MALAPAD ang ngiti ni Shielo nang ipakita niay ang ID sa entrance ng Nocturne Bar. Ito ang gusto niya sa pagiging eighteen. Legal na siyang nakakapasok sa mga ganitong lugar.
Nagsuot lamang siya ng napakaiksing tube dress na kulay pula. Hapit na hapit iyon sa katawan niya kaya naman pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao lalo na ng mga lalaking naroroon.
Ngumiti siya at mas lalong pinag-igihan ang pagkendeng-kendeng habang naglalakad. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Ninong Jax.
“Hi, Miss, care for a drink?” May lumapit sa kanya na isang lalaki na mukhang college student din at malagkit ang tingin sa kanya ngunint umiling siya rito.
“No, may kasama ako,” agad niyang sagot.
Umalis naman kaagad ito kaya nagpatuloy siya sa paghahanap sa kanyang ninong hanggang sa namataan niya ito sa pinaka-corner ng bar. May kasama itong limang tao kabilang na roon ang librarian na si Ms. Anna.
Nagtatawanan ang grupo ngunit kapansin-pansin ang pagkatahimik ni Ninong Jax. Hindi ito nakikipag-usap at hindi rin halos ngumingiti. Patuloy lamang ito sa pag-inom sa hawak na bote ng beer.
Mayamaya ay napatingin sa gawi niya ang lalaki. Halatang nagulat ito nang makita siya. Nginitian niya ito ng matamis at kinawayan.
Pakendeng-kendeng ulit siyang naglakad papunta sa serving counter at naupo roon. Siniguro niyang perpekto ang kanyang postura habang nakaupo. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok papunta sa isang gilid, saka nilingon si Ninong Jax at muli itong nginitian.
Ngunit umiwas na ito ng tingin at bahagyang dumilim ang mukha.
You can ignore me all you want, Ninong Jax. Magiging akin ka rin sa huli.
Um-order siya ng drinks.
Mayamaya ay lumapit ulit iyong lalaki kanina na nagyaya sa kanya.
“Matagal pa ba kasama mo, Miss? Mukhang kanina ka pa ah. Gusto mo samahan muna kita?”
“No, thank you,” aniya na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Naka-pokus kasi siya sa Ninong Jax niya.
Tumawa ng mahina ang lalaki. “Ayaw mo lang yata akong makausap, Miss.”
Tiningnan niya ito na blanko ang mukha. “Good. Buti na-gets mo rin.”
Nag-iba ang timpla ng mukha nito. “Ang sungit mo naman.”
Hindi na niya ito pinansin. Nakita niyang tumayo si Ninong Jax papunta sa restrooms kaya napatayo na rin siya at sinundan ito.
Nagulat siya dahil hindi pala itoi pumasok sa loob ng CR. Mukhang inabangan talaga siya nito sa labas.
“Hi, Ninong!”
“What are you doing here, Shielo?” malamig nitong tanong.
“Uhmm… drinking?” aniya sabay ngiti ng matamis.
Bumuga ito ng hangin at sinipat ang suot niya ng damit. Halatang hindi nito nagustuhan iyon.
“Wala ka na ba talagang ibang maisuot na damit?”
“Why? What’s wrong with my dress? Ang ganda kaya,” aniya na tiningnan pa iyon.
“You look like a wh*re!”
She gasped dramatically. “Ninong, bad ‘yan ha. Nagandahan lang naman ako rito sa damit ko. Bakit, naapektuhan ka ba sa suot ko, Ninong?”
“Hindi mo ba nakikita ang mga lalaking nakatingin sa ‘yo?!” medyo tumaas ang boses nito.
Tinitigan siya ito at saka dahan-dahang ngumiti. “Nagseselos ka po?”
Sumimangot ang guwapo nitong mukha. “Estudyante ka ng Northbridge, Shielo. Hindi magandang tingnan para sa isang estudyanteng katulad mo.”
Humalukipkip siya. “Year 2025 na tayo, Ninong. May karapatan na kaming magsuot kung ano ang gusto namin.”
“But it doesn’t mean wala nang consequences iyon!”
“Like what?!” Bigla siyang lumapit dito na halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. “Na baka hindi n’yo mapigilang mga lalaki ang maakit kapag nakakakita ng ganitong suot ng babae?”
He breathed heavily. Hindi niya alam kung dala ba iyon ng inis nito sa kanya o dahil naaapektuhan din ito ng paglalapit ng mga katawan nila.
Umatras si Ninong Jax.
“Act properly, Shielo. Hindi ka na bata.”
“Exactly, Ninong. Hindi na po ako bata. I am a young woman now. I can choose to wear anything I want. At hindi ko na po kontrolado iyon kung may mga lalaki mang maaakit sa akin.” Kinagat niya ang ibabang labi habang tinitingnan naman ang labi nito.
“Just go home, Shielo!”
Lumabi siya. “No.”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Namumula na ang mukha ng lalaki.
“At bakit din po ba kayo palaging galit sa akin?”
Hinilot nito ang sentido. “Just stay out of trouble, Shielo.” Hinubad nito ang suot na leather jacket at inabot sa kanya. “And wear that.”
Bigla siyang napangiti at inamoy iyon.
Nakadikit pa roon ang amoy ni Ninong Jax kaya tuwang-tuwa siya.
“Ang sabi ko suotin mo. Hindi amuyin,” inis nitong wika.
“Sige, Ninong.” Sinuot nga niya ang jacket. “Para mo na rin akong niyayakap nito.”
Natigilan ang lalaki pagkatapos pero hindi na lamang nagsalita at tumalikod na.
“Wait, Ninong! Puwede mo ba akong samahan?” malambing niyang pakiusap.
“May mga kasama ako.”
“Sino po? Iyong librarian na mukhang white lady?”
“Shielo, watch your mouth!”
“Ikaw na lang po ang mag-watch ng mouth ko, Ninong.” Bigla siyang tumingkayad at hinila ito sa batok. Sobrang lapit na lamang ng mukha nila sa isa’t isa. Kitang-kita na niya ang napakagandang kulay ng mga mata nito na para bang kumikislap-kislap pa kahit mukha itong galit.
“Ayan, Ninong. You can watch my mouth all you want,” she whispered seductively.
Bigla siya nitong itinulak pagkatapos ay mahigpit na hinawakan sa kamay.
“Umuwi ka na!”
“Wait, Ninong!”
Ngunit hinila na siya nito palabas ng bar kahit anong pagpumiglas niya.
“Miss, are you okay? Is this man bothering you?”
Nagulat silang dalawa ni Ninong Jax nang lumapit ang lalaking kanina pa kumakausap kay Shielo.
“Go away!” singhal ni Ninong Jax.
Hinawakan ng lalaki ang kabilang kamay ni Shielo. “Ayaw naman yatang sumama sa ‘yo ng babae.”
“She’s my goddaughter, kaya huwag kang makialam dito! Pinapauwi ko lang siya.”
Pagkatapos niyon ay pumara na si Ninong Jax ng taxi at mabilis na pinapasok ang dalaga.
“Go straight home, young lady!” banta pa nito bago isara ang pintuan.
Nang makaalis na ang taxi, nagtagisan pa ng tingin ang dalawang lalaki bago pumasok ulit sa bar si Ninong Jax at bumalik sa mga kasamahan nito.
Ngunit hindi ito mapakali habang nakaupo roon. Parang may kung anong gumugulo rito. Pinagala niya ang tingin sa bar. Wala na ang lalaki roon.
He cursed under his breath.
“I have to go,” aniya sa mga kasamahan.
Bago pa man makapagtanong ang mga ito kung bakit, mabilis na siyang nakalabas ng bar.