ALIYAH'S POV "Oh! Romeo, my Romeo. Why do you have to die? Why do you have to leave me all alone?" Umiiyak ngayon si Honey habang niyayakap ang katawan ni Kobe na nakahiga sa kaniyang mga hita. Kumunot ang noo ng aming guro sa Literature at nakita ko na may sinulat siya sa kaniyang hawak na papel. Nasa kalagitnaan na kami ng aming class play at malapit na itong matapos. Tutok silang lahat sa presentasyon na nasa harapan habang ako ay ibang bagay ang iniisip. Bumuntong hinga ako sa aking upuan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ni Honey sa'kin kahapon. Wala ng ibang laman ang aking utak kundi ang mga salita lamang na binitawan ni Honey kahapon. "Ayos ka lang?" Lumingon ako kay Paul na nakaupo sa aking tabi at nag-aalala siyang nakatingin ngayon sa akin. P

