Unang bumungad kay Nathalie ang puting kisame. Napabalikwas siya pero nagulat siya dahil nakaupo sa tabi niya si Rafa. Napatingin siya sa mukha ni Rafa lalo na sa mga mata nito na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang nangyari sa kanya. Handa na siyang sabihin kay Rafa ang lahat ngunit nawalan siya ng malay. Kaya kaagad siyang napatingin sa kamay niya at naging malinaw sa kanya na nasa ospital siya ngayon. “H–Hon,” kinakabahan na sambit ni Nathalie. “Bakit inilihim mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Rafa sa kanya. “I’m sorry, hon.” Umiiyak na saad niya kay Rafa. “Bakit mo itinago sa akin? Kailan mo sasabihin sa akin kapag wala ka na? Naisip mo man lang ba kami ng anak mo? Hindi mo ba kami m

