Chapter 6:
SABRINA
NATUTUWA akong makita si Grandmama nang halos maiyak siya sa kagalakan nang makita niya ang venue ng birthday party niya. Si Nichola rin ay naiyak dahil doon. Hindi naman nakapagtataka dahil talagang maaalala ni Grandmama ang tahanan nila ni Grandpapa sa London dahil dito. Ang pag-iibigan nina Grandmama at Grandpapa ay tila isang real life fairytale. Para silang isang prinsipe't prinsesa na itinadhana para sa isa't isa. Una nang nagkakilala sina Grandmama at Grandpapa noon, nagkagustuhan hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ang akala raw nila ay kakailanganin pa nilang bitiwan ang lahat ng meron sila huwag lang silang magkahiwalay, pero nagulat na lang sila nang sabihin ng kanilang magulang na nasa loob na pala sila ng isang fix marriage. Para bang tadhana na ang nag-adjust para sa pag-iibigan nilang dalawa.
Lahat kami ay alam ang love story ng aming mahal na Grandmama at Grandpapa, paanong hindi e kung mailalagay lang sa story book ang kuwento nila ay malamang ginawa niya na. Noong buhay pa si Grandpapa ay palagi niya iyon inaalala at lahat naman kaming apo nilang lumaki sa kanila ay gustong-gusto silang pinakikinggan. Unfortunately, naunang binawi sa amin si Grandpapa, pero kahit kailan ay hindi naman tumigil si Grandmama sa pag-alala sa kanilang nakaraan, at hanggang ngayon ay willing kaming makinig sa kaniya.
Kaya hindi na nakakagulat kung maging emosyonal si Grandmama ngayong para siyang naibalik ni Nichola sa kanilang dating tahanan. Kahit kasi na matagal nang wala si Grandpapa ay hindi pa rin siya tumigil sa pagmamahal dito, pati kaming mga apo niya.
"You know what, everything's almost perfect. Just almost," bulong sa akin ni Grandmama.
Nasa isang table kami at kasalukuyang kumakain. May ilang mga bisita ang dumadayo sa aming table para batiin si Grandmama ng happy birthday, o 'di kaya ay para ayain kaming sumayaw. Sa katunayan ay kababalik ko lang din galing sa pakikipagsayaw sa isang apo ng kaibigan ni Lola. May ilan din na nag-aya kay Grandmama na sumayaw pero hindi rin nagtatagal. Matanda na rin kasi siya kaya hindi niya na kayang magtagal na nakatayo, pero bilang siya ang birthday celebrant at sayang ang magara niyang gown ay tinatanggap niya na rin iyon. She looks like a queen in her white and gold long gown, her hair accessory is looks like a tiara which made by my brand and designed by me. It was made three months ago. Pinag-usapan pa namin ni Nichola kung anong theme at ang magiging design ng gown ni Grandmama upang bumagay ang gagawin kong tiara para sa kaniya. That's my gift for her.
Ibinaba ko ang glass of wine na ininom ko at mabilisang tiningnan ang kapaligiran bago ibinalik ang tingin kay Grandmama. Bukod sa bulong lang ang sinabi niya ay halos maingay din ang tunog ng orchestra sa kapaligiran kaya sigurado akong kami lang ang nagkakarinigan.
"Almost perfect po? Why? Don't you like the food, the themes, the musics?" I asked worryingly. Nichola spent all of her effort for this party, sayang kung hindi nagustuhan ni Grandmama.
Marahan siyang umiling. "Of course I like it, I love everything that Nichola put in here. But your Kuya Ale isn't here."
Halos bumagsak ang balikat ko. Right, hindi talaga nakarating si Kuya Ale dahil sa rami raw ng kailangan niyang asikasuhin. Kompleto lahat ng apo ni Grandmama, siya lang ang wala.
Kinuha ko ang purse ko. "I'll call him so you can talk to him at least, Grandmama."
Hinawakan ako sa kamay ni Grandmama at tumango. "Thank you, sweetheart."
Masuyo akong ngumiti at iniwan na muna siya sa table. Dumiretso ako sa balcony kung saan kahit papaano ay tahimik para matawagan si Kuya, pero puro ring lang, hindi naman niya sinasagot. Anong oras na ba sa London ngayon?
Oras sana ang titingnan ko, nang maligaw ang mata ko sa message notification. Binuksan ko iyon at muling binasa ang message na na-received ko kanina galing kay Fabian. Nagkaroon daw ng minor issue sa office kaya mala-late siya ng dating. Dalawang oras na mula nang magsimula ang party pero wala pa rin siya. Makakaabot pa kaya siya?
Pakiramdam ko tuloy ay nasayang ang pag-aayos ko dahil wala naman siya. Inaamin ko, na habang nag-aayos ako ay siya ang nasa isip ko, ang magiging reaksyon niya, ang mararamdaman niya. Nagpaganda ako para sa kaniya, but he's not here. Hinawi ko ang kulot kong buhok na nakaladlad lang sa balikat ko saka bumuntong-hininga. Grandmama was right, this party was just almost perfect.
"What are you doing here alone? Waiting for your date?"
Napahawak ako sa may dibdib ko dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita sa may likuran ko. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Damon na may hawak na glass of champagne. Nakita kong napatingin siya sa kamay ko at mukhang nakahalata.
"I'm sorry, nagulat ba kita?"
Umiling ako at ngumiti upang maitago ang gulat ko at maitanggi.
"Not really, mas nagulat ako na alam mong may hinihintay ako."
Mas lumapit siya sa akin at pumuwesto sa gilid ko. Hinarap ko lang siya nang bahagya.
"Ang sabi mo kasi kahapon ay may date ka na, pero kung meron ay hindi ka dapat mag-isa ngayon dito."
Dahan-dahan akong napatango. He remember.
"Well, he's late."
"I should've escort you while he's not here, then."
Pinagmasdan ko siya at tinaasan ng kilay. "Not being too demanding, but why didn't you come to me earlier? Ask me for a dance?"
Sa totoo lang, kanina habang inaaya ako ng kung sinu-sino na sumayaw ay siya talaga ang hinihintay ko. I mean, we had a moment yesterday, that could mean anything, right?
Ngumiti siya at inilapag ang champagne niya sa ledge ng balcony. Hindi ko mapigilang mapatitig sa ngiti niya. Mas lalo siyang gumwapo sa kaniyang gray three piece suit. His clean cut hair, unshaven face, it's all making him more manly and handsome.
"I didn't saw you at the table, every time I'm looking at you, you're already dancing with someone else. It's like every guy here wants to hold you."
Tinagiliran ko siya ng ulo at bahagya siyang tinawanan dahil akala ko ay nagbibiro lang siya, pero mas lumapit pa siya sa akin na seryoso pa rin ang tingin sa akin. That's when I realized that he's serious.
"So, when I saw you went out, I followed you."
Napatango ako. "Yeah! I was calling my brother since he didn't manage to be here, and this night can't be perfect for Grandmama without him." Tiningnan ko ang cellphone ko. "But he's not answering."
"So maybe we can just go back inside and let's just have a dance? Ngayon ka lang nabakante."
Natawa ako sa kaniya. Aaminin ko na hinintay ko rin talaga siya mula kanina, so para saan pa kung tatanggi ako ngayon, hindi ba?
Inilahad niya ang kamay niya sa akin at nagtaas ng isang kilay. "Shall we?"
Tatanggapin ko pa lang sana ang kamay niya nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Umaasa na baka si Kuya Ale na iyon kaya tiningnan ko kaagad ang caller, pero halos tumalon ang puso ko nang makitang si Fabian ang tumatawag.
Tiningnan ko si Damon at nag-excuse bago sinagot ang tawag. He just gave me a go signal.
"Hey, Fabian!"
"Hey? Napaghintay ba kita masyado, naiinip ka na 'no?"
"No! It's okay, hindi naman ako naiinip."
"Really? Kaya pala may kausap ka nang iba."
Otomatikong napatingin ako kay Damon dahil sa sinabi ni Fabian. Nakatingin lang siya sa akin na tila inoobserbahan ang pag-uusap namin at nakikinig.
"How did you know? Are you..."
"Look down."
Sinunod ko si Fabian at tumingin nga sa ibaba, doon ay nakita ko si Fabian na nasa ibaba nga at nakatingala nga sa amin habang nasa may tainga niya rin ang cellphone niya. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala, pero nang kumaway siya sa akin ay malawak na akong napangiti.
"You came!" bulalas ko.
"Of course, for you. Am I too late?"
Umiling ako sa kaniya. Hindi pa rin namin binababa ang tawag at magkausap pa rin doon kahit nagkakakitaan na kami. Sa buong party ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galak, except noong nakita ko kung gaano kasaya si Grandmama kanina nang makita ang venue, but over all ay ngayon ko lang naramdaman na mae-enjoy ko ang party. Kahit pa patapos na ito, at least siya ang last dance ko, right?
"Hintayin mo ako diyan, I'll go down there."
"Sure."
Binaba ko na ang tawag. Maglalakad na sana ako paalis nang mapatingin ako kay Damon. s**t! Nakalimutan kong nandito nga pala siya sa tabi ko, at inaaya akong sumayaw.
Lumayo ako sa ledge upang hindi ako matanaw ni Fabian mula sa ibaba, hinila ko rin si Damon palapit sa akin. Base sa ekspresyon niya ay mukhang alam niya na ang susunod kong sasabihin.
"I'm sorry."
"That's your friend, your date tonight?"
Kagat ko ang labi ko nang dahan-dahan akong tumango. I felt so guilty about it. I technically rejecting his offer to dance.
"It's okay, just enjoy your night with him."
Napabuntong-hininga ako. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Tumango na lang siya sa akin at kinuha ang champagne niya sa ledge saka na ako tinalikuran, pero bago pa siya makapasok nang tuluyan sa loob ay muli niya akong nilingon.
"By the way, you look so beautiful tonight, Sabrina."
Tumango ako. "Thank you. You look handsome."
One last nod at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob, naiwan akong pinapanood lang ang kaniyang likod papalayo. Ewan ko ba, pero alam ko naman na si Fabian ang pupuntahan ko kaya ko siya ni-reject, pero bakit nanghihinayang pa rin ako?
***
"HE likes you," tila determinado at siguradong sabi ni Fabian.
Naglalakad kami sa garden habang nagkukuwentuhan. Alam niyang late na siya at patapos na ang party kaya nahiya na siyang pumasok sa loob, aware din naman kasi siya sa pagiging kilala niya bilang businessman at model kaya alam niyang makakaagaw siya ng pansin. Ang sabi ko ay kumain na muna siya pero ayaw niya, susulitin niya na lang daw ang oras dahil baka raw pagtapos ng party ay masyado na naman akong maging abala sa business ko at hindi na naman kami magkita, ganoon din siya sa sariling trabaho niya.
"'Wag mo na ngang bigyan ng malisya, kahit naman anong tingin niya sa akin ay hindi naman kami pareho."
Nasabi ko kasi sa kaniya na ang kasama ko kanina sa balcony ay iyong kinukuwento ko rin sa kaniya noong isang araw. Nasabi ko rin sa kaniya ang nangyari kahapon matapos naming mag-breakfast, kaya hayan at kumbinsido siyang may gusto sa akin si Damon. Pero gusto ko lang kontrahin iyon dahil pakiramdam ko ay kailangan bago pa niya maisip na maaring may mamuong relasyon sa amin ni Damon. Hindi iyon makagaganda sa plano kong pag-amin ng nararamdaman ko sa kaniya. Kumukuha pa ako ng tyempo kaya hindi ko pa masabi. Bukod sa kinakabahan ay nahihiya rin ako. Tama bang ako ang unang aamin kahit ako ang babae?
Alam kong modern na ngayon at malamang kung maririnig ako ngayon ni Mommy ay sasabihan niya na naman akong old fashion, pero ano bang magagawa ko? Hindi ako komportable sa kung anong uso ngayon.
"Sigurado ka, hindi mo siya gusto? E, kilala ko iyang si Damon Del Valle, na 'yan, e, maraming babaeng nauuto iyan."
Humalukipkip ako. "Hindi ako isa sa kanila."
"Good."
"Ha?"
"Wala, sabi ko 'okay."
Napailing na lang ako sa kaniya at nagpigil ng ngiti. Ang totoo ay narinig ko ang sinabi niya, pakiramdam ko tuloy ay nagseselos siya. That's a good sign for me.
"Ate Sab!"
Pareho kaming napatingin sa pinanggilan ng boses na tumawag sa akin. It was Samantha. Palapit siya sa amin kaya sinalubong na namin siya. She greeted Fabian first before look at me.
"Matatapos na ang party, hinahanap ka nina Grandmama."
Binalingan ko si Fabian. "Maybe that's for the closing toast of the party. Come with us."
Hindi na siya tumanggi sa paanyaya kong iyon at sumama na sa amin. Pagpasok namin ay nasa mini stage na sina Grandmama kasama sina Daddy at Mommy, meron pang dalawang mukhang kaedaran nina Mommy na hindi ko kilala. Nagpapasalamat na siya sa mga dumalo habang may hawak na champagne.
"And lastly, before I officially end this party, I would like to share a special announcement to all of you. This year will be a special year for both Royale and Del Valle, because this year will be the grand wedding of our heir and heiress."
Natigilan ako sa sinabi ni Grandmama. Grabd wedding? Heir and heiress?Lumapit sa akin si Damon. Naguguluhan na tiningnan ko siya.
"What's happening?" Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ko.
"Just do what they'll say, Sabrina," seryoso niyang tugon.
"Damon Kyle Del Valle and Sabrina Shannon Royale."
Nang banggitin na ni Grandmama ang pangalan ko ay doon lang tuluyang nagproseso sa akin ang lahat. Dumating na ang ikinatatakot ko. It was too late.