Chapter 7

1226 Words
Chapter 7 NAKASIMANGOT si Shielo nang bumaba ng taxi sa harap ng low-rise condo na nirerentahan niya. Hindi man lang siya naka-score kay Ninong Jax. Sana pala ay ninakawan na niya ito ng halik kanina noong nagkalapit ang mukha nila. Mukhang hindi rin nito nagustuhan ang suot niya. Nag-effort pa naman talaga siya sa outfit at makeup niya ngayon. Maraming mga building sa loob ng condominium compound na iyon. Sa ganitong oras ay tahimik na ang paligid at halos wala nang mga taong lumalabas maliban na lang sa minsanang dumadaan na mga sasakyan. Wala ring security kada building. Ang mayroon lamang ay doon sa mismong gate. Papasok na sana siya sa loob ng building nang may humintong motor kaya excited niya iyong nilingon. “Ninong!” Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya nang ma-realize na hindi iyon ang ninong niya, kundi ang lalaking kumakausap sa kanya sa bar! Bumaba ito ng motor at naghubad ng helmet. “Hi, Miss Sungit.” “Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?” Tumaas ang isang kilay niya. “Sinisiguro ko lang naman na nakauwi ka ng safe.” Lumapit ito sa kanya. “At sino ka para sundan ako?” Pinag-krus niya ang mga braso at sinimangutan ito. Natuwa pa naman sana siya sa pag-aakalang ang ninong na niya ang nakasunod! “Bakit ba ang sungit-sungit mo, Miss? Ako na nga itong nagmamagandang loob.” “Excuse me, wala akong natatandaan na nakiusap ako sa ‘yo na bantayan mo ako. So puwede ba? Umalis ka na.” Tumalikod na siya at akmang papasok na. Ngunit bigla siya nitong hinila sa braso. “Bakit? Magkano ka ba para lang makausap kita ng maayos?” Napaawang ang bibig niya at binigyan ito ng mag-asawang sampal. “You can never afford me!” asik niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. “Pakipot ka pa. Eh sa damit mo pa lang, halata namang naghahanap ka na ng customer.” Tinadyakan niya ito sa paa ngunit mas lalo itong nagalit. Inilapit nito ang mukha at sinubukang sakupin ang bibig niya ngunit mabilis niyang naiwas iyon kaya sa pisngi iyon dumapo. “Arrrggh! Kadiri ka! Get off me!” sigaw niya habang nagpupumiglas. Sa lahat ng pinakaayaw niya ay mahawakan siya ng ibang lalaki. Sana may mga gising pa sa first floor na makarinig sa kanya at tulungan siya! “Arte-arte mo! Halika dito sa motor ko! Sakay!” Hinila siya nito. Bigla siyang natakot at nagsisisigaw. Ngunit may biglang dumating na motor at huminto sa tapat nila. Mabilis na bumaba ang rider niyon at agad na sinuntok sa mukha ang lalaking humihila kay Shielo. Hindi pa man nito nahuhubad ang helmet ay kilala na niya agad ito. “Ninong Jax!” halos maluha-luha niyang sambit. Bumuwelo rin ang isang lalaki at gaganti sana kay Ninong ngunit nakaiwas kaagad ito at muling binirahan ng suntok ang hindi kilalang lalaki. Bumulagta ito sa semento. Ilang segundo itong hindi gumalaw kaya akala ni Shielo ay nahimatay ito, ngunit kapagkuwan ay dali-daling bumangon at sumakay ng motor. “Mga p*tang ina n’yo!” sigaw pa nito habang umaalis. “Gagantihan ko kayong mga g*go kayo!” Takot na napayakap si Shielo sa ninong niya at hindi naman ito umiwas. “N-Ninong, I’m scared.” At totoo naman ‘yon. Ngayon wala na ang lalaking iyon ay saka niya naramdaman ang matinding napanginginig ng katawan. Akala niya ay madudukot na siya o kung ano pa man! “Umakyat ka na sa unit mo,” mayamaya ay utos ni Ninong Jax. Mabilis siyang umiling. “N-Natatakot ako.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Fine. Ihahatid kita.” Wala silang imikan habang lulan ng elevator. For the first time, parang hindi niya naisipang landiin ang ninong niya habang kasama ito at silang dalawa lamang doon. Mas nanaig ang trauma niya sa naranasan kanina lalo na’t niyakap pa siya nitong hinalikan nang walang permiso niya. Gusto niyang magwala sa galit. Nasa fifth floor ang unit niya. Iyon na ang pinaka top floor ng building. Studio unit lamang iyon dahil iyon lang naman ang afford niya sa kanyang budget. Gaya nga ng sabi niya kay Ninong Jax, naglayas siya sa kanila. Hindi siya nagpaalam sa mga magulang niya na uuwi siya ng Pilipinas at dito mag-aaral dahil baka magwala na naman ang daddy niya. Mayroon siyang kaunting naipon sa mga allowance niya noon at maging sa pagpa-part time job. Madali lang naman kasing makahanap ng part-time doon sa America at kung ico-convert sa pera dito sa Pilipinas ay may kalakihan din iyon. Sapat na para mabuhay siya nang komportable dito sa Pilipinas ng isang taon. Saka na niya poproblemahin kung saan siya kukuha ng pera pagkatapos niyon. Siguro ay maghahanap na lang din siya ng trabaho rito sa Pilipinas habang nag-aaral siya sa kolehiyo. Magaling siyang mag-English kaya tiyak maraming tatanggap sa kanya na mga call center o hindi kaya ay virtual assistant jobs. Nang pumasok sila sa loob ng unit niya ay kapansin-pansin pa rin ang katahimikan nilang dalawa. Mukhang hindi rin nito alam angn sasabihin sa kanya para kumalma siya. “G-Gusto mo ba ng kape, Ninong?” Umiling ito habang tinitingnan ang kabuuan ng condo ni Shielo. “No, thank you.” Umupo siya sa kama habang nakatayo naman ito sa may kusina malapit sa pintuan. “Baka gusto mo munang umupo,” yaya niya at itinuro ang nag-iisang upuan na katabi ng mesa. “Aalis na rin ako. Kailangan ko nang umuwi.” Tumalikod na ang binata. “Magpahinga ka na rin. You’re still shaken. Sa susunod ay mag-iingat ka na kapag lalabas ka.” “N-Ninong, wait!” Napatayo siya. Huminto ito at muling humarap. Nilapitan niya ito. “P-Paano po kapag bumalik ang lalaking iyon? Sabi niya gaganti raw siya. Paano kung inaabangan niya lang pala ako sa baba?” “Then report him to the security and the police.” Muli itong tumalikod. “Ninong!” Niyakap niya ito mula sa likuran. “N-Natatakot ako, Ninong. Kahit naman mag-file ako ng report, hindi naman nila ako mababantayan 24/7. Mag-isa lang ako dito. Wala akong kalaban-laban sa kanya kapag binalikan niya ako.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Lumipat ka muna ng bahay.” Tumango siya. “Okay po. Pero puwede bang sa bahay mo muna ako matulog pansamantala? H-Hindi naman ako kaagad makakahanap ng malilipatan.” Naramdaman niyang nanigas ang katawan nito. “Puwede po ba, Ninong?” pangungulit niya nang hindi ito makasagot. “Wala kasi talaga akong malalapitan dito sa Pilipinas.” “Tutulungan kitang mag check-in sa hotel,” malamig nitong sagot. Sunod-sunod ang iling niya. “No, Ninong! Nakakatakot pa rin. Wala akong kasama roon. Baka masundan pa rin ako no’ng lalaki. Nakaka-trauma.” Bumuga ng hangin si Ninong Jax. Halatang nalito na rin ito kung ano ang gagawing desisyon dahil hindi ito nagpapapasok sa bahay nito ng ibang tao lalong-lalo na kung si Shielo iyon na kung makadikit ay akala mo pinaglihi sa super glue. Ngunit kargo de konsensiya rin naman nito kapag may mangyari ngang masama rito lalo na’t humihingi na ito ng tulong sa kanya. Nagmura siya ng mahina. “Fine. You can stay at my place. Pero pansamantala lang iyon, Shielo. You have to move out as soon as possible.” Bigang lumukso ang puso niya. “Talaga po?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD