Hindi inaasahan ni Rafa ang nakikita niya ngayon. Gising na si Nathalie at nakatingin ito sa kanya. Medyo nanghihina ang mga tuhod niya habang naglalakad papalapit sa asawa niya. Wala ring paglagyan ang tuwa na nadarama niya. Parang sasabog ang puso niya sa saya. “Hon,” tawag niya sa asawa niya pero nakatingin lang ito sa kanya. “Thank God you’re awake.” Halos maiyak na bulalas ni Rafa. “Who are you? Bakit mo ako tinatawag na hon?” Tanong ni Nathalie sa kanya. At nakikita niya na nalilito ito. “Hindi mo ba ako kilala?” Tanong ni Rafa sa asawa niya. “Hindi, ngayon lang kita nakita.” Nakakunot ang noo na sagot ni Nathalie. “Ako ang—” “Anak, let’s talk.” Saad ni Lora kay Rafa. Dahil gusto niyang ipaliwanag ang nangyayari. “Okay, mom.” Sagot niya at sumunod siya sa biyenan niya. Lumaba

