Chapter 1
POV: Ayasha
Naglalakad ako papuntang classroom "Ouch!!" nang mabunggo ko si Patricia, Ang taong galit na galit sa'kin kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
Napaupo siya dahil sa pag kakabunggo ko, kaya dali dali ko siyang tinulungan "Sorry!! Patricia, hindi ko sinasadya." sabi ko habang hawak siya sa siko tinutulungan na makatayo.
Agad niya akong tinulak nang makatayo na siya "Don't touch me, Ugly!! nakakadiri ka, sa susunod tignan mo ang dinadaanan mo!" Sigaw niya sakin habang pinapagpag ang siko niya na hinawakan ko na para bang diring diri siya dahil hinawakan ko nga. Nanahimik at yumuko nalamang ako para hindi na lumaki ang g**o. Umalis na rin naman siya pero narinig ko pa mga pinagsasabi niya "Ang panget-panget na nga, tatanga-tanga pa. Buyset!".
Nag-buntong hininga na lamang ako, atsaka tumuloy maglakad para makapunta na sa classroom. Sanay naman na ako. Nakayuko parin ako habang naglalakad dahil pinagtatawanan ako dahil sa itsura ko.
Nang makapasok ako sa classroom, bigla silang natahimik ang kaninang maingay na nagtatawanan at nag-uusap, ay biglang tumahimik ng makita ako.
Bigla silang nagtawanan na para bang nakakita sila ng nakakatawa . Siguro nga ako ang dahilan bakit sila tawa ng tawa. Hindi kona sila pinansin, na pagbuntong-hininga nalang ako at pumunta sa upuan ko.
Nakayuko lang ako sa upuan dahil wala pa namang Prof. dahil maaga pa. Maya-maya may naramdaman akong presensya na nakatayo sa harapan ko, at medyo natahimik rin ang classroom. Inangat ko ang Ulo ko para tignan kung sino, nang bigla nalang may sumampal sakin nang hindi ko pa nakikita kung sino 'yon.
"You deserved that, Ugly!" Si Patricia. Dahan dahan ko siyang nilingon. "Look, nagkasugat ako dahil sa katangahan mo!" Sabi niya pa at pinakita ang siko niya na may dugo nga.
"Nag-sorry naman ako kanina, at hindi ko sinasadya, Patricia." Sabi ko at yumuko. Hindi ko alam na nagkasugat siya, ddahil ang nakita ko ay natumba siya paupo, palad ng kamay niya dapat ang may sugat dahil nakita kong ginamit niya 'yon pasangga para hindi mapaupo ang pwet niya. Alam kong hindi kona kasalanan ang sugat niyang iyon. Napag buntong hininga nalamang ako, dahil alam kong hindi ako ang dahilan kung bakit siya nag kasugat sa siko, paniguradong aksidenta niya na 'yon nakuha pero sakin niya sisihin.
Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang Prof. namin kaya't wala siyang choice bumalik sa upuan niya pero bago 'yon sinamaan niya muna akong ng tingin.
Nagsimula na ang klase kaya nakinig nalamang ako. Maya-maya break time na kaya nag ayos nako ng mga gamit hinintay ko muna na makalabas ang mga classmates ko bago ako lumabas. Nang naka-alis na sila, lumabas na ako ng room at pumunta sa Garden dala ang sandwich at juice na baon ko, hindi na ako pumupunta ng cafeteria dahil alam kong aasarin lang ako doon.
Habang kumakain at nakatanaw sa mga halaman na may nag-gagandahang bulak-lak, parang may nakita akong lumilipad na mediyo maliit na anyo tapos kumikinang siya na kulay blue nang tumingin ako sa side ko, pero wala naman kaya hindi ko nalang pinansin.
Nag ring na ang bell, sign na tapos na ang break time mabuti nalang at tapos nako sa kinakain ko. Agad akong bumalik ng room at hindi nalang pinansin ang mga pang aasar ng mga nasa paligid. Natapos na ang klase, hinintay ko muna na makalabas silang lahat kagaya ng kanina bago ako umalis, nag abang muna ako ng trycle at umuwi na.
"Nay! Tay! nandito na po ako." Sigaw ko habang sinasara ang gate ng makapasok ako. Naghubad na muna ako ng sapatos at saka binuksan ang pinto. Binati ako ni Nanay na galing sa kusina mukhang nagluluto, tinanong ko kung nasaan si Tatay, ang sabi naman ay nasa trabaho pa, kaya't nag paalam na muna akong papasok ng kwarto para makapag bihis.
"Aya anak, kakain na!" Narinig kong sigaw ni Nanay kaya dali-dali akong bumaba, nakita ko narin si Tatay na naghuhugas ng kamay, kakagaling lang sa trabaho dahil suot niya pa ang uniform niya.
Nagmano ako kay Tatay bago umupo. "Kamusta ang klase maganda kong anak?" Inismiran ko si Tatay dahil hindi naman talaga ako maganda, natawa naman siya sa reaksiyon ko kaya hinawak niya ang taas ng ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Maganda ka, Aya. Lagi mong tandaan 'yan." Kinindatan niya pa ako.
Ngumiti naman agad ako dahil sa ka-sweetan ng Tatay ko "Ayos lang, Tay." Sabi ko habang nakangiti para maniwala agad siya. Nagdasal na muna kami bago nag-umpisang kumain.
"Aya, wala ka pang napapakilalang kaibigan saakin. May kaibigan ka ba? Ipakilala mo naman." Biglaang tanong ni Nanay! Bigla akong nakungkot, sino ang ipapakilala ko? Wala naman gusto makipag kaibigan saakin. Kahit na mabait ako, ayaw parin nila dahil sa itsura ko.
Ngumiti nalang ako kay Nanay, dahil hindi ko rin naman kayang mag sinungaling.
Nalungkot agad siya dahil mukhang alam niya na ang sagot, nagkatinginan pa sila ni Tatay pero hindi na nag salita, na ipinagpasalamat ko ayaw ko narin humaba ang usapan. Natapos na kami kumain, sinabi ko na ako na ang bahalang mag hugas ng pinag kainan, pumunta naman sila ng sala at nanood ng TV. Pagkatapos ko mag hugas nag paalam naakong pupunta ng kwarto at maliligo dahil may kailangan pa akong gawing assignment. Pumayag naman agad sila at sinabi rin ni Tatay na wag akong magpupuyat, binati ko na agad sila ng 'Goodnight' saka ako tumaas hindi na pinahaba ang usapan.
Naligo na nga agad ako at katapos at pumunta sa salamin upang magsuklay para tignan ang sarili. Na sana hindi ko na ginawa, Natawa ako sa sarili ko. Why I look like this? I'm Chubby, My skin is brown, many pimples in face, has thick eyebrows, uneven teeth, and small nose, In short UGLY. So that's how they treat me because I'm ugly. But why? bakit kailangan pa akong laiitin o asarin, hindi ba nila iniisip na baka nakakasakit na sila? Pinagkibit balikat ko nalang ang mga tanong sa isip ko, bahala na sila.
Pagkatapos ko mag suklay, ginawa ko na agad ang assignment ko para matapos na agad at makatulog na.
17th Birthday ko na pala bukas.
Nagising ako dahil pakiramdam ko may nakamasid saakin, minulat ko ang mata ko at tumingin sa clock na nasa tabi ko, 12:01am palang.
"Maligayang kaarawan, Mahal na Prinsesa!" Ah?! Sino 'yon?! tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita, babae tapos maliit ang boses niya, baka guniguni lang ng tenga ko 'yon. Pero may nakita akong blue sa table sa tabi ng kama ko, Blue?! anong meron sa blue?! biglang lumipad yung blue!! Nanlaki ang dalawa kong mata sa gulat! Isang babae maganda na maliit na nilalang na lumilipad, mahaba ang tenga, maputi, naka blue dress, at kulay ng pakpak ay blue na nagbibigay ng maliit na liwanag. "Hi! Mahal na Prinsesa!" Sabi niya pa habang naka ngiti, nang makitang nakita ko na siya.
Sisigaw na ba ako? Imposible may ganitong nilalang tapos nag sasalita pa? Nanaginip ba ako? Teka! Ako Prinsesa?!. Tinignan ko ang paligid ko baka may ibang tao tapos 'yon ang kausap niya. Pero wala! Tinigna ko ulet siya, nakangit parin siya habang lumilipad lipad gamit ang blue niyang pakpak.
Tinuro ko pa ang sarili ko "Ako?, Ako ba ang kausap mo?" Tumango naman agad siya! Ako nga!! pero teka! Sabi niya kanina 'Magandang Kaarawan, Mahal na Prinsesa' Oo birthday ko, pero Ako Prinsesa? "Niloloko mo ba ako, maliit na nilalang?" Tanong ko sakaniya na naka ngunot ang Noo. Hindi parin makapaniwala na may kausap na kakaibang nilalang!
Tumawa naman siya at nag lipad lipad pa, "Oo, Mahal na Prinsesa" sabi niya habang humahagikgik. Ah? Agad ko binuksan ang ilaw ng kwarto ko atsaka pumunta ng salamin baka sakaling gumanda ako kaya ako pinagkakamalan na Prinsesa neto, pero kaharap ko sa salamin, Ganoon parin! Baka, Niloloko nga ako neto. "Hindi kita niloloko, Mahal na Prinsesa." Sabi niya habang tumatawa parin. Nakakatawa ba taga itsura ko? "Natatawa po ako sa Reaksiyon niyo, Prinsesa." Nababasa niya ba isip ko? "Oo, Nababasa ko. Mahal na Prinsesa" Sabi niya.
"Teka nga!!" Sigaw ko pero agad tinakpan ang bibig dahil baka magising sila Nanay at Tatay kahit na malayo naman ang kwarto nila sa kwarto ko. "Teka! Ano ba pinagsasabi mo? Ako Prinsesa? Nagbibiro kaba? At sino ka ba?" Sigaw ko sakaniya ngunit pabulong.
Nagseryoso naman ang maliit na nilalang at saka umupo sa higaan ko, ang liit niya pwede ko siyang pitikin!. "Mahal na Prinsesa." Panimula niya, kinunot ko naman ang Noo ko pero hindi nag salita kaya nag patuloy siya "Ako'y isang Fairy" Kaya pala, totoo pala sila "Galing ako sa ibang mundo, Pinadala ako dito para gabayan, samahan at tulungan ka sa lahat ng bagay." Pagtutuloy niya. Iexplaine mo lahat. Nabasa niya ang isip ko kaya nag patuloy siya. "Dahil libang pitong kana, kinakailangan mong sumama saakin para makapaghanda. Isa kang Prinsesa, ang pinakamalakas at makapangyarihan sa Immortal World anak ka ng makapangyarihan na mag asawa ang Reyna at Hari sila ang namumuno sa Immortal World. Kailangan mong sumama saakin para mapag aralan at ma ensayo mo ang Kakayahan at Kapangyarihan mo. May isang taon ka para maghanda dahil ka tungtong mo ng Isa't walong taon, lalabas ang tunay mong Anyo at makikilala ka bilang Prinsesa." Sabi niya na nakapag patulalan saakin.
Ako'y Pinsesa, pinakamalakas at Makapangyarihan sa Immortal World, At Anak ng Reyna at Hari na namumuno sa Immortal World. IMPOSSIBLE!!!
Nabasa niya ang isip ko, "Totoo lahat ng aking sinabi, Mahal na Prinsesa. Pinadala ako dito ng Diyosa upang samahan ka... May tanong ka pa ba, Mahal na Prinsesa?" Marami liit, sobrang dami. "Sasagutin ko 'yan mamayang maliwanag, mahal na Prinsesa, kailangan mo ng matulog dahil aalis na tayo mamaya." Mamaya Agad?! Totoo ba lahat ng 'to? Paano mga magulang ko? Saan ang Immortal World? Marami pa akong tanong pero inaantok na talaga ako kaya't natalog nako. Alam kong nababasa ni Fairy liit ang isip ko pero hindi niya na ito sinagot.
Napa-yawn ako, nagising dahil sa liwanag na nakikita kahit na nakapikit. Binuksan ko ang mata ko at agad na pinagsisihan dahil ang sakit sa mata, nakabukas lang naman ang kurtina ko. Tumagilid nalang ako upang ipagpatuloy ang tulog pero gising na ang diwa ko, Kainis.
Napadilat ako biglaan at natulala dahil sa nangyari kaninang madaling araw! Totoo ba 'yon? Panaginip lang siguro. Sisilipin ko na sana ang Clock para tignan ang oras nang may makita akong maliit na tao, "Waaahhh!!!" sigaw ko bigla! At bigla rin siyang napalipad, nagising dahil sa sigaw ko. Hala totoo nga ang nagyari kaninang madaling araw!
"Magandang Umaga, Mahal na Prinsesa." Sabi niya habang kinukusot ang mata. Cute. Nakatingin ako sakaniya kaya napatingin ako sa tabi ng orasan niya, 6am na! Kailangan ko na magbihis, may pasok pa. "Hindi ka na papasok, Mahal na Prinsesa. Aalis na tayo maya-maya." Ah? Oo nga paano na pag aaral ko? "Walang saysay ang pag aaral mo dito, Mahal na Prinsesa dahil hindi mo iyan kailangan, Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo sa Immortal World dahil doon ang mga dapat mong malaman." Seryoso niyang sabi nang marinig ang tanong sa isip ko.
"Paano ko ipapaalam sa magulang ko?" Tanong ko sakaniya. Nalulungkot ako dahil iiwan ko ang mga magulang ko, hindi ko pala sila tunay na magulang pero napamahal nako sakanila dahil sila ang nag palaki saakin.
Tinignan ako niya ako ng may malungkot na ngiti. "Ipapaalam natin sakanila ang totoo, pero hindi nila dapat ito ipagsabi dahil ikakapahamak nila ito pag may nakaalam. Oo, Mahal na Prinsesa, matagal bago mo sila makita ulit." seryosong sabi niya.
Sumang-ayon nalang ako sa lahat ng sinasabi niya, tulay siya naman ang ibinigay saakin ng Diyosa daw upang gabayan ako... Naghilamos muna ako saglit habang pinapanoos niya ko, umupo naman siya sa balikat bago namin napag pasyahan lumabas ng kwarto. Nakita ko si Nanay na nag luluto ng Almusal, habang si Tatay nag susuot ng sapatos naghahanda para pumasok.
Umubo ako para makuha ang Atensyon nila, nakuha ko naman. "Goodmorning, Anak! Happy Birthday!!!" Sabay na Bati nila saakin.
"Halika kana kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mo." Aya ni Nanay. Pero hindi ako gumalaw, Naiiyak ako dahil iiwan ko sila. "Aya, ayos ka lang ba?" Tanong ni Nanay, nang mapansin na hindi ako gumalaw or umimik man lang, narinig din ni Tatay ang tanong ni Nanay kaya't napatingin din agad siya saakin ng may pag-aalala ang mata.
"Nay, Tay, may sasab-" Bigla silang sumigaw! kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Lumipad lang naman kasi bigla si Fairy Liit kaya napansin siya ni Nanay at Tatay kaya nagulat. "Nay! Tay! Kalma!!" Sigaw ko, dahil kailangan baka kasi hindi nila ako maranig. Natahimik naman sila pero gulat parin nakatingin sa lumilipad na nilalang sa tabi ko. Tinignan ko naman siya, nag peace sign pa na parang nag sosorry. "Nay, Tay. Ito po si-" tinignan ko siya. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Reign. Fairy Reign." sagot niya kaagad.
Tumingin naman ako kay Nanay at Tatay na lipat lipat ang tingin saakin at kay Fairy liit este Fairy Reign. Halatang mas nagulat dahil nagsasalita siya pero mabuti nalang hindi sumigaw. Same Nay, Tay. "Ang pangalan niya ay Reign. Isa siyang Fairy, galing sa ibang mundo." Sabi ko at napatingin sa pagkain mukang lumalamig na. "Pwede po ba tayo mag usap habang kumakain?" Tanong ko habang nakatingin kay Nanay, na agad namang tumango kahit na gulat parin.
Pumunta na kami sa lamesa at umupo, tinignan ko si Fairy Reign, "Paano ka kumain?" tanong ko sa isip ko. Sagot niya naman "Iba ang pag-kain ko sa sainyo, dito nalang ako." sagot niya at umupo sa balikat ko. Inalis kona ang tingin ko sakaniya at tumingin kila Nanay at Tatay.
"Aya anak." Tawag sakin ni Tatay, gulat parin pero pilit na kinakalma ang sarili. "Ano ang sasabihin mo?" Tanong niya.
Sumagot naman ako, pero tanong. "Nay, Tay, Saan niyo po ako nakuha o napulot?" Tanong ko, biglang napaubo si Nanay at nabilaukan naman si Tatay, nang kumalma na sila nag patuloy ako, "Hindi niyo po ako, Anak. Right?" Medyo malungkot ang tinig ko.
"Aya, anak. Pag pasensyahan mona hindi namin nasabi agad." Sabi ni Tatay na may ngiti ngunit malungkot. "Pero, oo napulot ka lang namin. sa isang maganda basket na nasa gilid ng puno. Nakita kanamin doon sa loob, at narinig ang iyak mo kaya kinuha ka namin." Sabi pa ni Tatay. Tumingin siya kay Nanay, kaya tumingin din ako kay Nanay.
Ngumiti si Nanay saakin "Masaya ako no'ng marinig ko ang iyak mo, dahil kakagaling lang namin ng hospital nang malaman ko na hindi ako pwede mag ka-anak, dahil may sakit ako, kaya hindi ako nag dalawang isip na kunin ka doon at iuwi." Ngiti ni Nanay na may luha na sa gilid ng mata. Naluluha narin ako pero hindi ako nagsalita hinayaan ko nalang sila magsalita at nakinig. "Inalagaan kanamin at tinuring na para naming tunay na anak, masayang masaya kami dahil kami ang nakatagpo sayo." Sabi pa ni Nanay at tuluyan ng tumulo ang luha, gano'n din ako. Kaya tumayo ako galing sa upuan at lumapit sa kanilang dalawa para yakapin at sinabi ko kung gaano ko sila kamahal.
Umubo si Fairy Reign para maagaw niya ang atensyon namin, kahit maliit boses niya gaya niya, naririnig parin namin ng normal, napatingin kami sakaniya kaya ngumiti siya "May ipapaliwanag rin po ako." sabi niya at tumingin kay Nanay at Tatay.
Nakinig naman kami sa sinabi niya, sinabi niya na hindi ako normal na tao lamang, dahil kakaiba ako, at kaya nila ako nakita doon sa basket na 'yon dahil itinakbo daw ako ng kung sino kaya nalayo ako sa tunay kong mga magulang. Marami pa siyang ipinaliwanag kay Nanay at Tatay gaya ng Immortal World na taga doon talaga ako, naintindihan naman siya ng mga ito kahit na gulat na gulat sila na may ganoon pala.
Naging seryoso bigla si Fairy Reign "Hindi niyo pwede sabihin sa kahit sino ang mga narinig niyo ngayon saakin, dahil ito'y ikakapahamak niyo." Banta niya kay Nanay at Tatay. Napatingin ako sakaniya at nagulat na may lumalabas na kung anong kapanyarihan sa maliit niyang kamay habang iniikot ikot iyon at may sinasabi pa siya rito habang may binubuo na parang bilog. Ganoon nalang ang gulat ko ng itutok o parang hinagis niya 'yon kay Nanay at Tatay. "Ang mahika na ginamit ko sainyo ay pagpipigil na magsalita patungkol sa mundo namin, para rin ito sa kapakanan niyo." Sabi niya at seryosong seryoso.
"S-salamat." Nauutal na sabi ni Nanay. At Napatingin saakin, ganoon rin si Papa. Lumapit sila Saakin at Niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko rin sila pabalik. Mahal na mahal ko ang magulang ko na nagpalaki saakin, mamimiss ko din sila. Sila ang kasama ko nang mamulat ako dito sa mundong 'to, at nagpapasalamat ako na nakilala ko sila. Iilan pang habilin ang sinabi nila saakin at sinabi ring mahal na mahal nila ako ay mamimiss nila ako, sinagot ko din pabalik at sinabing sila din ay mag ingat, at na bibisita nalang ako.
May kumislap na kulay blue at alam kong si Fairy Reign 'yon. "Kailangan nanatin umalis, bago mag sara ang lagusan papunta sa mundo natin. Mahal na Prinsesa." sabi niya saakin. Tumango nalamang ako at pumuntang kwarto para makapagbihis, hindi na ako nag impake dahil hindi naman daw kailangan sabi niya at mayroon naman doon. Pero dinala ko parin ang mga importanteng bagay saakin kagaya ng isa sa picture naming tatlo ni Nanay at Tatay at iba pa na sa tingin ko kailangan ko.
Nagpaalam pa ako saglit kila Nanay at Tatay, nag iyakan pa kami. Bago tuluyan lumabas ng bahay kasama si Fairy Reign na nakaupo sa Balikat ko. Tinuro niya saakin kung saan ang daan, na sinunod ko naman. Nilakad lang namin dahil malapit lang naman daw.
Nakita ko nalamang ang sarili ko na nasa isang lugar na walang kabahay-bahay at nakaharap sa isang malaking puno. Dito na daw sabi ni Fairy Reign, tinignan ko siya at nakita kong lumilipad lipad na siya habang may ginagawa ng kung ano at may sinasabi sabi na hindi ko gaano marinig.
Ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang biglaang lumitaw na parang Portal, parang hipo-hipo na umiikot-ikot kulay puti siya. Tinignan ko ito at biglaang nakaramdam ng Kaba.
Tinignan ko si Fairy Reign na nakatingin saakin habang nakangiti. "Pumasok kana, Mahal na Prinsesa." Sabi niya at tinuro pa ang butas. Sasama ba siya? Syempe "Oo, Mahal na Prinsesa" nabasa niya isip ko, sasama nga siya. "Mahal na Prinsesa, hindi nila pwedeng malaman na ikaw ay Prinsesa, tatawagin namuna kita saiyong pangalan, Ayasha napakaganda ng iyong pangalan." Sabi niya at ngumiti. Nginitian konarin siya at hindi na nagtanong.
Tinignan ko ulet ang Portal na papasukin namin, dito, dito sa lugar na ito ako nararapat, dahil nandito ang mga kagaya ko. Kailangan ko rin gampanin ang tungkulin ko.
Nginitian ko si Fairy Reign, ganoon din siya. Atsaka kami sabay na pumasok sa Portal.
This is it. My New Life. Where I Belong.