"Ashley please anak kausapin mo naman ako!" pagmamakawa ni Mama saakin ngunit tinalikuran ko lang siya ang sakit na kasi sobrang sakit.Nandito kami ngayon sa hapag kainan.
"Ma please ayoko muna ng g**o, papayag na akong magpakasal kay Ezekiel gusto ko lang ngayon mapag-isa" malamig kong sabi.
"Ano magpapakasal ka kay Ezekiel? Anak ayokong mabuhay kang hindi masaya napagdesisyunan namin ng Papa mo na wala na kaming paki sa kompanya ang gusto lang namin makatapos ka" ani ni Mama.
"Pano ako makatapos kung wala tayong pera? Kaya nga papakasalan ko si Ezekiel!" sigaw ko.Hindi namn talaga yun ang intensyon ko gusto kung pakasalan si Ezekiel para makalimutan si Kenneth.
"Bakit mo sinisigawan ang mama mo?" sigaw saakin ni Papa. KAya tiningnan ko siya.
"Dahil sayo to Pa! Kung dimo plinanong ipakasal ako sa Kenneth na yun hindi ko mararamdaman ang mga sakit na nararamdamn ko ngayon! At sana respetuhin niyo ang desisyon ko hindi ito para sainyo, para to sa sarili ko!" sabi ko.Agad akong umalis sa mesa at pumunta sa kwarto ko, pagkadating ko dun tumalukbong ako sa kumot at humagol-gol.
"Anong gagawin mo ngayon bro? Iinom ka nalang ba dyan?" tanong saakin ni Drew.
"Papalayain ko na siya!"
"Ano? I mean bakit? WAlang mangyayari kong susuko ka!" bulyaw naman saakin ni Chris kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Tumahimik ka!Yun lang ang paraan para sumaya siya, alam kung mahal niya si Ezekiel kaya hahayaan ko na siya!"
"Seryoso ka? Ang duwag mo!" sigaw naman ni Chris.Akma ko na sana siyang susugurin ngunit pinigilan ako ni Drew.
"Ano ba? Tumigil nga kayo!" bulyaw saamin ni Drew ngunit umalis lang si Chris.
Nandito ako ngayon sa isang cafeteria nagpapalipas ng oras wala akong magwa ehh alangan naman iiyak na naman ako ngayon narealize ko na hindi siya dapat iyakan hindi siya dapat ang iniiyakan ko!Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko si Chris palapit saakin pero wala akong nagawa kundi tingnan siya.
"AShley okay kana ba?" tanong niya.
"Oo medyo nahihilo lang pero okay na ako!"
"WAla ka bang planong ipaglaban siya?" napatigil ako sa tanong niya
"At bakit namn? niloko niya nga ako ehh!"
"Hindi ka niya niloko Ashley ito pakinggan mo" ani niya at parang may kinukuha sa bulsa niya.Kinuha niya yung selpon niya at may pinarinig siya saakin
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
'So anong plano mo?' ani ni Louie
' Sasaktan ko siya ulit tas pagnanalo ako ibibigay niyo saakin niyong mga lupa niyo' ani ni Ken
'Sige bah, pero para mas challenging kailangan mong makuha siya!' ani ni Drew.
'Yan lang bah? Simple ahahha' ani ni Ken.Sobrang sakit na marinig sa bibig mismo ni Kenneth na desidadong-desidado siyang paglaruan ako.
'Hoy bat ang tahimik mo?' tanong ni Drew nasa tingin ko ay si Christian yung tinatanong niya si Chris lang kasi hindi nagsasalita sa kanila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ash yan ang unang plano nila ngunit hindi ko naman sinang-ayunan yun kaya naisip kong magrecord at heto pa ito ang magpapatunay na minahal ka talaga ni Kenneth" ani niya bagi nilipat ang record.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
'Oii alam mo bang nakita ko sila Ashley at Ezekiel dun sa may bench!?' ani ni Louie.
'Ano kasama niya si Ezekiel? Sisirain ko talaga ang mukha ng gagong yun! MAy balak pa talaga siyang agawin ang prinsesa ko ha!' sigaw ni kenneth.
'Lah prinsesa? Ouyyss nafall kana sa kanya?" tanong ni Drew.
'Pano kung sabihin kung oo? Gusto ko na si Ashley kaya sisisrain ko talaga ang mukha ng gagong yun."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dun napagtanto kung minahal pala talaga ako ni Kenneth pero anong gagawin ko kailangan kong pakasalan si Ezekiel para makapagtapos ako at maiangat ang aming kompanya pero kung si Kenneth namn ang pipiliin ko walang ding mangyayari kasi pabagsak na din ang kompanya nila.
"Ano ng desisyon mo?" tanong saakin ni Chris.
"Chris hindi ko alam," ani ko at tumayo ngunit pag katayo ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang sakit yung parang pinupokpok ang ulo mo tas iniikot? inshort nahihilo ako ngunit wala na akong alam kung anong kasunod na nangyari.
Nagising ako sa napakaliwanang na lugar maingay at parang may mga tao sa labas, napadaing ako ng sumakit na naman ang ulo ko.Kaya may biglang pumasok sa loob.
"Anong nangyayari miss?" tanong ni Chris.Oo si Chris pero nasan ako?
"Miss huminga ka lang ng malalim, normal lang yan dahil your pregnant!" ani ng nurse.Nanlaki ang mat ko sa narinig hindi ako makapaniwalang buntis ako.
"Iwan mo muna kami nurse," ani ni Chris.
"Chris anong sinabi niya?" tanong ko pero yumuko lamang ito at bumuntong hininga bago ako hinarap.
"Ashley buntis ka, at ang ama ng dinadala mo ay si Kenneth." Nag-unahan tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko,Yes Im pregnant.Hindi ko alam kung dapat ba maging masaya ako dahil buntis ako at ang ama ay si Kenneth o magiging malungkot dahil hindi pwedeng mangyari to?
"Chris hindi april ngayon kaya wag kang magjokes!" tawa kong sabi baka binibiro lang ako nito.
"Ash buntis ka, isipin mo bakit ka nahihilo?" ani niya kay napaisip ako na maaring tama ang sinasabi niya at shitt pano to?
Hindi pa ako handa! Naaalala ko na bibigyan ako ng mana ni Kenneth pero pano niya gagawin yun kung bagsak na sila.Anong gagawin ko ngayon?