RAFA’S POV Sa wakas ay bumalik na ang alaala ng asawa ko. Masaya ako para sa sarili ko pero mas masaya ako para sa asawa ko. Palagi kong hinihiling na sana ay maging okay na siya, na gumaling na siya. Alam ko na sobrang nahihirapan na siya. Pero sa totoo lang kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang na gumawa kami ng mga bagong alaala. Mga alaala na masaya, mga alaala na hindi siya masasaktan. Pero kailangan kong tanggapin na tao lang ako at hindi ko kayang baguhin ang mga nangyari na. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag-akyat niya sa puno ng bayabas. Masaya ako dahil may parating na namin kami na anghel. Pero itong ginagawa niya ngayon ang papat*y sa akin. Hangga't maaari ay nais kong maging hands-on sa kanya. Gusto ko na maranasan kung paano maglihi ang isang buntis. H

