“SHIELO!” Siniko siya ni Yassi habang nasa cafeteria sila at kumakain ng snacks. May iningunguso ito. Sinundan naman ni Shielo ang direksyon niyon at natigilan siya. Pumasok din ng cafeteria si Ninong Jax at kasama nito si Miss Anna! Mukhang masaya pang nag-uusap ang mga ito. Parang kinurot ng puso ng dalaga sa nakita. Piinapaiwas na siya ni Ninong Jax pero heto’t palagi nitong kasama ang librarian. Nobya niya na ba ito? Kaya ba ayaw nitong maging malapit sa kanya dahil girlfriend na nito si Miss Anna? Umiling siya. Ni hindi nga ito pumunta noong birthday ng babae. At inamin nitong naakit ito sa kanya kaya siya pinapalayas noong isang gabi. Siguro naman mali ang hinala niya at hindi nito nobya ang babaeng kasama nito ngayon. Natawa si Yassi sa biglang pag-iiba ng mukha ni Shielo.

