C H A P T E R 3 1 ━━━━༺❀༻━━━━ "Anak..." Anak?! Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa Ginang na nasa aking harapan. Hawak siya ng dalawang guwardya sa magkabilang braso habang ang isa ay nakaharang sa harap niya upang hindi makalapit sa akin. Wala akong naramdaman sa sinabi niya, ni hindi ako kinabahan o man lang o ano. "A-Ahm... Anak?" kunot-noong tanong ko. Nagulat pa ako nang biglang humagulgol ang Ginang, isinara ko ang pintuan dahil baka magising si Zayn. Pilit niya akong inaabot, hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya. Sino ba 'to? Baka nagkakamali siya ng bahay na pinuntahan? "Ako 'to anak! A-Ang i-ina mo! Anak Lauren, si Mommy 'to!" wika niya habang umiiyak. Natigilan ako sa sinabi niya at sandali pang napapatitig. Mommy ko? Kinabahan ako sa si

