NAKAPIKIT si Shielo habang ang dalawa naman niyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay tumigil din sa pagtib*k ang puso niya ngayon. Nang tuluyang huminto ang sports car ni Brent, dahan-dahang niyang ibinaba ang mga kamay at saka dumilat. Kung kanina ay tumigil ang puso niya, ngayon naman ay sobrang lakas at bilis ng kabog niyon. Para na siyang mabibingi. Ngunit kahit papaano ay nakahinga rin siya ng maluwang dahil nakatayo pa rin doon si Ninong Jax habang madilim na madilim ang mukhang nakatingin sa kanila. Lumapit ito sa kotse. “Get off that car, Shielo! Now!” Hindi siya makagalaw. Nangangatog ang mga tuhod siya. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Akala niya talaga ay mamamatay na ito kanina! Nang makita nitong hindi siya kumikilos ay ito na mismo ang

