“Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ko?” Tanong ni Nathalie sa lalaki na nasa harapan niya. Pero nagtataka siya dahil parang kilala niya ito. Bakit parang kapareho ng mga mata nito ang kay Rafa? Kaya tinititigan niya ito ng mabuti. At doon niya nakumpirma na si Rafa nga ito. Bagong gupit at ahit ito ng balbas niya. “Rafa?” tanong niya sa lalaki. “Yes, hon.” may magandang ngiti na sagot ni Rafa kay Nathalie. “Tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng hon.” Naiinis na sabi niya sa lalaki. “Bakit naman eh honey naman talaga kita.” Sagot pa ni Rafa na may malawak pa rin na ngiti sa labi niya. “Hindi pa kita naalala kaya hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo. Pero gwapo ka naman kaya puwede na siguro.” Nakangiti na sabi ni Nathalie. Dahil bigla na lang nagbago ang mood niya. “Okay, hon.”

