AFTER 3 MONTHS Ang buong akala ni Rafa ay mawawala na sa kanya ang kanyang asawa. Pero naka-survive si Nathalie. Ngunit comatose pa rin ito at hindi alam kung kailan ito magigising. Naging bahay na ni Rafa ang ospital. Hindi niya iniiwan ang asawa niya dahil nais niya na sa paggising nito ay siya ang unang makikita ni Nathalie. Nais rin niyang tuparin ang pangako niya na hindi niya ito iiwan o aalis sa tabi nito. “Hon, good morning. Kumusta ang likod mo? Sumasakit ba?” Tanong niya sa asawa niya kahit alam niya na hindi naman ito sasagot sa kanya. “Alam mo ba si Baby Rylie magaling na siyang magsalita. Marami na siyang alam. At sobrang kulit na niya, sumasakit ang tuhod ni daddy sa kakahabol sa kanya dahil mabilis na siyang maglakad. Kaya, honey gising kana. Hinahanap na ni Rylie ang mom

