"No you cant do that!" sigaw ni Kenneth.
"Ma ano bang nangyayari?" tanong ko sa Mama kong nakayuko lang at humihikbi.
"Anak kailangan i-cancel ang kasal!" ani ni Papa.
"Hija nabank-crap kami at kailangan naming makaahon kaya kailangan ipakasal si Kenneth kay Carla ang pinsan ni Ezekiel Rodriguez" Halos madurog ang puso ko sa narinig ko ang sakit, bestfriend ko yung papakasalan ni Kenneth."At hija dahil gusto ko ring masagip ang kompanya niyo gusto kang pakasalan ni Ezekiel" dagdag ng Papa ni Kenneth.
"Ano? Ikakasal niyo siya sa mukong na yun?" sigaw ni Kenneth at akma sanang tatayo ngunit hinawakan ng Papa niya ang braso niya kaya nilingon niya ito at tiningnan ng masama. "Dad kahit mawala pa ang kompanya natin si Ashley parin ang papakasalan ko! Tandaan niyo yan!" dagdag ni Kenneth at marahas na tumalikod at kinuha ang kamay ko at isinakay sa kotse niya.
"Ashley please wag kang pumayag sa gusto nila! Alam kong mahal mo yung Ezekiel nayun, pero alam kong mas mahal mo ako!" ani ni Kenneth habang nagmamaneho.Habang ako ay hindi mapigilan mapaluha.
"Kenneth, anong gagawin natin? Oo mahal kita pero kailangan maisave yung kompanya niyo at mangyayari lang yun kung pakasalan mo si Carla." hindi ko mapigilang mapaiyak.
"Wag mong isipin yun! Pupuntahan ko si Louie!" ani niya.HAnggang sa nakarating na kami sa bahay ni louie nagpahinga naman ako sa guest room nila Louie habang si Kenneth ay nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.Kaya naisipan kung puntahan sila ngunit di pa ako nakakarating narinig ko na ang pinag-uusapan nila.
"Kenneth kailangan niyong magpalayo-layo!" ani ni Drew.
"ALam ko yun, kaya Louie gusto kong imbestigahan m ang nangyayari sa kompanya namin at Chris kailangan kong kunin ang susi mo sa Canada" ani ni Kenneth. Anong gagagwin niya sa CAnada?
"Ha anong Canada? bakit nagawa mo ba yung DAre namin ha?" tanong ni Chris.
"Oo nakuha ko na siya yung katawan okay kaya ibigay mona yung susi!" nag-unahang tumulo ang mga luha ko, pinagpustahan lang nila ako, hindi ako pwedeng magkamali alam kong ako ang pinag-uusapan nila kaya dali-dali akong tumakbbo at nabangga ko pa si Drew na may dalang junkfoods.Dali-dali akong pumara ng taxi at sumakay.
" Anong nangyari dun?" tanong ni Drew.
"Nino?" tanong ni Chris.
"Si Ashley, nakita ko siyang umiiyak na tumatakbo at parang nagmamadali,"
"BAka narinig niya tayo!" sigaw ni Louie kaya naalarma ako pano kaya kung narinig niya talaga kami.
Ng makauwi ako ay diko pinansin si MAma at PApa agad akong pumasok sa kwarto ko at sinirado ito.Biglang tumunog ang selpon ko pagtingin ko dito si Kenneth pala tumatawag diko sinagot yun.Ayokong marinig ang palusot niya at lalong lalo na ayoko na sobrang sakit na kasi!Nakarinig ako ng tatlong magkasunod na katok.
"Anak mag-usap tayo please!" si Mama pala.Diko binuksan ang pinto ayoko ko munang pakinggan ang mga rason nila ayoko ko! Bigalng tumunog ang phone ko ng makita ko kung sino ito si CArla pala ayoko talagang may kausap ngayon ang gusto ko lang matulog.Agad akong humiga sa kama at umiyak diko na mapigilan ang sarili ko sobrang sakit na.Narinig kong may sumisigaw sa labas pag tingin ko sa bintana si Kenneth pala nagpupumilit na pumasok. Nakita niya ang pagsilip ko sa bintana kaya sumigaw ulit siya.
"Ashley pleaase pakinggan mo ako! Bitawan mo ako!" ani niya sa guard namin. Kaya napagdesisyunan kong bumba at harapin ang sakit! Ng makalabas ako ay agad akong niyakap ni MAma ngunit humiwalay ako kaagad at pumunta sa gate nakita ko si Kenneth at ang mga kasama niya.
"Ashley let me explain!" pagmamakawa ni Kenneth ngunit imbes hingin ko ang panig niya ay sinampal ko siya ang sampal na ams malakas pa sa unang sampal na iginawad ko sa kanya ang sampal ng sakit na nararamdaman ko. Napaawang naman si Mama at tinakpan niya ang bibig niya habang nakatingin saamin habang si papa nakaakbay lang kay Mama at parang naiiyak.
"Anong explaination mo ha!? Na di totoo yung narinig ko? Kenneth binigay ko sayo ang katawan at kaluluwa ko pero ano? Sinaktan mo nanaman ako? Kenneth ayoko nah! Papakasalan ko si Ezekiel! Sorry peo yun lang ang paraan para makalimutan kita!" ani ko at hindi mapigilang umiyak sobrang sakit ng nararamdaman ko parang pinipiga ang puso ko. Kailangan ko naba talagang itigil to?