DAHAN-DAHANG pumasok si Shielo sa loob ng kuwarto ni Ninong Jax at maingat na tumabi rito sa kama. Nakagilid ito sa paghiga kaya naman ngayon ay malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito habang mahimbing na natutulog at inuungol ang pangalan niya. Inilapit pa layo niya ang kanyang mukha sa mukha nito. Ano kaya ang totoong pakiramdam ng mga labi ni Ninong Jax? Iyong totoo na talaga. Iyong hindi sa panaginip lamang na gawa ng kalikutan ng kanyang imahinasyon. Tanging ang ilaw lamang sa hallway ang nagbibigay liwanag dito ngunit naaaninag niya kung gaano ito kaguwapo kahit na tulog. Nangininig na itinaas niya ang kamay at dahan-dahang pinaglakbay ang hintuturo sa mukha ng binata. Kabadong-kabado siya na baka magising ito ngunit mas nanaig ang excitement na nadarama niya. She traced

