Chapter 9

1320 Words
HINILOT-HILOT ni Jaxon ang ulo habang pinapanood ang players niya na naglalaro sa basketball court. Hindi niya alam kung tama itong pinasok niya. Parang na-stress lang tuloy siya nang pumayag siyang tulungan si Shielo at pinatira ito sa penthouse. Sanay siyang mag-isa sa bahay. Malaya siyang nakakalabas ng kuwarto na walang inaalala na kahit na ano. Ngayon ay nabibigla na lang siya kapag lalabas siya ng silid. Minsan ay makikita niya itong nakasuot lamang ng napakanipis at napakaiksing damit. Minsan naman ay siya itong nakakalimot at lalabas nang naka briefs lang. D*mn. Bakit niya ba pinasok ang problemang ito? Tatlong araw nang nasa bahay niya ang dalaga at palagi itong humihingi ng extension dahil wala pa raw itong nahahanap na malilipatan. Kagabi nga ay halos wala siyang tulog dahil ang lakas na naman ng pinapatugtog nitong music sa kuwarto nito. Napagod na siya sa kakasermon kaya hinayaan na niya. “Mukhang ang lalim ng iniisip natin, Coach, ah.” Nilingon niya ang bagong dating na si Ms. Anna at tinanguan lamang. “Musta, Coach?” nakangiti nitong tanong. Hindi lingid sa kaalaman niya na may gusto sa kanya si Ms. Anna. In fact, isa ito sa mga staff doon sa university na palaging sinusubukang kunin ang atensiyon niya. Mabait naman ito at mukhang disenteng babae kaya paminsan-minsan ay pumapayag siyang lumabas ito kasama ang iba pang staff ng paaralan na kasundo niya. “Good,” sagot niya ngunit ang pokus ay nasa mga manlalaro. “Birthday ko bukas at may kaunting salu-salo sa bahay. Baka free ka tomorrow night?” “Hmmm… not sure. But happy birthday,” walang kaemo-emosyon niyang sagot. “Punta ka na, Coach.” Pamimilit pa nito. “Pupunta rin sila Jason bukas. May makakasama ka naman, eh.” “Baka puwede rin akong sumama?” Natigilan silang dalawa at nilingon si Shielo na may dalang juice at snacks. Bahagyang natawa si Ms. Anna. Akala ay nagbibiro lamang ang dalaga. “Oh, you’re here again. Ito na ba ang bago n’yong refreshments attendant, Coach?” Sumimangot si Shielo. “Attendant lang ako exclusively ni Coach Jaxon.” Natawa ulit si Ms. Anna ngunit nalilitong napatingin kay Ninong Jax. “Don’t mind her,” aniya. “She’s just a distant relative who’s—” “I’m his inaanak,” biglang singit ng dalaga. Humugot siya ng malalim na hininga. “A distant relative na inaanak ko na rin,” pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang may mag-isip ng masama ang mga tao sa university lalo na’t dikit nang dikit sa kanya si Shielo. “Oh. A relative…” Biglang napangiti ng matamis si Ms. Anna. Bigla yatang in-erase si Shielo sa listahan nito ng mga kakompetensiya. “Hi! What’s your name again?” “I’m Shielo,” sagot nito na nakatiim-bagang. “Hi, Shielo! Kumusta? Kapag may gusto kang hanapin na libro sa library, don’t hesitate to tell me, ha?” Kapansin-pansin ang pag-iiba nito ng tono. “Hindi na uso sa akin ang mga libro, Miss.” May katarayang sagot ni Shielo. “May pang-data naman ako. Mas madaling mag search sa G**gle.” Napakurap si Miss Anna. Pagkatapos ay muling tumawa. “Of course, of course.” Muli nitong binalingan si Ninong Jax. “Ang cute ng relative mo.” Hindi na lamang umimik ang binata. ……….. “NINONG, ano pong gusto n’yong kainin?” malambing na tanong ni Shielo habang nagbabasa ng libro sa sala ang kanyang Ninong Jax. “Magpa-deliver ka na lang. You don’t even know how to cook.” Nagdabog siya. “Gano’n pala ha? Eh kinakain mo naman palagi ang mga niluluto ko.” “Puro prito na nga lang ang alam mong lutuin, nasusunog mo pa. I want to eat real food today. Magpa-deliver ka na lang.” “Fine!” Pasalampak na umupo siya sa single-seater sofa sa tapat nito. Binuksan niya ang cellphone at naghanap ng makakain. “Ano’ng gusto mong order-in?” “What choices do we have?” tanong nito na nakatuon pa rin sa libro ang mga mata. “Hmm… How about pasta?” “Not a fan.” “Okay.” Nag-scroll siya sa food-ordering app. “Eh beef steak po?” Matagal bago ito sumagot. “Wala na bang iba?” Inis na bumulong si Shielo. “Eh kung itong akin kaya ang ipakain ko sa ‘yo? Arte-arte!” “What did you say?” Bahagya nitong ibinaba ang hawak na libro at tiningnan siya. “Wala po!” Tumayo siya at pumunta sa likuran nito. Itinukod niya ang magkabilang siko sa sinasandalan nito at saka ibinigay ang kanyang cellphone. “Ikaw na lang ang pumili ng pagkain mo diyan, Ninong. Para siguradong gusto mo talaga.” Kinuha naman nito ang cellphone at saglit itong na-busy sa pagpili ng pagkain. Sa puwesto niya ngayon, amoy na amoy ni Shielo ang ulo ni Ninong Jax. Parang gusto niyang paglaruin ang mga daliri doon at pagkatapos ay isubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg nito. Napalunok siya nang maramdaman na naman ang kakaibang sensasyon sa kanyang katawan lalong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Ano kaya kung gulatin niya ito at nakawan ng halik? Baka palayasin siya ng wala sa oras! “Shielo,” matigas ang boses na pukaw ng lalaki sa atensiyon niya. “Yes, Ninong?” “Stop smelling my hair.” Hindi niya namalayang halos nakadikit na ang ilong niya sa ulo nito habang inaamoy-amoy ito. “Ang bango kasi, Ninong Jax. Ano’ng shampoo ba ang gamit mo?” dahilan niya. At tuluyan na nga niya itong inamoy-amoy, pababa sa leeg nito. “Kahit ang sabon mo, ang bango rin. Baka puwedeng pahiramin mo ako, Ninong.” Pumihit ito paharap sa kanya na kunot ang noo. “I said stop.” Ngumiti siya at umayos ng tayo. “Si Ninong talaga, palaging mainit ang ulo.” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at hinilot-hilot. “Masahiin na lang kita para mawala ang init ng ulo mo.” “No, I don’t need that.” Bahagya itong lumayo. Ngunit hindi siya tumigil sa kakapisil sa balikat nito hanggang sa muli itong tumalikod. “But your shoulders are so tensed, Ninong. Mukhang kailangan mo talaga ng magmasahe. Don’t worry, marunong po ako.” Bumibilis ang paghugot nito ng hininga habang maingat niyang minamasahe nag balikat nito. Napapangiti siya dahil ramdam niyang nagugustuhan nito ang ginagawa niya. Sino ba naman ng ayaw ng hinihilot? Ngunit hindi lamang hilot ang ginagawa niya. May kasamang masuyong haplos iyon na unti-unting bumababa sa d*bdib nito. She slowly moved her right hand inside his shirt and felt his warm, hairy chest. Napasinghap ito at biglang hinuli ang kamay niya. “What are you doing?” Halata sa boses nito na medyo hiningal ito. Kinagat niya ang ibabang labi. “Hinihilot ka, Ninong. Why?” Muli niyang kinuha ang kamay na hawak nito at saka pinagpatuloy ang ginagawang paghilot sa balikat nito. Yumuko siya at bumulong malapit sa tainga nito.”Just relax, Ninong. Hayaan mong paligayahin kita.” Saglit siyang huminto at saka ngumiti nang matigilan ito sa sinabi niya. “Ay, sorry. Mukhang mali yata ang term na nagamit ko. Gusto ko lang matuwa ka sa akin, Ninong, para at least man lang makabayad ako sa ‘yo sa pagpapatira mo sa akin dito. Pero kung may iba kang gustong ipagawa sa akin bilang kabayaran, okay lang din po.” Narinig niya ang mahina nitong pagmumura. “Yes, there’s something I want you to do, Shielo.” Bigla siyang na-excite. “What is it?” “Magluto ka na lang doon sa kusina at umalis ka na rito!” “Hindi na po tayo mag-o-order?” “No, just go!” Lumabi siya ngunit sumunod din naman sa ipinag-utos nito. Nang makaalis siya, saka lamang nakahinga nang maayos si Jaxon. Kinuha nito ang isang throw pillow at itinakip iyon sa nakabukol sa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD