C H A P T E R 3 0 ━━━━༺❀༻━━━━ Pagkatapos ibaba ng babae ang tawag ay napatitig lang ako sa phone ko. Aminin ko man o hindi ay kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Isang tao lang naman ang pumasok sa isip ko dahil doon. Zayn. Anong ibig sabihin niya ro'n? Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ibulsa iyon. Sakto naman ay dumaan si Uno sa may pintuan ng kusina, tanaw ko siyang palakad-takbo paakyat sa hagdanan. Sinulyapan ko pa ang basurahan bago sumunod sa kaniya. Naabutan ko siyang pumasok sa isang pintuan, hindi pa ako nakakapunta doon no'n bukod sa library at kwarto ni Zayn ay hindi pa ako nakakapasok sa ibang kwarto. Nang makarating ako sa tapat no'n ay bahagya akong sumilip. I saw Zayn and Mat playing cars on the carpet, they looked so good actually. Ang sarap nilang pagmasdan k

