Napairap ako pagkatapos ng huli kong klase. Eto na naman si Xeus paglabas ko. Nakasandal ito sa may gilid at akala mo model ng Bench. Pinagtitinginan siya ng mga kaklase ko at tila pinagp-pyestahan. Chinito, matangos ang ilong, manipis at mapupula ang labi, matangkad, maputi. Ugh. Dinaig pa nito ang koreano e. "Anong tinitingin-tingin mo?" Masungit niyang sabi. Lakas pang makapagsungit. Akala mo naman nireregla. Gagong 'to! "Ang pangit mo." Irap ko habang naglalakad. Sumabay na naman siya sa akin. "What?" Kumunot ang noo niya. "Sabi ko ang pangit mo. Nasisira ang araw ko kapag nakikita kita." Asar kong tugon. Bwisit na 'to. "Tch. Ikaw pa lang nagsabi niyan sa akin." He said. "Oh well. Alam mo na, ang pangit m-- "Coleen." Pinutol niya ako bigla. Natahimik ako dahil nagbago 'yong t

