Tahimik ang buong bahay pagkauwi ko. Pagkapasok ko sa sala, nakita ko si Daddy at Mommy na nakaupo sa sofa. Nanlilisik ang mga mata sa akin ni Mommy, pero si Daddy ay nakatingin sa malayo at malalim na nag-iisip. "Alam mo na siguro kung bakit kami nandito," tugon ni Daddy. Hindi ako umimik. "Xeus told me you skipped your classes today so you could play games. And you have your exams today." "Umiinit ang dugo ko sa'yo, Coleen. Kung hindi lang ako nagtitimpi, baka naitakwil na kita." dagdag naman ni Mommy. Nakagat ko ang labi sa mga salitang binitiwan ng mga magulang ko. Alam kong kasalanan ko ito pero masakit pa rin iyon. Hindi ko maikakaila na sa pamilya namin, ako ang pinakamatigas ang ulo. Si Kuya Hexel, bagamat balasubas minsan, ay mahusay sa academics at iba't ibang larangan. Mabut

