Chapter 5:

1154 Words
Chapter 5: SABRINA "REALLY? Ang suwerte mo naman," komento ni Nichola saka siko sa akin na may halong panunukso. Natawa ako sa kaniya dahil para bang naiinggit siya sa akin, at the same time ay parang tuwang-tuwa rin naman siya. Nakauwi na siya galing sa pakikipagkita niya sa ilang organizer ng party. Umuwi siya nang maaga dahil dapat ay nandito siya para salubungin ang mga kamag-anak namin na darating ngayong araw. Ang ilan ay nakarating na at nakaabot ng tanghalian, ang ilan naman ay mamaya nang dinner makararating. Habang abala ang ilan sa pakikipagkumustahan sa mga kamag-anak na ngayon lang ulit nagkita-kita ay nakuwento ko sa kaniya ang tungkol kay Damon kaninang umaga. Binanggit din kasi ni Grandmama na nandito siya kanina at nakasabay namin sa breakfast. They're all seems so thrilled to hear about it. Kaya naman ang mapanukso kong pinsan na si Nichola ay sinolo ako para makipagkuwentuhan tungkol doon, well, not really solo because my sister is with us. "'Wag mong bigyan ng malisya, magkikita naman talaga kami bukas sa party, or else sa sobrang dami ng guest ay hindi kami magtagpo," kibit-balikat ko. "Talaga? E, 'yong kiss? Hindi ko rin bibigyan ng malisya?" "Nag-kiss kayo?!" gulat na singit ni Samantha at umupo na sa tabi ko. Nakarating na rin si Samantha at sina Dad. Medyo disappointed nga ako dahil akala ko kasabay nila sina Fabian papunta rito, hindi pala. Ang kasabay ni Fabian ay ang magulang niya at bukas pa sa mismong party sila darating. Hindi na rin nakapagtataka dahil pamilya lang naman namin ang dumating ngayong araw hindi kasama ang mga malalapit na kaibigan ng mga magulang namin. "No! It's just a goodbye kiss, actually more like a beso." "With lips," maarteng dugtong ni Nichola. "Shut up!" Natatawang hinampas ko ng unan si Nichola. Mali itong nararamdaman ko, nadadala ako ng pang-aasar sa akin ni Nichola. Natigilan kami sa pag-aasaran nang mapansin ko ang panliliit ng mga mata ni Samantha habang nakatingin sa amin. "What?" "Baka magselos si Kuya Fabian niyan, isipin niya may gusto ka kay Damon Del Valle." Nakita kong tumaas ang kilay ni Nichola. "And who's that Fabian?" Napangiwi ako. Sa tagal na rin naming magkahiwalay ni Nichola ay hindi ko na sa kaniya naikuwento ang mga personal na bagay, kagaya na lang ng pagiging malapit namin ni Fabian. Nagkakausap pa naman kami pero hindi tungkol sa mga personal na bagay kagaya nito. "Akala ko wala kang boyfriend?" "Wala nga," sagot ko saka tumingin sa paligid. Nasa may veranda kami kung saan may mini living room, habang nasa totoong living room naman ang mga kamag-anak namin. I have to make sure na walang makakarinig sa amin. Mahirap na't baka kung anong isipin nila. Ang pinsan namin sa Maynila ay alam na kaibigan ko si Fabian, at ayokong mag-isip sila ng iba sa susunod na makita nila ulit kaming magkasama. After all ay pinapangatawanan ko pa rin ang rules na ibinigay ko sa sarili ko. Hindi ako maaring pumasok sa isang relasyon. "Kaibigan ko lang si Fabian. I'm sure familiar siya sa 'yo, Fabian Angelos." "Oh my God! The model and business man Fabian Angelos? Anak siya ng best friend ni Tita, right?" Tumango ako. "Yes, kaya kami nagkakilala." "At kaya rin sila naging super close, almost dating," singit ni Samantha. Minatahan ko lang siya pero ngumisi lang siya sa akin. Muli kong binalingan si Nichola nang muli siyang magsalita. "Kaya naman pala hindi umeepekto sa 'yo ang s*x appeal ni Damon Del Valle, may iba na palang bumihag sa 'yo. So, bakit almost lang?" "I already told you, hindi puwede." "And I already told you that you can." "Yes, which is why I'm planning to confess at him." "Really Ate? Oh my God!" Nadama ko ang suporta ni Samantha dahil sa excitement niyang hindi niya itinago. Natatawang umiling ako. "Hindi pa rin ako sigurado, pinag-iisipan ko pa. Twenty-three na ako at hindi ko alam kung puwede ko pang subukan na pumasok sa isang relasyon. Baka huli na." Hinawakan ako sa balikat ni Nichola. "It's okay, alam mo bang ang magulang ko ay kinasal noong 30s na sila? Malay mo ikaw rin." "Oo nga, Ate. Pati naman sina Mommy late na rin nagpakasal." "Hmp! Kaya ikaw lumalandi pa?" "Ito naman, date date lang iyon. Nothing's serous." Tinaasan ko lang ng kilay ang kapatid ko. I'm three years older than her, pero mas mukha pa siyang may experience kaysa sa akin huh. "Tama lang 'yan, Sam. Ganiyan naman talaga dapat, flings lang, date, pero huwag seseryosohin dahil baka dumating ang araw na kailanganin mo nang maipakasal sa iba, hindi mo pa siya maiwanan." Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Nichola. Huwag seseryosohin? Pero paano kung hindi ko naman gustong umamin na kay Fabian para lang lumandi o magka-experience na mapunta sa isang relationships? I love him, at hindi ko planong makipaglaro lang. *** "So, I heard that you and Damon met?" Halos mapapitlag ako nang bigla na lang magsalita si Mommy sa may likuran ko. Nandito ako ngayon sa balcony. Kasalukuyan pa rin na magkakasama ang pamilya namin habang ako ay nagpasya munang lumabas dito para lumanghap ng sariwang hangin. Pagtapos kasi naming mag-usap nina Nichola ay hindi na nawala sa isipan ko ang huli naming napag-usapan, tungkol kay Fabian. Pakiramdam ko ay huli na para umamin pa ako sa kaniya. Tama si Nichola, kung makikipagrelasyon ako ay hindi maaring lumalim iyon dahil anytime soon ay makakapagpasya na sina Dad kung sino ang dapat kong pakasalan. Para ko nang pinaglaruan si Fabian kung sasabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi ko naman kayang panindigan. Pero gusto ko pa rin sa kaniyang aminin ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang susundin ko. Nagpilit ako ng ngiti kay Mommy. Ayokong mahalata niya ang malalim kong iniisip. Ayokong magtanong siya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Yes, Mom." Masuyo siyang nguniti. "So, what can you say about him?" "Po?" "Did he asked you out?" Dahan-dahan akong umiling habang inoobserbahan ang klase ng ngiti at tingin na ibinibigay niya sa akin. It seems like she's hoping for something between us. "Mom, we just met, it's too early for that." Nakita ko ang gulat sa kaniya, na para bang hindi makapaniwala sa sagot ko. Totoo naman, hindi ba? Kahapon lang kami nagkakilala at sa isang aksidente pa, imposibleng mauwi kami kaagad sa date, right? Hinagod niya ang buhok kong nakaladlad lang sa may balikat ko pababa. "You're too old fashion, Sweetheart. Saan mo ba sa palagay nagsisimula ang dating? Ang relasyon? I just thought na iyon ang simula ninyo, anak. Love can be anywhere, sweety." Tiningnan ko lang siya. Masuyo lang siyang ngumiti saka na ako iniwan. Napabuntong-hininga na lang ako. Am I really an old fashion? Saan nga ba dapat magsimula ang pag-ibig? Kasi nagsimula ang pagtingin ko kay Fabian ay sa pakikipagkaibigan namin. Friendship is the best foundation of love, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD