Chapter 8

1000 Words
Chapter 8 ABOT hanggang tainga ang ngiti ni Shielo habang pinapagala ang paningin sa loob ng malaking banyo sa penthouse ni Ninong Jax. Doon siya nito pinapatulog sa guest room ngunit walang sariling banyo ang kuwartong iyon kaya dito siya nagsisipilyo sa common CR. Malaki ang penthouse at mayroon tatlong malalaking kuwarto ngunit ang master’s bedroom lamang ang may sariling bathroom. Very aesthetic ang disensyo roon. Saktong-sakto para sa isang binatang katulad ni Ninong Jax. Tapos nang magshower si Shielo. Nakasuot na siya ng manipis na night dress na sakto lang para matakpan ang tinatago niya sa ibabang parte ng katawan. Lahat naman kasi ng nighties niya ay ganoon talaga dahil doon siya komportable at nasanay. Nang matapos sa pagsisipilyo at pumunta muna siya sa living room at pinagmasdan ang city lights sa floor to ceiling glass wall doon. Napakagandang tingnan! Parang ang sarap tumambay doon. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang pilitin si Ninong Jax na dito na muna siya patuluyin sa bahay nito. Kaya kahit na inis na inis siya roon sa lalaking nanamantala sa kanya kanina ay lihim din siyang nagpasalamat. “Bakit hindi ka pa natutulog?” ani ng malalim at malamig na boses. Malapad ang ngiting hinarap niya ang kanyang ninong. “Ang ganda ng view dito, Ninong!” Pinasadahan siya nito ng tingin kaya napakagat-labi siya. Sana ay nagandahan din ito sa ‘view’ nito. “You can’t wear that kind of clothing kapag lumalabas ka ng kuwarto, Shielo. May kasama kang lalaki.” “Pinupuna mo na naman ang suot ko,” nakanguso niyang reklamo. “Then dress decently kung ayaw mong napupuna kita. Besides, andito ka sa pamamahay ko. So you better listen to my rules.” “Kung ayaw mong nagsusuot ako ng ganito, eh ‘di hubarin ko na lang.” Sinimulan niyang ibaba ang strap ng suot na nighties. “What the f*ck!” Mabilis na tumalikod ang lalaki. “Shielo!” Tumawa siya ng malakas. “Ito naman si Ninong, hindi na mabiro. Tingin mo talaga maghuhubad ako sa harapan mo, Ninong?” Namula ang mukha ng lalaki at mainit ang ulo na pumasok ulit sa kuwarto nito. Napangiti naman si Shielo. Mas maganda nga talaga itong dito siya nakatira ngayon. Mas marami siyang pagkakataon na makasama ito. Hindi niya mapigilang kiligin. ………….. “SHIELO! Saan ka na bang bata ka? Susko! Kung alam mo lang. Grabe ang galit ng daddy mo noong lumayas ka.” Nginitian niya ang kanyang Yaya Perla sa video call. For the first time ay sinagot niya ang tawag nito. Noong mga nakaraang araw kasi ay ayaw na muna niang makipag-usap sa yaya niya at baka binabantayan ito ng parents niya kung sakaling tawagan ito ni Shielo. “I’m in the Philippines, Ate,” masaya niyang balita. “What?!” “And you’ll never guess kung nasaang bahay ako ngayon.” “Saan?! Sa boyfriend mo? Suskong bata ka talaga! Patay ka sa daddy mo kapag nalaman niyang nandiyan ka!” “Hindi mo naman sasabihin sa kanya, right, Ate?” Huminga ito ng malalim. “Aba’y siyempre. Alam mo namang kakampi mo ako palagi kahit ilang beses na akong napahamak dahil sa ‘yo.” Tumawa siya. “Ayiiiee… love mo talaga ako, eh.” “Shielo, seryoso ako. Saan ka ba talaga? Baka mamaya mapahamak ka diyan ha?” “Don’t worry, Ate. Nasa safe ako na bahay.” Ayaw niyang sabihin dito ang totoo na kasama niya ang kanyang Ninong Jax dahil baka himatayin ito sa kanya. Wala itong kaide-ideya kung gaano siya ka-obssess sa ninong niya at ayaw niya itong biglain. “Sige na, Ate. I have to sleep now. May pasok pa po ako bukas.” “Mabuti naman at nag-aaral ka diyan. Akala ko wala ka nang balak mag college, eh.” “Of course!” sagot niya. Kung hindi lang talaga nagtatrabaho sa isang university si Ninong Jax ay baka talaga hindi niya naisipang mag-enroll sa kolehiyo. ………. MAAGANG gumising si Shielo upang ipagluto ng agahan ang kanyang ninong. Excited siyang pagsilbihan ito. Kahit sa ganoong paraan lamang ay maiparamdam niya sa lalaki na importante ito sa kanya. Wala naman siyang ibang alam na lutuin kundi prito-prito lang kaya itlog at bacon lamang ang niluto niya. Hindi niya alam kung anong oras ito gumigising kaya inagahan na niya para sigurado. Bandang alas siyete ng umaga nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Ninong Jax at pupungas-pungas itong lumabas doon. Wala itong ibang saplot sa katawan kundi ang boxer briefs. Halos tumigil sa paghinga si Shielo. Kitang-kita niya ang maskulado nitong katawan. May six pack abs pa ito na parang ang tigas at ang sarap hawakan. Nakabagat din ngayon ang sa bandang ibaba nito na natatabunan lamang ng maliit na saplot. Pinagpawisan tuloy si Shielo habang nakatitig doon. Nagpupunas ng mga mata si Ninong Jax at hindi agad napansin si Shielo. Nagbukas pa ito ng ref at yumuko para kumuha ng tubig. Parang name-mesmerize si Shielo habang pinapanood ang bawat galaw ng kanyang ninong. Napakaperpekto ng katawa nito! Wala siyang kahit na anong maipintas. Naramdaman niya ang pagkislot ng kanyang hiyas na parang na-excite. Nakikiliti siya roon. Sobrang lakas ng appeal ni Ninong Jax at hindi niya mapigilang ma-arouse habang sinusundan ito ng tingin. Humarap ang lalaki at tumungga ng tubig at nahagip siya ng mga mata nito. Bigla nitong naibuga ang tubig. “What the—!” Pulang-pula ang mukha nito ngayon at tila hindi alam kung ano ang gagawin. “Close your eyes, Shielo!” utos nito habang nagmamadaling inilapag ang bote ng tubig sa mesa. “H-Ha?” Bakit naman siya pipikit? Hindi naman na siya bata na pinapapikit kapag may nakikitang malaswa sa isang palabas. Sunod-sunod itong nagmura at mabilis na bumalik sa kuwarto. Natawa si Shielo. Ang cute ni Ninong kapag nahihiya! Nakalimutan yata nitong nandoon siya sa penthouse kaya bigla itong lumabas na walang saplot. “Oh, well… kompleto na kaagad ang araw ko,” kagat-labing wika ni Shielo sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD