THIRD PERSON'S POV "Nasaan na ba ang babaeng iyon?" inis na bulong ni Aliyah at nilipat niya ang kaniyang tingin mula sa kanyang cellphone patungo sa daan. "Akala ko ba sabay kaming pupunta sa birthday ni Allen? Hay, si Macy talaga." Umupo sa waiting bench si Aliyah habang yakap ang kaniyang backpack. Kasalukuyang naghihintay si Aliyah ngayon kay Macy at nasa isang waiting shed siya ngayon. Napag-usapan kasi nina Aliyah at Macy na sabay silang pumunta sa birthday ng kanilang kaklase na si Allen. Ang usapan nilang dalawa ay dapat alas nuebe ay nasa byahe na sila papunta sa resort ni Allen kaso lagpas alas nuebe na at wala pa rin si Macy. Walang gana na sumandal si Aliyah sa bench at naghintay pa ng ilang oras. "Oy! Aliyah!" Kumunot ang noo ni Aliyah nang may tumawag sa kaniya. Lumingo

