Nanatili si Rafa at Nathalie sa hospital. Gustuhin man ni Nathalie na umuwi na pero hindi siya pinayagan ng doktor. Under monitoring siya ngayon. Inaayos na rin ang mga papers para magpagamot siya sa Amerika. Alam niya na mahirap pero susubukan pa rin nila. Para sa mag-ama niya ay kayang tiisin ni Nathalie ang lahat. “Are you okay?” Tanong ni Rafa sa kanya. “Okay lang ako, ikaw hindi ka ba nababagot dito?” Tanong niya rin sa kanyang asawa. “Hindi naman, Hon. At bakit naman ako mababagot kung ganito kaganda ang kaharap ko palagi.” Nakangiti naman na sagot ni Rafa sa kanya. “Bolero ka talaga, paano kung maging kalbo na ako? Maganda pa rin ba ako sa ‘yo?” Biglang tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. “May buhok ka man o wala ay walang magbabago. Mahal pa rin kita at ikaw pa rin ang pinak

