana kaming kumain nang mapansin kong wala pa si Nichola. Tiningnan ko siya pagtapos kong ilibot ang paningin ko. Malawak ang dining, pero kahit papaano ay abot ng paningin ko ang living room na daan paakyat ng mataas na hagdan patungo sa second floor, at ni-anino nga ni Nichola ay hindi ko pa makita.
"Grandmama, where's Nichola po?"
"Oh, she left so early to meet some of the staff that will help her organizing the party. She wants everything to be perfect so... Anyway, how was the venue? I haven't been there, she said that it will be a surprise."
Naalala ko na naman ang hitsura ng venue, napakaganda nito at sobrang espesyal ng pinagkuhanan ng inspirasyon, and it did made it more special.
"It's very beautiful, Grandmama. I know already that you gonna love it."
"And that statement makes it more exciting."
Nagkatawanan na lang kami. Ipinagpatuloy namin ang pagkukuwentuhan habang kumakain, natigilan lang kami nang may lumapit sa aming isang maid.
"May bisita po kayo, Madame."
Bago pa niya masabi kung sino ay napatingin na kami pareho sa kasunod niyang lalaki. May kasunod pa itong lalaking mukhang alalay niya, may dalang isang pan at basket of fruit.
Damon, Damon Del Valle.
"Oh, Hijo!"
Pormal itong lumapit kay Grandmama. He bent over to kiss her on her cheeks and Grandmama accepted him with an open arms.
"I'm sorry Madame for not returning to your invitation last night for dinner, I just have an appointment meeting," he said after greeting us a good morning.
"It's okay, Hijo. I'm glad that you came today, how was your meeting?"
Pinaupo siya ni Grandmama, pero sa halip na umupo ay lumapit siya sa akin para humalik din sa pisngi ko. Nagulat ako ngunit nagawa ko iyon itago at ngumiti para salubungin siya.
"Nice to see you again, Sabrina."
Tumango ako. "Hi."
Doon niya lang tinanggap ang paanyaya ni Grandmama. Umikot siya upang makaupo sa kabilang gilid ni Grandmama kaya ngayon ay magkatapat kami at magkaharap.
"Well, the meeting went well and the proposal for the new project was good. Pero pinag-aaralan ko pa rin po kung aaprubahan ko," aniya saka bumaling sa kaniyang kasama. "Anyway, I brought something for your breakfast, Madame."
"Wow! Hindi ka na dapat nag-abala pa, but thank you so much." Inutusan ni Grandmama ang isa sa maid na ihain din ang dala ni Damon saka nagpaalam ang lalaking kasama ni Damon na sa labas na maghihintay.
"But you can eat with us," alok ko. Naaalala kong siya ang tumulong kahapon kay Damon sa pagtayo at siya ring inutusan nito kahapon. He's one of his butler, for sure.
Magalang siyang tumanggi sa akin at tumuloy pa rin sa paglabas kaya naman pinahatiran ko na lang siya ng pagkain at kape sa isang maid.
"If you're worried for him, you don't have to. He used to it."
Napatingin ako kay Damon na mukhang kanina pa ako pinapanood habang nakikipag-usap sa maid na magdadala ng pagkain sa kaniyang butler.
Bago pa ako makasagot ay nauna na si Grandmama. "Well, my sweet grandchild is just so sweet and kind to everyone, you know."
"I see," tumatango-tango niyang sang-ayon.
Nagpilit lang ako ng ngiti at sinimulang lagyan ng laman ang plato ni Damon.
"I didn't cook, pero ang nagluto nito ay ang dati nang cook dito at masarap talaga siyang magluto, and her special fried rice, paborito ko."
"Thanks."
Natigilan ako nang napansin kong nakatitig pa rin siya at nakatingala sa akin habang pinagsasandukan ko siya.
"You two looks... Lovely."
"Grandmama!" awat ko kaagad, ngunit hindi nawala ang masaya at pilyang ngiti na naglalaro sa mga labi niya.
"I heard about what happened yesterday. I'm glad that you saved her because I'm more than willing to cancel my birthday celebration if something bad happened to her."
Bumalik na ako sa upuan ko, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa na nag-uusap.
"It's just happened that I was there and it would be a shame if I didn't catch her."
"You're right, she's too precious not to be catch." Bumaling sa akin si Grandmama. "Tell him about your business, Sabrina."
Interesadong bumaling sa akin si Damon. "You're a businesswoman?"
Tumango ako. "Yes, I have my own brand, a luxury accessories brand. Actually, halos kakasimula ko pa lang din at hindi pa ganoon kalaki, katatapos lang din ng ilang deals ko para mas lumawak pa ang pangalan ng brand ko."
"Impressive, what is the name of the brand again?"
"Reyna Royale."
"Like a Queen of Royale?"
Tumango ako. "Yes! It may sounds too ambitious but I wanted to be a queen rather be a princess."
"You could be, just find a right king for you that will let you shine sitting at your throne."
Tumikhim si Grandmama. "Malay mo nasa harap mo na pala siya, hindi ba?"
Ngumiti lang si Damon sa biro na iyon ni Grandmama at tumikim sa pagkain. Obvious naman kasi kung sino ang sinasabi ni Grandmama, si Damon lang naman ang nasa harap ko ngayon. Ngumiti na lang din ako kaysa kumontra.
"Damon, mamaya darating ang iba ko pang mga apo, baka gusto mong makilala ang ilan sa kanila?"
"I would love to, but I have a lot of virtual appointments today. But don't worry Madame, I'll see them right at the party."
"Sure, our whole family is very excited to meet you."
Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko. He is handsome, yes, too appealing, yes. Pero seryoso? Bakit excited silang makilala si Damon? Hindi naman siguro dahil sa nangyari kahapon, right? Kahit na nawiwirduhan ay binalewala ko na lang iyon at sumabay sa usapan nilang dalawa tungkol sa negosyo. Pansin kong magaling makipag-usap si Damon pagdating sa negosyo, wala yatang binanggit o tinanong si Grandmama sa kaniya na hindi niya alam ang sagot. Pansin ko rin na panay ang pagkuwento ni Grandmama tungkol sa akin, kagaya na lang ng mga achievement ko sa school na nasaksihan pa niya noong dito pa kami naninirahan ng magulang ko. Medyo nahihiya na nga ako dahil pakiramdam ko ay nagma-match making si Grandmama. I don't like this, pinapaalala nito na hindi ako puwedeng tumingin sa ibang lalaki dahil sila lang ang may karapatan na mamili para sa akin.
Nang matapos kaming kumain ay hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Damon na aalis na siya, sa akin na siya pinahatid ni Grandmama hanggang sa may labas.
"Thank you for coming today, looks like Grandmama does really like you, and thank you again for yesterday."
Nasa hagdan na kami palabas nang salubungin kami ng butler niya. Sinenyasan niya ito para hintayin na lang siya sa may kotse bago ako hinarap ng nakapamulsa.
"We're business partners so that's normal, and about what happened yesterday, let's just forget it. May masakit ba sa 'yo?"
Umiling ako. "Ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan, mas mukha kang nasaktan."
Umiling siya at ngumiti. "I'm fine, I had a little massage after my meeting last night, so..."
Napatango ako. Of course, sa rami nga naman ng alalay niya kahapon ay imposibleng walang umasikaso sa kaniya sa tinutuluyan niya.
"I gotta go."
Tatalikod na siya nang muli ko siyang tawagin. "Damon, uhm I just want to apologize if it's a little bit awkward."
Nagsalubong ang kilay niya. "Awkward?"
Tumango ako. "Yeah, considering that Grandmama's looks like playing like a cupid earlier. I just thought that it's a little bit uncomfortable for you."
He crossed his arm and stared at me. "Do you have a date tomorrow at the party?"
"W-what?"
Hindi ko alm kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba nang tanungin niya iyon. Siguro dahil kay Fabian? Siya ang gusto kong kasama bukas at napag-usapan na rin namin iyon.
"Maybe she want me to escort you at her birthday, Sabrina."
Umiling ako. "You don't have to. Darating bukas ang kaibigan ko galing sa Maynila at siya ang magiging escort ko. Don't worry, you won't disappoint her because I'll tell her myself that my friend will be there for me."
"To escort you, it means that he's a man? Boyfriend?"
"No!" Nakagat ko ang labi ko nang matunugan ko ang pagiging defensive ko sa sarili ko. "I mean- I can't have a boyfriend-"
"Because of your family marriage tradition?"
Tiningnan ko lang siya. He's not asking, he's just confirming it. What the hell? Bakit parang alam niya ang nasa isip ko, o sadyang alam niya lang at kabisado ang pamilya namin?
"That kind of family tradition isn't new to me, Sabrina. Anytime soon my family can find a girl for my own sake and I won't gonna stop them, so it's normal. But it's also normal if you explore your youth while you're not engaged."
Napahawak lang ako sa may batok ko at napaiwas ng tingin. Pareho lang sila ng nais iparating ni Nichola. Para tuloy gusto ko nang kuhestyonin ang mga desisyon ko sa buong buhay ko.
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang pagtawa niya, nang makita ko ang mukha niya ay roon ko nakita ang mukha niyang hindi makapaniwala, nakaawang pa ang labi niya at masusi akong pinagmamasdan.
"Don't tell me you never experience dating anyone before?"
Hindi ako sumagot, but I guess he get it, silence means yes, halatang-halata sa klase ng ngiting ibinigay niya sa akin.
"Flirt? Flings?"
Umiling ako. "Is there something wrong with that?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko lang ma-imagine na walang lalaking sumubok na kunin ka. You're beautiful, Sabrina. Kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa 'yo at gagawin ang lahat makuha lang ang matamis mong oo. So I wonder, how's that happened? You not being loved by someone."
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kung ano. Parang natutunaw ang puso ko sa init na iyon. Maybe it's just me, pero iba siguro talaga kung sasabihan ka ng ganito ng isang lalaki. Halos buong buhay ko ay umiwas ako sa lalaki, bago pa sila makaporma sa akin ay lumalayo na ako. Si Fabian nga lang ang lalaking hindi ko iniwasan, pero pigil naman akong magpakita ng signs sa kaniya ng tungkol sa nararamdaman ko, maging siya ay nararamdaman kong pinipigilan din niya. Kaya siguro pakiramdam ko ay first time kong makatanggap ng ganitong klaseng compliment mula sa isang lalaki. Ang sarap pala sa pakiramdam.
"I'll take that as a compliment."
Maya-maya ay lumapit na sa amin ang lalaking kasama niya. I still don't know his name, hindi rin naman kasi nag-abala si Damon na ipakilala ito sa amin kanina.
"Sir Damon, male-late ka na po sa meeting mo kay Mr. Chua."
Tumango sa kaniya si Damon at muling bumaling sa akin. "I'll go ahead."
Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko mapigilang mapakapit sa may braso niya at langhapin ang mabango at panlalaki niyang pabango. Ang sarap sa ilong, pero hindi pa iyon ang nakapagpabato sa akin, kundi ang pagdikit ng labi niya sa pisngi ko. Hindi lang pisngi ang dumikit sa akin kagaya ng kanina niyang pagbati, and it made my heart jump.
"See you tomorrow, Sabrina."