ALIYAH'S POV "Ayoko na!" inis na sigaw ni Julian at binagsak niya sa kaniyang lamesa ang kaniyang ginawang article at nakita kong lumingon si Eric sa kanya. Tumaas ang aking isang kilay nang nakita ko kung paano umiwas ng tingin si Eric kay Julian. Teka, bago ito ah. Kadalasan kapag naiinis si Julian ay aasarin niya ni Eric ngunit ngayon ay tahimik lang silang dalawa. Ano kaya ang nangyari sa kanilang? "Nag-away kasi sila noong isang araw, Ate Aliyah." Lumingon ako kay Hans at naabutan ko siyang nakatingin kina Julian at Eric. "Pinagsasasabi mo riyan, Hans?" My face twitched in discomfort. Ano'ng pinagsasasabi ng batang ito? Diyos ko, ang mga bata nga naman ngayon. "Nagtataka kasi ang mukha mo, Ate Aliyah. Kahit hindi ka nagsasalita ay halata naman sa mukha mo na iniisip mo sina Ate J

