Inasikaso ng mga doktor si Nathalie. Ginawa nila ang lahat para mapabilis ang pagprocess sa mga papers na kailangan sa paglipad nila sa US. Nakatulog si Nathalie dahil sa ibinigay nilang painkiller. Pero habang nakatingin si Rafa sa kanyang asawa ay hindi niya maiwasan na hindi maawa sa asawa niya. “Sasama ako sa inyo sa US, anak. Ako ang mag-aalaga kay Rylie.” Saad ni Lora kay Rafa. “Sige po, Mom. Pasensya na po kayo kung kailangan kong ipapaalaga sa inyo ang anak namin.” Saad ni Rafa sa kanyang biyenan. “Hindi mo kailangan sabihin ‘yan. Obligasyon ko ito, anak. At ito lang ang magagawa ko para sa anak ko. Sapat na sa akin na samahan mo ang asawa mo. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa kanya.” parang naiiyak na saad ni Lora. Sobrang nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil binigyan si

