C H A P T E R 2 9 ━━━━༺❀༻━━━━ "Wae Noona?" Napanganga ako habang nakatingin kay Zayn, nakasalampak na siya ng upo habang may dalawang hawak na bola sa magkabilang kamay. Napatulala ako sa kaniya, maliit ang kaniyang boses at animong nagbo-boses bata siya. Pati ang pagparaan kung paano siya kumurap-kurap ay parang bata, walang-wala na kung paano kumilos si Zayn. "Z-Zam..." Pag-uulit ko sa pangalan niya. Pilit na pino-proseso ang nangyari, paano 'to nangyari? Ano bang nangyari sa banyo? Bahagya pang tumabinggi ang kaniyang ulo animong pinag-aaralan ang aking mukha. Lumunok ako at dahan-dahan lumapit sa kaniya, hindi ko na pinansin ang mga mapangghusgang matang nakatingin sa amin, kailangan ko siyang maialis dito. "Y-Your n-name is Z-Zam right?" nauutal na tanong ko. Mabilis siyan

